After 3 months.
"Wow! Grabe akalain mo pumapasok na ulit ako!" Masayang wika ni Peu.
"Okay yan at makakasama na ulit tayo. Maniin lang natin ang taong ito at gagraduate na tayo!" Positibong wika ni Enz.
"Ang bilis ng araw. Kanina lang nagbabaksyon tayo, ngayon simula na ulit ng school year." Sabat naman ni Woo.
"Buti kayo graduating na! Ako dalawang taon pa! Maiiwan nyo ako dito."
"Peu, okay lang yan saka di ka nag iisa! Dami estudyante dito, di lang ikaw!" Biro ni Ned.
"TAMA SILA! DI KA NAG IISA!"
Sabay sabay na lumingon ang magkakaibigan.
"Kej!"
"Ako nga!" Masaya nitong tugon.
"Akala namin lilipat ka na ulit ng ibang school. Saan ka nag bakasyon?" Tanong ni Peu.
"Sa Province ng Mom ko. Doon ako nag bakasyon."
"Buti na lang dito ka ulit. Seatmate tayo ha? Patularin mo ako sa mga exams!" Hirit agad ni Peu.
"Grabe ka! Di ka parin nagbabago!" Wika ni Lan. "Teka, maiba ako kumusta ang bagong business nyo, Peu?"
"Ayon malayo sa dati pero okay na rin kaysa walang pagkakitaan. Ngayon marami ng kumakain at suki sina Mama!"
"Wow. Minsan kakain kami d'yan!" Saad ni Kej.
"Oo ba basta walang libre! Sabaw lang pwede!"
"Kuripot! May pang bayad kami!" Sabay sabay na wika ng tropa.
"Siyanga pala, may balita ba kayo kay Four?" Tanong ni Ned. Biglang nalungkot ang magkakaibigan ng maalala nila ang nangyari sa Daddy nito.
"Matapos ang libing ni Mr. Olsen wala na akong balita pa kay Four." Wika ni Lan.
"Mabuti pa tawagan at tanungin natin si Ryk. Bestfriend sila kaya posibleng alam nito kung asan si Four." Suhistiyon ni Enz.
"Speaking of the devil!" Wika ni Peu habang nakatingin sila sa dalawang tao na papalapit sa kanila.
"Kumusta mga Tol?" Masayang tanong ni Ryk sa mga kaibigan pagka lapit nito. Kasama din nito ang kapatid.
Sa halip na sumagot ang mga ito ay agad na nagtanong tungkol kay Four.
"Sa maniwala kayo o hindi, wala akong balita sa kanya. Huling kita ko sa kanya nung araw ng libing ni Tito. Tinatawagan ko siya pero laging off phone niya or baka nagpalit ng number." Mahinang wika ni Ryk. Tahimik lang si Irish at nakikinig lang sa mga kaibigan.
"Nung nasa libing tayo ng Daddy ni Four narinig ko na magbakasyon daw sila sa Amerika. Baka natuloy sila!" Kwento ni Woo.
"Baka. Mabuti na rin yon para medyo makalimutan nila ang nangyari." Sabi ni Kej. Lumungkot muli ang magkakaibigan. "Teka, ikaw Irish wala ka ba talagang alam?"
"WALA!" Mabilis na sagot nito.
"Wag na kayong masyadong mag isip tungkol dyan. Kilala natin si Four hindi tayo basta kalilimutan nun!" Kalma ni Ryk sa mga kaibigan niya. "Mabuti pa tara na sa classroom."
Nagsipagtauan na sila. Ngunit biglang nag paalam si Irish at iniwan ang grupo. May isang tao siyang gustong tanungin at sa tingin niya may alam ito tungkol kay Four.
"HEART!"
Lumingon ang tinawag. Nang makita niyang si Irish ito ay napa kunot noo.
"Pwede ka bang maka usap?"
BINABASA MO ANG
A Bad Boy's Story
ActionTinatawag silang "bad boys". Trouble maker. Delinquent. Sila ang "WRANGLERZ". Iniiwasan sila at madalas ma misinterpret ng marami. Pero sila, alam nila ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan. Kapatid ang turing nila sa isa't isa. Marunong sumunod a...