Chapter 12: Maruming Laro!

11 0 0
                                    

"Ano? Ready ka na ba?" Tanong ni Elix kay Dren. Kasalukuyan silang nasa lugar ng Westlake.

"Siempre naman! Ngayon ang pag tutuos namin ni Kej!" Wika nito. "Matagal tagal ko rin hinintay ang pagkakataong maka ganti sa ginawa niya!"

"Kayo kabisado nyo na ba ang mukha ng barkada niya?" Muling tanong ni Elix.

Nagsipag tanguan naman ang mga kasamahan nila.

"Kung ganun simulan na natin ang palabas!"


Samantalang sa di kalayuan ay masayang lumapit sina Ned, Woo at Enz sa matandang nagtitinda ng fish ball.

"Hoy, teka ako muna!" Wika ni Enz at bahagyang hinila nito si Ned na tutusok na sana ng fish ball.

"Ano ba nauna ako!" Giit naman ni Ned. Natatawa lang sa kanila ang matandang suki nila.

"Mas gwapo ako sa'yo kaya dapat ako muna. Hintayin mo na lang ung niluluto ni Manong." Giit pa ni Enz.

"Ano ba nauna ako!"

"Ako muna sabi!"

"Hoy! Tumigil nga kayong dalawa para kayong mga bata. Magpapalibre lang naman kayo!" Saway ni Woo sa dalawa.

"Eto kasi é!" Turo ni Enz kay Ned.

"Bakit ako? Ikaw kaya d'yan!" Tanggi naman nito.

"O siya, siya tama na yan. Bumili na tayo." Muling saway ni Woo sa dalawa.

Masayang kumakain habang nag kukwentuhan ang tatlo ng walang sabi sabing dinumog sila ng pangat ni Dren. Nagulat ang tatlo sa pangyayari kaya naman napuruhan agad sila.

"Loko kayo ah!" Wika ni Woo at nakipag suntukan.

Ganun din ang ginawa ni Enz. Nakipag suntukan sa mga di kilalang lalaki.

"Matapang kayo ha!" Sigaw ni Elix at binigyan ng malakas na suntok sa sikmura si Ned. Napayuko at napa ubo ito sa lakas ng suntok.

"Ned!" Sigaw ni Enz. Lalapitan niya sana ang kaibigan ngunit hinarang siya ni Dren at sinipa.

Bagsak ang tatlo. Sa dami ng kalaban ay wala silang nagawa kaya bugbog sarado sila. Lumapit si Dren kay Woo. Hinila nito ang buhok at pinatingala.

"Asan si Kej?" Tanong nito. Ngunit sa halip na sumagot ay dinuran nito ang mukha ni Dren. Nainis ito kaya binigyan nito ng isang malakas na suntok si Woo sa sikmura.

"Waaaakk!!!"

"Sabihin nyo sa kaibigan nyo na hinahanap ko siya! Hinahanap siya ng BESTFRIEND nya!" Sarkastikong wika ni Dren.

"Tara na!" Wika ni Elix.

Nagtatawanang umalis ang grupo ni Dren. Tutunguhin naman nila ang isang lugar kung saan alam nilang tinatambayan rin ng mga Wranglers.



"O eto na pinabili nyo!" Inis na iniabot ni Irish ang isang eco bag na may lamang inumin at ilang chitchiria sa kapatid.

"Thank you." Naka ngiting wika ni Ryk.

"Thank you Anj." Wika naman ni Lan.

Tumango naman si Irish. "Mukhang walang ibang tao ngayon dito, ah." Pansin niya sa billiaran.

"Mas ok nga yon tahimik." Saad ni Lan.

"O siya, maiwan ko na kayo." Paalam ni Irish. Tumango lang dalawa.

Palabas na sana si Irish ng biglang sumulpot ang grupo nina Dren. Nakangiti nitong sinalubong si Irish. Napa urong naman ang dalaga.

"Asan si Kej?" Tanong nito sa dalaga.

A Bad Boy's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon