Napapatabi ang lahat ng mga estudyanteng nakakasalubong ni Four. Hindi dahil kilala na siya ng mga estudyante dito sa Westlake kundi dahil sa seryosong mukha nito. Halatang may pakay siya kung bakit bumalik sa dating pinapasukang eskwelahan.
"Four! Anong hangin ang nagtaboy sa'yo dito ha?" Tanong ni Enz sa kaibigan ng makita itong parating. "Kumusta?" Inakbayan nito ang kaibigan.
"Ayos naman. Nakita mo ba si Heart?"
"Si Heart? Teka, kayo na ba ni Heart tol? Meron ba kaming hindi alam, ha?" Panunukso nito.
"Enz!" Lumapit si Peu sa dalawa. "Langya tol andito pala si Four hindi mo sinasabi? Sinosolo mo!" Bumaling naman ito kay Four. "Musta tol? May chicks na ba tayo dyan? Baka may kapatid o kaibigan yan pakilala mo naman kami."
"Ayos lang. Si Heart nakita mo ba?"
"Si Heart? Si Heart ba ang chicks mo? Nakita ko kanina kasama ni---"
Huminto si Peu ng makita niyang sumesenyas si Enz sa kanya.
Kumunot naman ang noo ni Four ng mapansin ang dalawa. "May hindi ba kayo sinasabi sakin?"
"Ha? Ah e ano kasi---"
"Pinuno andito ka pala!" Lumingon ang tatlo sa parating na si Ned. "Babalik ka na ba dito? Kasi naman lagi akong binubully ng dalawang yan!" Kunway pagsusumbong nito kay Four.
"Nakita mo ba si Heart?"
"Si Heart? Oo kasama niya si Kej patungo sa may garden sa likod ng building 1."
Hindi pa man tuluyang natatapos ni Ned ang sasabibin ay agad ng iniwan ni Four ang mga kaibigan at tinungo ang direksiyon na sinabi nito.
"Loko bakit mo sinabi?" Sabay hampas ni Enz kay Ned.
"Aray masakit yon ha?"
"Daldal mo talaga para kang babae! Tara sundan natin.
Agad namang sumunod ang tatlo.
"Heart!"
"Four? Anong ginagawa mo dito?" Halata ang pagka gulat ng dalaga. Agad nitong inalis ang kamay ni Kej na nasa balikat niya. Sinalubong niya ang palapit na binata pero umiwas ito at kara-karakang sinugod ng suntok si Kej.
"Four ano ba?" Sigaw ni Heart.
Hindi siya pinansin ng binata at sinugod muli ang bumagsak na si Kej na gulat din sa nangyari. Hinawakan nito ang kwelyo at pilit na pinatayo. Sinandal niya ito sa pader at dinibdiban.
"Ang lakas ng loob mo gaguhin sila! Niloloko mo na nga si Irish pati si Heart idadamay mo!"
Halatang pigil ni Four ang galit niya. Hanggat maaari ay ayaw niyang manakit ng kaibigan pero kapag ganito namang tinanggap at tinuring mong kaibigan at siya pang gagawa ng katarantaduhan ay hindi niya kayang palampasin 'yun.
"Niloloko si Irish? Hindi ko alam ang sinasabi mo!"
Idiniin ni Four ang mga kamao sa dibdib ni Kej. "Anong Hindi ang pinagsasabi mo dyan! Kitang kita ko na yakap-yakap mo si Irish sa loob ng disco haus na 'yun at kayong dalawa lang!"
"Kumalma ka nga!" Sigaw ni Heart na nasa gilid lang ng dalawa. "Kung talagang nakita mo sina Irish at Kej dapat nakita mo rin ako ng gabing 'yun dahil kasama nila ako!"
Napatingin si Four sa gawi ni Heart. Tinitigan niya ito kung nagsasabi ba ng totoo. Agad namang nakuha ng dalaga na sinusuri siya ng kausap.
"O marahil kasalukuyang nasa ladies room ako ng dumating ka kaya di mo ako nakita." Dugtong pa nito.
BINABASA MO ANG
A Bad Boy's Story
ActionTinatawag silang "bad boys". Trouble maker. Delinquent. Sila ang "WRANGLERZ". Iniiwasan sila at madalas ma misinterpret ng marami. Pero sila, alam nila ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan. Kapatid ang turing nila sa isa't isa. Marunong sumunod a...