"SINONG nagtex?" tanong ni Heart sa kasamang si Kej. Kasalukuyan silang nasa isang disco haus.
"Ano?" Kunwariy di narinig nito at tinuro pa ang tainga.
Bahagyang nilapit ni Heart ang bibig sa tapat ng tainga ni Kej. Naka isip ng kalokohan ang binata at pabigla itong humarap sa dalaga at bahagyang nag dampi ang kanilang mga labi.
"Nakakainis ka! Iniisahan mo ako!" Kunway galit na wika ni Heart.
"Ano? Hindi ah! Hindi talaga kita marinig!" Paliwanag ng binata. Nangingiti ito kaya naman sinimangutan siya ng kausap.
"Anong tawag dun sa ginawa mo? Wag mong sabihin na hindi mo sinasadya?"
"Hindi naman talaga." Wika ni Kej na pilit tinatago ang tawa.
"Ulol sinong lolokohin mo!"
Dahil sa sinabi ni Heart ay hindi na napigil ni Kej ang tawa. Nag peace sign pa ito sa dalaga. Mas sumimangot naman ang mukha nito.
"Sino ba talaga yan?"
"Si Irish."
"Irish? Bakit naman nag message sa'yo? May kailangan ba?" Usisa ni Heart.
"Hmmm, mukhang may problema. Kailangan niya daw ng kausap."
"Bakit naman ikaw pa?" Wala sa loob na tanong ni Heart.
Sinuri ni Kej ang mukha ng dalaga. "Nagseselos ka ba?"
Bahagyang namula ang mukha ng dalaga. "Hindi no! Bakit naman ako magseselos!"
"Tama. Hindi ka dapat mag selos dahil you already have my heart." Seryosong pahayag ng binata.
Napangiti naman si Heart sa tinuran nito.
"Uhm, Heart ok lang ba sa'yo kung pumunta dito si Irish?"
Hindi agad sumagot ang dalaga. Naka tingin lang ito sa kausap.
"Hoy! May kausap ba ako?" Muling tanong ni Kej.
"Ang tanong, alam niya ba na mag kasama tayo? Okay lang ba sa kanya na andito ako?"
"Hmmm, hindi ko nasabi, siguro naman ok lang yon sa kanya and besides she need someone to talk. The more the merrier."
Nagkibit balikat lang si Heart. Hindi siya sigurado sa sinabi ni Kej na mas marami mas masaya. Minsan na silang nagkainitan ni Irish kaya mukhang imposible yon. "Hays, bahala na." Napatingin lang si Kej sa kasama at nginitian naman ito.
SAMANTALANG, muli ay binasa ni Irish ang text sa kanya ni Kej.
"Sa may kabilang kanto pa pala!" Pinag patuloy niya ang paglalakad hanggang sumapit siya sa lugar. Lingid sa kanya ay isang anino ang lihim na sumusunod sa kanya."Kej!" Masayang wika ni Irish ng maka lapit ito sa mesa ng kaibigan.
"Irish! Sit down, andito ka na pala." Iniabot ni Kej ang isang baso ng drinks sa bagong dating. "Maganda ito bago natin simulan ang drama mo!" Biro nito sa kaibigan.
"Paano mo nahulaan na magdadrama ako?"
"Ha?" Si Kej naman ang halatang nagulat sa sinabi ng dalaga. "You mean, magdadrama ka nga?"
Tumango si Irish at lumungkot ang mukha. Naawa naman ang kaibigan kaya lumipat ito ng upuan at inalo ang dalaga. Lingid sa dalawa kanina pa silang pinagmamasdan ng isang parehas ng mga mata. Nang makita nito ang ginawa ni Kej kay Irish ay naningkit ang mga mata nito at inis na nilisan ang disco haus.
"Huli na ba ako?"
Nag angat ng mukha si Irish. Agad itong lumayo kay Kej ng makita nito si Heart.
BINABASA MO ANG
A Bad Boy's Story
AcciónTinatawag silang "bad boys". Trouble maker. Delinquent. Sila ang "WRANGLERZ". Iniiwasan sila at madalas ma misinterpret ng marami. Pero sila, alam nila ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan. Kapatid ang turing nila sa isa't isa. Marunong sumunod a...