Chapter 17: Their Game

23 6 0
                                    

| Giovanni's POV |

Aba, sabihan ba naman kami ng bobo nitong Xenon na to! Napagkayabang!

"Hoy anong sabi mo?!" sigaw ko kay Xenon habang papalapit ako sa kanya dala dala ang kutsilyong hawak ko. Nanggigil na talaga ako!

"Kailangan pa bang ulitin? Sabi ko ang bobo niyo!" sigaw nito at napangisi siya. Hindi na ako makapagpigil kaya naman ay hindi na ako nagdalawang isip na saksakin ang tiyan niya. Agad naman siyang napangiwi sa sakit ng hinugot ko ang patalim mula sa pagkakasaksak ngunit hindi pa rin naaalis ang ngisi niya sa kanyang mukha.

"XENON!" sigaw ni Xhiena at muling bumuhos ang kanyang luha.

"Ano?! Diba masakit?! Ayan para naman maranasan niyo yung sakit, kingina niyong lahat!" sigaw kong sabi habang pinagtuturo ko ang mga nakabihag at napatumba naman ako kaya agad lumapit sa akin sila Zhena at Kim.

"Pwede ba Giovanni kumalma ka muna?!" sigaw sa akin ni Zhena kaya naman ay tinitigan ko siya ng masama. "Oo nga, sabi ko nga huwag ka nang kumalma." at lumayo layo siya sa akin.

"E kung pakawalan kaya natin sila Giovanni? Para mas masaya. Tagu-taguan, tayo ang taya." pagsusuggest ni Kim kaya naman ay napangiti ako.

"That's a good idea Kim! Kaya mahal kita e!" at napayakap naman ako sa kanya. Nagulat naman ang gaga. "Pakawalan niyo na ang mga bihag. Walang manlalaban ha!" dagdag ko

"Bobo talaga oh." bulong ni Peter kaya naman ay sinamaan ko siya ng tingin.

"Bubulong ka nalang nga maririnig ko pa! Ikaw ang bobo diyan!" sigaw ko sa kanya at lumapit ako sa kanya upang sipain ang kanyang tuhod. Napangiwi naman siya ngunit parang hindi siya nasaktan.

"Alam mo ba yung word na sadya, Giovanni? Bobo mo naman!" sagot nito sa akin. "Nga pala, hindi masakit yung sipa mo. Dakilang weak ka! Hahahahaha!" napatawa naman siya ng malala. Hindi ko na lamang siya pinansin dahil alam kong nababaliw lang siya.

"Gusto ko maglaro ng tagu-taguan at kami ang taya--" napatigil ako sa pagsasalita ng biglang sumabat si Ashton.

"Inulet!" pangaasar niya sakin ngunit hindi ko na lamang ito pinansin dahil hindi ko nagets ang pangaasar niya sakin kaya ay ipinagpatuloy ko nalang ang aking pagsasalita.

"Kapag nahanap namin kayo ay diretso patay na kayo at hindi niyo na kailangang manlaban pa. Intiendes?" pagpapaliwanag ko ngunit walang sumagot. "Ano ba yan! Mga wala ba kayong dila?! Sumagot naman kayo!" sigaw ko sa kanila ngunit hindi pa rin sila nagsasalita. "Kingina, sinasayang niyo ang oras ko! Tara na't magsimula!" at nagsikilusan na sila at dali daling tumakbo para magtago.

| Third Person's POV |

Habang tumatakbo sila Peter, Ashton, Xhiena at Xenon ay tawa lamang sila ng tawa at wala silang plano magtago. Alam nila sa kanilang sarili na hindi sila mahuhuli dahil dakilang bobo ang mga alagad ni Giovanni.

"Alam niyo ba kanina, gusto ko na talagang tumawa nung asar na asar si Giovanni sa atin dahil hindi tayo sumasagot sa kanila. Yung mukha niya, laughtrip!" pagkukwento ni Ashton habang tumatawa.

"Ako din e, kung alam mo lang. Hahahaha! Kaso baka masira ang moment niya hahahaha! Ayoko makasira ng moment!" sagot naman ni Xhiena habang hawak hawak ang tiyan nito dahil sa sobrang sakit kakatawa.

"Nga pala Xenon, kumusta na yung pagkakasaksak mo?" tanong ni Peter dahil naalala niya na nasaksak nga pala siya ni Giovanni.

"Ah, eto? Parang kagat lang naman ng ipis e. Huwag kayong mag-alala, hindi pa ako mamamatay at kaya ko pa naman." sagot ni Xenon. Napatango tango naman ang kanyang mga kasama at nagpatuloy sa pagdadaldalan.

