"ANO kinausap mo na ba si Four?" Tanong ni Lan. Kasalukuyang hinihintay nila ang pag dating ng iba. Ngayong araw kasi ang na pagkasunduan nilang outing ng tropa. "Hoy Peu?"
"Ano ba? Hindi mo kailangang sumigaw! Hindi ako bingi!" Singhal ni Peu. Sa halip na sagutin ang tanong isinalpak nito ang headset.
"Ang tagal naman nila!" Wika ni Ned habang naghihikab.
"Parating na mga yon! Wag na kayong mainip." Saad naman ni Enz.
"Speaking of, ayan na sasakyan nina Four!" Turo ni Woo sa isang black van. Huminto ito pagtapat sa kanila. Agad itong binuksan ni Ned.
"O bakit kayo lang? Asan si Four?" Tanong agad ni Woo ng makita nilang sina Ryk, Anj at Kej lang ang lulan ng van.
Nagkibit balikat lang si Ryk. "Yong driver lang nila naghatid nitong sasakyan kanina sa bahay."
"Ikaw Anj alam mo ba kung asan si Four?" Tanong naman ni Lan.
"Aba malay! Bakit sakin nyo hinahanap?" Mataray na sagot nito.
"Bakit ang init ng ulo mo? Hindi lang nakasama si Four ganyan ka na!" Pang aasar ni Enz dito. "Mamaya pag dating natin sa resort maghapon ka magbabad sa tubig para naman lumamig yang ulo mo!"
"Tama na yan! Mag aaway pa kayo!" Awat ni Kej sa dalawa. Sumakay na ang lahat habang si Peu ay tahimik lang nakikinig sa asaran nila.
NARATING nila ang resort. Maraming tao dahil sa init panahon. Mabuti na lang at may reservation sila.
"At last eto na ang sinasabing bakasyon!" Sigaw ni Ned habang patungo sila sa tabing dagat.
"Ang OA lang! Para namang ngayon lang nakapunta sa ganito!" Sabay irap ni Irish. Hindi maitatago sa kanya ang sobrang inis. Hindi kasi niya inaasahan na hindi makakasama si Four.
"Mabuti na lang walang araw ngayon kahit magbabad sa dagat okay lang!" Wika ni Woo. Hinila nito si Enz at tinulak sa tubig.
"Dito na lang ako! Wala na ako sa mood maligo." Naupo si Irish sa ilalim ng isang cottage na hugis payong.
"Sigurado ka?" Tanong ni Ryk sa kapatid.
"Oo. Sige na mag enjoy na kayo dun! Ok lang ako dito."
"Samahan na lang kita dito."
"Naku, wag na Kej. Sumama ka na sa kanila at mag enjoy." Tangi ni Irish.
"Okay lang sa akin. Mamaya na lang ako maliligo." Pamimilit nito.
"O siya d'yan na kayo. Tara na Peu." Wika ni Ryk. Iniwan na nila ang dalawa at naki gulo sa iba.
"Gusto mo siya, di ba?" Wala sa loob na tanong ni Kej.
"Huh? Ako ba ang kinakausap mo?" Sabay turo pa ni Irish sa sarili.
"Hindi! Yong naka upo dyan sa silyang katabi mo! Hindi mo lang nakikita!" Pagbibiro ni Kej. Dagli namang tumingin si Irish sa silyang tinutukoy nito.
"Nananakot ka ba?"
"Hay Irish, siempre naman ikaw yong tinatanong ko. Dalawa lang tayo dito."
"Ano ba yong tanong mo?"
"Hay di bale na. Wala yon!" Kapag dakang wika ni Kej. Inalis nito ang eyeglasses na suot at pinunasan.
"Maiba ako Kej. Ang alam ko hate mo mag suot ng ganyan bakit ngayon naging apat ang mata mo?"
"Dahil sa isang aksidente!" Mahinang tugon ni Kej.
"Aksidente? Panong aksidente?" Na curious bigla si Irish sa magiging sagot nito.
BINABASA MO ANG
A Bad Boy's Story
ActionTinatawag silang "bad boys". Trouble maker. Delinquent. Sila ang "WRANGLERZ". Iniiwasan sila at madalas ma misinterpret ng marami. Pero sila, alam nila ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan. Kapatid ang turing nila sa isa't isa. Marunong sumunod a...