Naiinis na bumalik sa sasakyan si Kej. Kung kailan siya nagmamadali saka naman nakalimutan ang paborito niyang dalhin ang camera.
"Hay, wala dito? It means isa lang ibig sabihin!" Napabuntong hininga siya habang kinakausap ang sarili. "Naiwan sa bahay!"
"Hoy Kej! Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ni Woo. Bagong dating lang ito.
"Wala Tol! Hinahanap ko lang camera ko." Sagot nito.
"Nakita mo?" Tanong pa nito habang itinatago ang hawak na helmet.
"Hindi. Naiwan ko sa bahay."
Habang naguusap ang dalawa ay may dumating naman na kung sino. Maangas ito. Halatang sanay sa pakikipag away. Ganun din ang dalawang kasamahan nito.
"KUMUSTA KEJ? Dito ka pala nagtatago. Hmm, mukhang maganda itong bago mong nilipatan ahh!"
"Dren! Nakalabas ka na pala."
"Siempre naman Kej hindi ko sasayangin ang buhay ko sa walang kwentang Home's Town na yon!" Wika nito na may diin. Lumapit ito at hinawi ang pagitan nina Kej at Woo. Papalag sana si Woo pero sinenyasan siya ni Kej. "Bagong kotse mo ba ito?" Sabay tingin kay Kej at ngumiti ng nakakaloko. "Dami mo talagang pera!"
"Hindi naman! Naka kuha lang ng konti sa insurance dahil sa ginawa mong pagsunog sa kotse ko."
Biglang lumapit si Dren dito at tinitigan ng masama.
"Sana nagbago ka na at may natutunan sa Home's Town."
Hinawakan ni Dren ang kwelyo ng damit ni Kej. Nanggagalaiti itong nagsalita. "Natutunan? Nagpapatawa ka Kej! Impiyerno ang mabuhay dun! Ngayong naka labas na ako hindi ko sasayangin ang buhay ko! Gagawin ko itong mas exciting at sisimulan ko sa'yo!" Pabigla nitong binitiwan si Kej. "Hindi pa tayo tapos!" Wika pa nito bago nila nilisan ng mga kasama ang Westlake.
"Sino ba yon Kej?" Usisa ni Woo ng wala na sina Dren.
"Dating kaibigan!"
TAHIMIK niyang pinagmamasdan ang mga isda habang lumalangoy sa loob ng aquarium. May iba't ibang kulay ang mga ito. Nawiwili siyang panoorin ang mga ito sa paglangoy. Pero biglang nagbago ang mood niya ng makita niya ang isang mukhang naka ngiti sa kabilang side ng aquarium. Sumimangot siya bigla at tumuwid ng tayo.
"Hi, Arrow!" Kumaway pa ito. "Paborito mo parin sila?" Tinuro nito ang mga isda.
"Tss!" Tumalikod si Arrow at lumabas ng store.
"Hoy, sandali lang!" Humarang ito sa daraanan ni Arrow at sanhi yon upang napahinto ito sa paglalakad.
"Aki ano ba!" Inis na wika ni Arrow. Lumihis ito at pinagpatuloy ang paglalakad. Pero sadyang pinaglihi sa kakulitan itong si Aki kung kayat muling humabol.
"Suplado mo!" Kasabay ng isang mahinang hampas sa batok. Muli napa hinto sa paglalakad si Arrow. Tumingin ito ng masama. Sinamantala naman ito ni Aki. "Halika, may masarap dung kainan. Libre mo ako.
"Huh?"
Walang nagawa si Arrow ng hilahin siya ni Aki. Nagtungo sila sa isang noodle's house.
"HELLO, SUKI!"
"Magandang araw po! Table for two!" Masayang tugon ni Aki.
"Ok dito po tayo!"
Sumunod sina Aki sa waiter. Si Arrow naman ay tahimik lang ding sumunod kay Aki. First time sa lugar kaya pamasid - masid lang ito. Maraming kumakain sa loob. Naupo na sila sa mga silya bago sila iniwan ng nag assist sa kanila.
"Masarap ang mga pagkain dito! Tingnan mo ang daming kumakain." Masiglang wika ni Aki. Tinapunan lang siya ni Arrow ng tingin at muling iginala ang mata sa paligid.
BINABASA MO ANG
A Bad Boy's Story
ActionTinatawag silang "bad boys". Trouble maker. Delinquent. Sila ang "WRANGLERZ". Iniiwasan sila at madalas ma misinterpret ng marami. Pero sila, alam nila ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan. Kapatid ang turing nila sa isa't isa. Marunong sumunod a...