Chapter 8: Oregon High!

19 0 0
                                    

"TOTOO BA YANG SINASABI MO?"

Halos hindi maka paniwala ang lahat sa balitang sinabi sa kanila si Ryk. Lahat puzzled. Nagtataka.

"Mabubuwag na ba ang Wranglerz?"

"Ano ba yang sinasabi mo Ned! Siempre hindi! Wag nating pangunahan si Four! Alam ko may dahilan siya kung bakit siya lumipat ng school." Kalma ni Ryk sa mga kaibigan.

"Tama si Ryk. Hintayin natin ang paliwanag ni Four." Pag sang-ayon ni Kej.
"Sa tingin ko wala namang problema kahit lumipat ng ibang eskwelahan si Four. Ang malaking katanungan bakit sa Oregon High?  Alam naman niyang mga sanggano ang mga estudyante dun!" Pagtataka ni Peu.

"Doon, kung hindi ka maghahari ikaw ang magiging utusan. Sunod - sunuran sa utos ng nasa taas. Hindi ka magiging malaya!" Saad naman ni Lan.

"Ano bang binabalak niya? Hahawakan niya ang Oregon? Mahihirapan siya. Bago lang siya doon at walang tropa! Bakit kasi umalis pa siya ng Westlake. Dito kinikilala siya!" Wika ni Enz.

"Hindi! Hindi pwede na basta na lang siya umalis at iwan tayo ng ganun na lang! Hindi ako papayag! Hindi pwede yon!" Sigaw ni Irish. Iniwan niya ang grupo matapos sabihin ang mga katagang yon.

"Anj!"

KUNG pagmamasdan mula sa labas ang Oregon High akalain mong tahimik. Konti lang estudyante ang makikita mo sa labas na pakalat kalat. Sa kadahilanang may kanya kanya silang paboritong tambayan kasama ang kani kanilang grupo. Pero kabaliktaran yon kapag di pa oras ng pag pasok. Halos kalahati ng estudyante dito ang pakalat kalat sa mga katabing tindahan.

"Hoy, loner! Mag isa ka na naman!" Wika ni Kiev. Lumapit ito at naupo sa tabi ni Four. Tinapunan lang ng sandaling tingin nito si Kiev at muling tumingin sa labas.

"Four ang pangalan mo di ba? Madalas ka ba talagang nag iisa? Dito kasi hindi uso ang salitang solo. Lahat dito may grupo para kung mapa trouble ka may kasangga ka!" Paliwanag ni Kiev. "Ano bang gusto mo at lumipat ka dito, away?"

"Gusto ko maging malaya!  Ayoko ng gulo! "

"Joker ka pala! Ayaw mong lumaban pero andito ka sa Oregon! Ano bang balak mo?" Hirit pa ni Kiev.

Hindi sumagot si Four.  Maya maya ay may dumaan na isang grupo ng estudyante.

"Yan ang grupo nila Taco. Yung long hair, siya yon at yung may kulay naman na kasabay niya si  Jack. Magkaibigang matalik. Sa labanan wala pang nakakatalo sa kanila. Tulad natin Senior din sila!"

Tahimik lang si Four habang nakatingin at nakikinig sa kwento ni Kiev. Maya maya ay dumaan naman ang isang freshman. Nakatitig ito sa kanya. Nagtitigan sila pagtapat nito sa kanya.

"Magka kilala ba kayo?" Tanong ni Kiev ng maka lampas ang freshman.

Umiling si Four. "Hindi!"

"Siya si Arrow Rios. Freshman. Wala akong masyadong alam sa kanya kasi bago pa lang dito sa Oregon. Misteryoso. Walang ibang ginagawa kundi tahimik lang. Tulad mo lagi rin nagiisa at nagmamasid lang sa paligid. Maimpluwensiya ang pamilya niya. Halos lahat ng business dito hawak ng Rios Corporation. At ito pa ang balita, simula ng magka sakit ang Ama niya yung kanang kamay nito ang nagpapatakbo sa mga negosyo ng Rios. Si Mr. Santel at mas mahigpit pa siya sa totoong amo! Tsk! Grabe yon! May hawak din siyang malaking grupo ng gangster ang The Black Peak!"

"Black Peak?"

"Oo. Marami silang illegal transactions alam namin yon! Kapag sila ang naka bangga mo todas ka!" Iminustra pa ni Kiev ang daliri sa leeg na tigok ka.

Muling tumahimik si Four. Naalala niya ang nangyari kay Zap at sa Daddy niya.

"HOY KAYONG DALAWA! LUMAYAS NGA KAYO DYAN! MATUTULOG AKO!"

A Bad Boy's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon