"Hindi nga ako nagkamali ng palipat dito! Maraming magagandang view!" Wika ni Kej habang abala sa pagpindot sa dala-dala nitong camera. Hilig niya ang kumuha ng magagandang larawan.
"Bago ka dito ano?"
Nahinto sa pagkuha ng larawan si Kej ng may humarang na katawan sa camera niya. Napatayo siya ng tuwid ng makita niya ang tatlong estudyante. Naka suot ang mga ito ng uniporme na tulad ng sa kanya.
"Hindi kita nakikita sa Westlake!" Wika ng isa sa mga ito.
"Noong isang araw lang ako lumipat ng school." Kalma lang ito. Hindi niya pinahalata na inis siya sa pag antala ng mga ito sa ginagawa.
"Kaya pala!" Lumapit ang isang sa mga ito at sinuri ang suot nyang jacket. "Ganda ng jacket mo! Pwede akin na lang!"
"Hindi pwede!" Inalis nya ang kamay nitong naka hawak sa jacket niya.
"Aba, pumapalag!" Wika ng isa pa sa mga ito.
"Hoy bago ka lang dito kaya matuto ka sanang makisama!"
"Marunong akong makisama sa mga taong karapat dapat na pakisamahan!" Deretsong wika ni Kej. Nainis naman ang tatlong estudyante dahil di nila matakot ito. Sakto namang napa daan si Heart sa park.
"Ano yan ha?" Wika ni Heart. Hinarap nito ang tatlong estudyante. "Wala na naman kayong magawa at nantitrip na naman kayo ng mga bago dito!"
"Hoy wala kang pakialam dito! Mind your own business, ika nga!"
"May paki ako dahil ayoko ng mga gangster! Isa pa classmate ko yang pinagtitripan nyo!" Matapang at seryosong wika ni Heart.
Tumingin si Kej kay Heart at sandali itong tinitigan. Tapos kumunot ang noo.
"Miss, classmate ba talaga kita?"
"Talagang nag tanong ka pa ano? Oo. Sa may unahan ako naka upo at sa may likuran ka di ba? Ngayon lang ulit ako pumasok."
"Oo. Kaya pala di kita nakita ng magpakilala ako. Absentnera ka pala!" Casual na wika ni Kej.
"Dito pa talaga kayo nagkwentuhan!" Wika nito at muling binalingan si Heart. "Wag ka ng makisali dito! Wala ka ng kuya na magtatanggol sayo!" Pagkatapos ay nagtawanan ang mga ito.
"Mga walanghiya kayo! Wag nyong madamay - damay dito ang kapatid ko!"
Hihirit pa sana ang tatlo ngunit napahinto ang mga ito ng makita ang paparating.
"Swerte mo ngayon!" Turo nito sa dalawa. "Tara na!" Nagsi pag alisan na ang tatlo.
"Kala mo kung sinong matatapang!" Wika ni Heart. Hindi sinasadya at napalingon ito sa likuran at nakita si Four na palapit.
"Salamat ha." Wika ni Kej. "Pero kaya ko naman ang tatlong---" Hindi nya natapos ang sasabihin ng basta na lang umalis si Heart. Napakamot na lang sa ulo si Kej. "Daming weird dito!" Napailing na lang siya at pinag patuloy ang pagkuha ng larawan.
"Did you already enjoying the view?"
Napa ngiti si Kej habang ibinababa ang camera. "Sabi na at babalik---- Naputol ang sasabihin ni Kej ng paglingon niya ay makita ang naka ngiting mukha ni Irish. "Irish!"
"Ako nga! Bakit may iniexpect ka bang iba!?" Sabi nito at luminga linga sa paligid.
"Ha? E ano, wala. Wala pa naman ako masyadong kilala dito! Ikaw, bakit hindi ka pa umuuwi?"
"May hinahanap kasi ako. Pero sa tingin ko naka alis na 'ata."
"Kung ganun sabay na tayong umuwi. Hahatid na kita basta ba may libreng merienda sa bahay nyo." Biro pa ni Kej.
BINABASA MO ANG
A Bad Boy's Story
ActieTinatawag silang "bad boys". Trouble maker. Delinquent. Sila ang "WRANGLERZ". Iniiwasan sila at madalas ma misinterpret ng marami. Pero sila, alam nila ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan. Kapatid ang turing nila sa isa't isa. Marunong sumunod a...