"Okay, tama na yang kwentuhan! Tara, punta muna tayo sa mga rooms natin at kunin ang pwedeng ipanglaban sa kanila kung sakali." aya ni Peter ngunit napailing iling si Xenon at may nilabas na apat na kutsilyo.

"Nagtataka kayo kung saan ko to nakuha? Siyempre dun sa mga gamit nila. Hindi nila napansin dahil bobo nga sila. Oh ayan na." sabi nito at pinamahagi na kila Peter ang kutsilyo.

"Ang galing mo talaga Xenon! Ano, tara na't magtago." saad ni Xhiena at naghiwahiwalay na. Lingid sa kanilang kaalaman ay may isang tao na nakamasid sa kanila at nakangisi.

"Gusto nilang makipaglaro? Kami naman ang paglalaruan kayo." saad ng misteryosong tao at napangiti.

Samantala, habang naglalakad at naghahanap ang magkasamang Denver at Kim ay kinakabahan silang dalawa. Pakiramdam nila ay ano mang oras ay pwedeng may umatake sa kanila. Maya maya ay nakarinig sila ng kaluskos mula sa halamanan kaya naman ay bigla silang napahinto at naging alerto. Ngunit ang hindi nila alam ay nasa likod lang nila ang salarin hawak ang dalawang baril na may silencer.

"Hoy mga bobo!" sigaw nito kaya naman ay napatingin ang dalawang sa kanya at walang sabi sabi ay bigla na lamang silang binaril at saktong sa mukha pa tinamaan. Nagkalat ang mga utak at dugo nila sa lupa dahilan upang mandiri ang salarin at bigla na lamang itong naglaho.

Samantala, may isang tao naman na nagtatago sa likod ng halamanan ng makarinig siya ng mga hakbang papalapit sa kanyang kinaroroonan. Sumilip siya ng kaunti upang tingnan kung sino ang papalapit at napangiti siya nang makita si Zeke na papetiks petiks lang at sumisipol sipol pa. Nang makalagpas na si Zeke ay dahan dahan siyang lumabas sa kanyang pinagtataguan at walang sabi sabi at inundayan niya ng saksak ang leeg ni Zeke dahilan upang mapangiwi sa sakit at mahirapan sa paghinga ang huli ngunit kahit na medyo nanghihina at nagawa niya pang labanan ang umatake sa kanya at maswerte niyang nadaplisan ang ang braso nito ngunit hindi ito ininda ng umatake bagkus ay ito pa ang nagbigay sa kanya ng lakas na tuluyang patayin si Zeke. Pinagsasaksak niya ito ng maraming beses sa iba't ibang bahagi ng katawan dahilan upang maligo sa sariling dugo si Zeke.

Samantala, habang naglalakad sila Giovanni, Zhena, Justin at Ellen upang hanapin ang grupo nila Peter ay may dalawang tao ang nagmamasid sa kanila. Habang nagtatawanan ang apat ay hindi maiwasang mapangiti ng isa sa mga nagmamasid. Sige, magsaya lang kayo dahil malapit na rin ang inyong katapusan. Sabi nito sa kanyang pagiisip.

"Yoohoo mga bihag! Alam kong nandiyan lang kayo sa tabi tabi!" sigaw ni Giovanni na para bang alam na may taong nagtatago sa halamanan.

"Gago ka Giovanni, wala sila rito. Hindi naman dito ang way ng pinagtakbuhan nila." sabi naman ni Ellen kaya naman ay napasimangot si Giovanni.

"Oo nga, hindi dito ang way nila. Duon yun sa kabila!" sabat naman ni Justin nang mapagtanto na mali sila ng napuntahan. Kaya naman ay napagdesisyunan ni Giovanni na bumalik at pumunta sa kabila kung saan doon tumakbo ang grupo nila Peter. Nakakailang hakbang pa sila nang biglang may sumulpot na dalawang tao na nakamaskara sa kanilang harapan at may hawak na dos por dos ang mga ito. Ngunit imbes na makaramdam ng takot ay napahagalpak sa tawa si Giovanni.

"Hahahahahahahaha! Grabe .. hahahahaha! Ang galing niyo manakot Kim at Denver .. hahahahahahahaha! Nanggaya pa---" sabi nito habang hirap na sa paghinga dahil sa tawa ngunit naputol ang kanyang pagsasalita nang may pumalo sa kanyang ulo mula sa likuran at laking gulat naman ito nila Justin, Ellen at Zhena at nang titingin na sana sila sa likod ay dali daling inispray-han gamit ang spray paint na may lamang pampatulog ng dalawang nakamaskara ang mga ito dahilan upang umubo-ubo sila at mawalan ng malay. Napathumbs up naman ang isa sa mga nangspray sa pumukpok ng ulo kay Giovanni.

----------------
VOTE & COMMENT.

Judas' KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon