Extra Chapter: Official

7 2 0
                                    

| Xhiena's POV |

"Xhiena, bilisan mo naman." Walang emosyon na sabi ni Czach habang nagbibihis ako ng damit. Nakatingin lang siya sa akin at para bang wala siyang pakialam na nagbibihis ako. Hindi ko na lamang siya sinaway dahil parehas naman kaming babae.

"Oo, eto na nga e, nagsusuklay na." Sagot ko naman. Nagsusuklay habang inaayos ko ang damit ko sa harapan ng salamin ang ginagawa ko ngayon. Grabe maka-multi tasking no? Hindi naman sumagot si Czach bagkus ay tumayo siya mula sa pagkakaupo sa higaan at tumabi sa akin at tumingin din siya sa salamin.

"Alam kong nagtataka ka kung bakit ganito ang ugali ko. Gusto mo bang malaman?" Tanong niya sa akin kaya naman ay napatigil ako sa ginagawa ko at nagtitigan lang kami sa salamin.

"Sino bang hindi diba? Masyado ka kasing misteryoso. Ni wala nga kaming alam tungkol sa buhay mo. Ang weird mo pa." Sabi ko sa kanya at pinagpatuloy ko ulit ang pagsusuklay ko.

"Ulila na ako. Namatay ang parents ko during Killer Website era. Actually, may kuya ako and nasa 20s na siya." Sabi nito.

"Sabi mo ulila ka na tapos may kuya ka? Ano ba talaga?" Pagtataka kong tanong.

"I killed him. He's a rapist! Kamuntikan na niya akong rape-in habang natutulog ako. Buti nalang at nakatakas ako sa kwarto at pumunta ako sa kusina upang kumuha ng kitchen knife. Sinundan niya ako sa kusina. Hindi ko pinakita sa kanya na natatakot ako. Pinilit kong magpakatatag nun. Sa una ay kunwari ay bumigay ako but hindi niya alam ay may hawak hawak akong kitchen knife at sinaksak ko iyon sa batok niya." Nagulat ako. Hindi dahil sa kwento niya na pinatay niya ang kuya niya. Nagulat ako dahil this time ay punong puno ng galit sa boses at sa mukha niya. Ngayon ko lang nakita na may ganito pala siyang emosyon.

"Kaya pala. Bakit hindi ka nga pala gumawa ng account dun sa Nissassa?" Tanong ko sa kanya.

"My family hate gadgets and social medias. My parents told us before that we should not use any kind of gadgets 'cause it will ruin our lives. And I guess, totoo nga yung sinabi nila. But one day, I was shocked when an assassin went to our house and he killed my parents. As in kitang kita ko ang pagtalsik ng dugo ng parents ko at maging ako ay natalsikan. Hindi naman ako natakot nun dahil sa totoo lang ay nasiyahan pa ako sa nakita ko." Mahabang sabi nito na mas lalong kinagulat ko. Lumalabas na ang tunay niyang ugali. Hindi na siya yung cold na Czach na nakikita ko ngayon.

"Ahh." Sagot ko na lamang. Tiningnan ko nang pasimple ang orasan. Malapit na kaming malate. Dadaanan pa namin si Xenon sa dorm niya.

"I guess lumalabas na ulit ang tunay kong ugali. Hindi naman ako ganito noong elementary. Actually nambubully pa nga ako. Kaso nagbago talaga ang takbo ng ugali ko nang pinatay ko ang kuya ko. Naging cold at nawalan ako ng pake sa paligid ko. Sa totoo lang, natatakot ako sa sarili ko na makisalamuha sa inyo at sa ibang tao dahil palagi kong naiisip na may gagawin kayong hindi maganda sa akin kagaya ng ginawa sa akin ng kuya ko." Pag-eexplain niya. Hindi na ako sumagot dahil nag-aalala na ako kay Xenon. Panigurado ay galit na yun.

"Ay tara na, susunduin pa natin si Xenon sa dorm niya." Sabi naman niya kaya naman ay nakahinga ako ng maluwag.

Habang naglalakad kami papunta sa dorm ni Xenon ay wala sa amin ang nagbalak magsalita. Pagkadating namin sa pupuntahan namin ay natanaw na namin si Xenon sa harapan ng dorm niya at mukhang inip na inip na siya mag-antay.

"Ang usapan 11:30 am diba? Anong oras na oh, 12:15 pm na!" Inis na sabi ni Xenon. Hindi naman na ako nagulat dahil sanay na ako sa ugali niya. Sa room palang kasi ay ganyan na siya, kagaya na rin kapag may practice. Sobrang strict ng lalaking yan.

"Pasensya na Xenon. Kasalanan ko." Sabi naman ni Czach na bumalik sa kanyang dating pagsasalita. Yung walang emosyon. Napatango nalang si Xenon at nagsimula na kaming maglakad palabas ng school.

Judas' KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon