Chapter 3: Hinagpis!

38 3 0
                                    


Halos magkakasabay na dumating ang WRANGLERZ. Hinagilap ng mata nila si Four.

"Anong nangyari kay Zap?"

Umiling si Four. "Huli na ng dumating ako. Grabeng pahirap ang ginawa sa kanya."

"Mga hayop sila!" Sigaw ni Peu.

Napuno ng dalamhati ng magkakaibigan ang memorial service. Kahit mga basag ulo ang turing sa kanila, hindi sila bato para hindi maramdaman ang kalungkutan. Nawalan sila ng isang kapatid.

"Nasaan ang kapatid ko? Asan si Kuya Zap?"

"Heart, inaasikaso na nila ang kapatid m---

Hindi natapos ni Four ang sasabihin dahil sinugod siya ni Heart. "Bakit hindi mo tinulungan ang kapatid ko? Anong silbi nyo? Hinayaan mong mamatay ang kapatid ko!"

"Heart, easy lang. Walang may gusto sa nangyari!" Awat ni Lan dito.

"Anong silbi ng brotherhood nyo kung di nyo rin lang kayang tulungan ang bawat isa!" Wika ni Heart. Hindi maitatago ang galit, hinagpis at kalungkutan na kanyang nararamdaman.

"Patawad." Ang tanging lumabas sa bibig ni Four.

Inihimlay ang labi ni Zap. Andun ang magkakaibigan halos lahat hindi makapaniwala sa nangyari. Malakas na leader si Zap. Maaasahan. Hindi lang sila basta nawalan ng kaibigan. Nawalan sila ng isang kapatid.

"Kuya Zap. Paano na ako ngayon?"

Ipinatong ni Four ang kamay niya sa balikat ng umiiyak na si Heart.

"Andito lang ako. Kami. Hindi ka namin pababayaan."

"Four."

Nilingon niya si Lan. Seryoso ang mukha nitong naka titig kay Four.

"May problema ba?"

Tumango si Lan. "Tumawag si Ryk. Nasa hospital si Anj."

Hindi maka paniwala si Four. Kung bakit sunod sunod na kamalasan ang dumarating sa kanila.

"Salamat po, Doc"

"Ryk!"

"Four."

"Ano ba talaga ang nangyari?"

"Sabi nung tindera sa may kanto nakita daw niya na may humintong motor sa tapat ni Anj habang naglalakad ito pauwi. Napag tripan siya. Sa panlalaban ng kapatid ko humampas ang ulo niya sa isang poste. Nawalan ng malay. Inakala nila na patay na si Anj kaya iniwan na lang nila."

Napasuntok si Four sa semento. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari.

"Tol, wala ka naman kasalanan."

"Ryk kung hindi ko iniwan si Irish at pinauwi mag isa hindi sana nangyari ito sa kanya!"

"Alam ko. Pero Four, hindi ka isang superhero para mabantayan silang lahat. Tao ka at walang super power! Kahit ako ang nasa posisyon mo ng mga oras na yon, ganun din ang gagawin ko. Uunahin ko si Zap dahil mas kailangan niya ang tulong."

Nang marinig ni Four ang pangalan ni Zap nanlulumo itong napa sandal sa dingding at napa upo sa lapag.

"Pero may nagawa ba ako?  Wala di ba? Asan si Zap ngayon? Andun, iniwan na tayo! At kung may masama pang nangyari kay Irish, hindi ko mapapatawad ang sarili ko!"

Naupo rin si Ryk sa tabi ni Four. Ipinatong niya ang isang kamay sa balikat nito.

"Tulad ng sabi ko, wala kang powers. Hindi ka si superman o ang mga Avengers. Hindi mo kayang pigilan kung ano ang mga nakatakdang mangyari. Tao lang tayo."

A Bad Boy's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon