Chapter 1: Trouble!

87 2 0
                                    

"6:30 am! Shit!" Balikwas ng bangon sa kama. Sanay na siya sa mabilisang kilos tuwing umaga. Palaging puyat mula madaling araw na pag uwi, pag gamit ng mga social networking sites at paglalaro ng mga online games. Five minutes shower. Ten minutes na pagbibihis at pag aayos sa sarili at pag pasok sa school ng walang breakfast.

"Hijo, handa na breakfast mo!" Sabi ng katalikod na si Nana Isyang. Ang mayordoma sa mansion ng mga Olsen. Naantala tuloy ang pag labas niya ng pintuan.

"Alam nyo na paalis na ako?"

"Kabisado na kita at kanina pa akong nakatingin dito sa relos ko. 6:45, Sakto!"

"Iba ka talaga Nana Isyang pero ma late na po ako. Sige po!" At tuluyang lumabas ng mansion. Pero wala pang isang minuto muling bumukas ang pinto.

"Sabi ko na nga ba hindi mo matatanggihan ang mga luto ko!" Nakangiting saad ng mayordoma. Pero ngumiti lang ito sa kanya at pinakita ang leather jacket.

"I forgot!" Sabi nito at muling nilisan ang tahanan.

"Hay, mga kabataan ngayon sa paaralan lang ang punta, puporma pa! Tsk,  mga kabataan nga naman!"

Start the engine. Turn on the radio and drive his 4 wheeled Audi car. Halos liparin niya ang daan wag lang ma late patungo sa eskwelahan.

"Ayyy! Yong palda ko!"

Tumingin siya sa side mirror at bahagyang napangiti ng makita niyang nilipad ng hangin ang mga paldang suot ng mga estudyanteng nadaraanan niya.

"Sorry!" Muli siyang tumingin sa salamin at napangiti.

"Woo, eto assignment mo!"

"Salamat Anj."

"Anong salamat? May kapalit yan!" Agad na bara nito kay Woo. "Ned, eto sayo!"

"Thanks,  libre na lang kita mamaya sa canteen."

"Barat mo! Canteen lang? Hirap kaya gumawa ng assignments to the point na kailangan ko pang iba - ibahin ang mga way ng pag sagot!" Reklamo ni Irish.

"Grabe naman itong kapatid mo Ryk buti pa sayo na lang kami nag pagawa."

"Ulol! Kasama nyo yan kagabi kaya ako rin gumawa ng homework niya!  Saan na ba si-----

"Dito na ako!"

"Four,  tol morning!" Bati ni Ryk sa bagong dating. "Kanina kapang hinahanap ng prinsesa mo!"

"Prinsesa?"

Lumapit si Irish dito. "Late ka na naman? Pasalamat ka wala si Mrs. Lucas! Eto assignment mo."

"Si Irish ba tinutukoy nyong prinsesa?" Siya ang bukod tangi sa grupo na hindi tumatawag ng Anj kay Irish  "Mukang dugyot na ito kay aga -aga pa." Sabi nito na wala man lang kangiti ngiti at tinungo ang sariling desk.

Lumapit si Irish. "Grabe ka kung maka lait! Oo na, ikaw na ang gwapo!" Inis nitong sabi pero hindi siya pinansin ni Four. Tahimik lang ito na parang may hinahanap.

"Ryk, si Zap may balita ba kayo?"

"Wala, tol."

"Ilang linggo na siyang absent, ah. Nag punta ako sa bahay nila pero isang buwan na daw hindi umuwi." Bakas sa mukha ni Four ang pag aalala.

"Ano kayang nangyari sa kanya?" Nag aalalang tanong ni Ned. "Pano ang WRANGLERZ? Ano na mangyayari pag nawala ang pinuno natin!"

"Praning!" Batok ni Woo. "Wag ka nga mag isip ng ganyan! Hindi tayo iiwan ni Zap. Mahalaga sa kanya ang grupo kaya di niya gagawin yun. Nalimutan mo na ba, ilang beses na siyang inalok ng iba't ibang grupo para sumapi sa kanila pero hindi niya tayo iniwan."

A Bad Boy's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon