Chapter 18: Behind The Mask

24 6 0
                                    

| Giovanni's POV |

"Tangina, ang tagal namang gumising ng mga to."

"Masyado atang pagod kaya napasarap ang tulog."

"Buhusan mo na kaya ng tubig yang mga yan! Nababagot na ako sa pag-aantay!"

Nananaginip ba ako? Kakagising ko lang ngunit hindi ko pa iminumulat ang aking mga mata. Pasimple akong gumalaw ngunit laking gulat ko nang napagtanto kong nakatali pala ako. Maya maya ay nakaramdam ako ng buhos ng tubig sa aking mukha dahilan para habulin ko ang aking hininga at mapaubo. Inilibot ko ang aking mga mata at namangha ako kung nasaan kami. Nasa kulungan kami ngunit iba ang kulungan na ito. Hindi basta basta bakal ito dahil mas maganda at sabay sa technology ang kulungan na ito at nagkakahalaga lamang ito ng dalawampung milyong piso!

"Sa wakas, gising ka na." sabi ng isang pamilyar na boses habang naglalakad kaya naman ay napatingin ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya. Hindi ito maaari!

"Buhusan mo na rin nga yan ng tubig yung tatlo!" utos nito sa kasamahan niya ngunit ito ay nakamaskara. Ginawa naman nito agad ang pinaguutos ng demonyong ito dahilan upang magising na ang mga kasama kong bihag din. Speaking of demonyo, bigla siyang nagsalita.

"Kumusta na Giovanni?" tanong nito sa akin na nakakurba ang kanyang ngiti sa kanyang labi. Hindi ko siya sinagot. "Sumagot ka naman! Ayoko yung ginagawa akong tanga!" sigaw nito sa akin at sinipa ako sa tuhod ng maraming beses. Napangiwi ako sa sakit at halatang nanggigigil siya sa akin dahil ramdam ko ang galit sa kanyang pagsisipa.

"Oh, awat na yan. Baka mapilayan pa yung tuhod at nang hindi na makalakad yan. Makikipaglaro pa nga tayo sa kanila e." pagpapatigil ng isang nakamaskara na pamilyar din ang boses. Napatigil naman ito sa pagsisipa sa tuhod ko.

"What the fuck." gulat na sabi ni Justin nang makita niya ang taong sumipa sa tuhod ko. Maging sila Zhena at Ellen ay hindi rin makapaniwala sa kanilang nakita. Narinig ito ng sumipa sa akin ngunit hindi na lamang niya ito pinansin. Lumapit ang isang nakamaskara sa akin at tinanggal niya ang suot niya sa kanyang mukha. Lahat kaming bihag ay nagulat dahil sa aming nakita. Nananaginip lang ako!

"Mukhang gulat na gulat naman kayo? Hahaha! Bobo kasi ng isa niyong kasama e. Nasaan na nga ba yun?" sabi nito at nilibot ang kanyang mga mata sa paligid. Kilala ko ang tinutukoy niya. Oo nga, nasaan na nga ba ang gagong yun.

"I killed him. Kung makita niyo lang ang katawan niya na naliligo sa dugo, matutuwa kayo." sagot naman ng isang nakamaskara. Ano, patay na siya?

"What the fuck! Wala talaga kayong dangal!" sigaw ni Ellen habang umiiyak kaya naman ay napatawa ang sumipa sa tuhod ko.

"Well, hindi naman kami nagumpisa ng laro diba? Kayo, kayo ang nagumpisa ng larong to! Hindi sana mamamatay si Zeke kung hindi kayo nagumpisa ng laro!" sigaw niya sa amin at bigla nanaman siyang natawa. "Hahahaha! Oo nga pala, kayo nga pala ang naging laruan namin kanina. It was really fun!" dagdag nito at tumalon talon.

"Paano ka nabuhay?" walang emosyon kong tanong kaya naman at natigil siya sa pagtalon talon.

"Sabihin na nating may tumulong sa akin habang naghihingalo ako." sagot nito at kumurba ang ngiti niya sa kanyang labi. "Gusto mo malaman kung sino?" dagdag niya pa.

"Oo gusto ko malaman kung sinong hayop ang tumulong sayo!" sigaw kong sagot. Ilang segundo ang lumipas ay lumabas ang isang nakamaskara at nang itinanggal niya ang kanyang suot sa kanyang mukha ay nagulantang ako.

"NOOOOOOOOO! THIS IS NOT FCKING TRUE! YOU ARE DEAD! THIS IS JUST A FUCKING DREAM!" sigaw ko habang ako'y naguguluhan. Narinig ko ang iyakan nila Zhena at Ellen na mas lalong nagpabwisit sa akin. "SHUT UP!!" sigaw ko sa kanilang dalawa kaya naman ay tahimik na silang umiiyak.

"Are you surprised?" tanong nitong taong to sa akin. Tiningnan ko naman siya ng masama. "Oh, chill lang. Baka mamatay nanaman ako." pabiro nitong sabi.

"Mabuti nga yun e! Tangina paano ka pa nabuhay Mr. Roswell?!" sigaw kong tanong sa kanya.

"Tinulungan lang naman ako ni Czach." sagot nito at ang tinutukoy niya ay ang taong sumipa sa akin. Napahalakhak naman ako.

"Grabe! So kasabwat ka pala nila Mr. Roswell?! Ano, plinano niyo bang dito kami dalhin sa resort mo para dito na rin kami tapusin?!" sigaw kong tanong ulit sa kanya.

"Definitely yes!" diretsahan niyang sagot. "Dito namin balak tapusin ang sinimulan namin sa klase niyo, natin rather." at napangiti naman siya.

"Tangina, anong klase ba kayo?!" sigaw naman na tanong ni Justin. Halatang hindi na siya makapagtimpi.

"We're not humans, we're demons." sagot naman nung kaninang lumapit sa akin na nakamaskara. Si Hero. "Oy joke lang, tanga pa man din kayo baka maniwala kayo." dagdag nito at nagpeace sign.

"Huwag niyong sabihin pati si Asher ay buhay din?" tanong ko. Hindi nga ako nagkakamali dahil bigla na lamang siyang lumitaw. Namamalikmata lang ba ako?

"Oh yes, I'm fcking alive and still handsome!" taas noo nitong sabi at napatingin siya sa akin. "Oh, hi Giovanni! Hello din pala Justin, Ellen and Zhena." kaway nito sa amin. "Nasaan na nga pala si Zeke?! Tangina nun e!" dagdag pa nito.

"Nako, Pony killed him." sagot ng isang nakamaskara. Inis na inis na ako dahil hindi ko makilala kung sino yung mga nakamaskara! Magsasalita pa sana si Asher nang bigla akong magsalita.

"CAN YOU PLEASE TAKE OFF YOUR MASK?! IRITANG IRITA NA AKO, HINDI KO KAYO MAKILALA!" sigaw na tanong ko sa kanila kaya naman ay agad nilang ginawa ito. Hindi na ako nagulat, expected ko na. Tama ang hinala ko.

"Magugulat nalang ako kapag wala si Xenon, Xhiena at Peter dito e! Hahahaha!" salita ko at bigla akong napatawa. Napatingin ako sa kanila at halatang clueless.

"What the fuck do you mean?" tanong ni Xenon na ganon pa rin, cold pa rin.

"Naalala niyo ba yung pinatawag ko kayo sa bilyaran at sinabi ko na kilala ko ang tatlong killers?"

"Malamang! Hindi kami ulyanin!" sabat naman ni Ashton. Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ko lang ang aking pagsasalita.

"Paano ko nga ba nalaman yun? Kelvin said it to me." sabi ko at napangiti ako. Hindi naman sila nagulat sa sinabi ko. "Hindi ba kagulat gulat ang sinabi ko?" tanong ko.

"Alam mo, mas nakakagulat pa yang mukha mo kaysa doon sa sinabi mo e." sabi ni Xhiena na halatang inis na.

"Siyempre, alam namin na sinabi ni Kelvin sayo no! Kaya nga wasak yung bibig nun e." sabi naman ni Peter. "Pasalamat ka nga hindi ka namin sinunod sa kanya e." dagdag pa nito. Napanganga nalang ako. Paano ba nila nalalaman yun?!

"Pero alam mo, buti nalang at hindi mo sinabi sa iba yung nalalaman mo kasi hindi ka makakatagal at makakahantong dito pati na rin yung taong pinagsabihan mo. At siyempre, hindi mo mararanasang pumatay ng tao kung sinabi mo sa iba yun." mahabang sabi ni Mr. Roswell. Akala ko naisahan ko sila, yun pala hindi. Mga demonyo talaga!

"Hindi mo talaga kami maiisahan dahil mas magaling kami kaysa sa inyo!" sabi naman ni Czach. Ay, mind reader lang te?
"Yes! I can read your mind! I mean, I can read everyone's mind. Is it amazing? Inggit ka?" pagyayabang nito. Inirapan ko na lamang siya. Wala na akong panahon na makipagusap sa kanila.

"Mukhang bagot na bagot ka na. Gusto niyo bang makipaglaro?" tanong sa amin ni Czach. Napatingin ako sa kasamahan kong bihag ngunit nakasimangot lang sila. "Kami naman ang taya sa larong ito. Habol-habulan ang gusto kong laro. Pero ito ang objectives, kailangan niyong makatakas dito sa resort na to. Kung ni isa sa inyo ay hindi makakatakas, panalo kami. Simple lang diba?" paliwanag ni Czach. Hindi ko alam kung may plinaplano sila sa larong to, ngunit makikisakay nalang ako.

----------------
VOTE & COMMENT.

Judas' KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon