TANYA'S POV:
DUBAI DECEMBER 2015
"TANYA!!!" bulyaw ni kuya Caloy paglapit niya sa pool. Nagfo-flaoting ako dahil maganda ang araw. Inalis ko ang sunglass ko tsaka humarap sa kanya.
"Yes my dear poging brother? Hindi na lumamig ang ulo mo?" Tuluyan na akong umahon sa pool at kinuha ang robe ko sa hand rail.
Naupo ako at inubos ang juice sa table."Ano? Ang aga aga naman!" Padabog niyang nilapag ang ticket sa mesa.
"Ano'ng ibig sabihin nito?"
"Duh...kuya? Eh di ticket ano pa ba?"
"At kailan mo balak sabihin sa akin na uuwi ka ng Pilipinas two days from now?""May oras ka ba? Ngayon nga lang kita nakita? Mula ng na engage ka sa jowa mo, di na mahiwalay sa tumbong mo!"
"Stop acting like a brat Tanya!"
"Easy ka lang kase!"
"At paano ang contract mo sa modeling agency, tatakbuhan mo naman?"
"Pumasok ka nasa office mo, let's talk about this at dinner, okay?"Matapos ko magshower ay humilata ako sa kama. Napatuon ang tingin ko sa maleta ko. Am I really ready to go back with my hometown after seven years?
Kinuha ko ang cellphone ko at viniew ulit ang sweet na pose ni Janna at Cissy sa Fb wall nitong huli. Tumayo ako at kinuha ang report sa drawer ng bedside table ko.
Summary ito ng naging buhay nilang dalawa mula ng magpakalayu-layo ako matapos ang insidente. Oo, nang nagkapera ako ay pinasubaybayan ko sila.Sinauli ko ang report ulit at humiga. I closed my eyes at binalik tanaw ang mga naganap , mahigit pitong taon ang nakalipas....
FLASHBACK:
Alam kong nakita kami ni Cissy sa isang maselang ayos ni Janna. Oo, sinadya ko 'yun. Dahil napamahal na sa akin si Janna.
Sa isang pamilyang hindi ako matanggap, sa isang pamilyang pakiramdam kong left alone ako, sa kanya ko lang natagpuan na malaya ako, mahal ako, someone cares, isang kaibigan, kapatid at umasang maging kami.
Sa mura kong puso umusbong ang inggit, ang selos, na kaisa-isang taong mamahalin ako sa hinaharap ay nababaling kay Cissy. Kaya umisip ako ng paraan para mapag-hiwalay sila lalo na't SILA na pala ng panahon na 'yon. Pero hindi ganu'n kasimple pala ang nangyari. Maraming buhay pala ang nasira ko.
Pumasok ako ng banyo noon ng makita kong bumaba ng mabilis si Cissy. Sinundan siya ni Wella ng lumabas ng bahay atsaka ako bumaba ng kuwarto. Nakita kong umakyat naman si Wella dahil nagwawala na si Janna sa taas. Lahat ay walang alam kung ano ang nangyayari, maliban kay Anjela. That poor Anjela...tsk...
Patakbong bumaba at mabilis na naghabulan papalabas ng bahay si Janna at Wella. Nagulantang ang lahat na sumundo na nangyari na naaksidente si Janna. Walang nagsasalita kung sino may alam. Dahil shocked, hindi rin pumiyok si Anjela. Si Wella ay tahimik rin.
Since that night, wala ring nakaalam saan napadpad si Cissy.
Bumalik ako sa probinsiya at hindi rin ako nakatapos. I took all the guilt somehow. Ang sama ko!Nagbarkada ako at nagpaka lango sa mga bisyo hanggang maisipan ni kuya Caloy na kunin ako after three years. I dated and bedded men and women, at walang nagawa ang pamilya ko.
May isa akong naging boyfriend, vocalist ng banda. Seryoso. Pero nakipag hiwalay ako ng gusto na niyang matali sa akin. I won't trade my freedom! I was into drugs. I was rehabilitated. By then, saka ako napunta ng Dubai at naging modelo.
Year 2014 ang huling kontrata ko sa pagmomodelo. I have another boyfriend. Surgeon siya. May event akong dinaluhan noon at nagkaron ng sunog. Isa ako sa mga pinalad na mabuhay.
Sa kagustuhang maalis sa poder ng kuya Caloy ko ay ako ang nakipagdeal sa surgeon na makipag-live-in kapalit ng pagkupkop niya sa akin. Nagalit siya ng mahuli niya akong nagpipills, dahil ayokong magka-anak kami. Kumalas din ako sa kanya at bumalik sa kuya ko.
Doon ko naisip balikan si Janna. According sa report ng hired ageant ko, namatay ang nanay ni Janna sa Baguio at nagka amnesia siya. Cissy on the other hand was marrried to a multi millionaire named Gonzalo and had a sister named Lianna. Cissy is handling the businesses her husband had left. While Janna worked as an ordinary office employee. The two got their way back on each other. Napaka suwerte nga naman...
Oo, sabihin niyo ng nababaliw ako...pero pakiramdam kong akin si Janna. Ako ang nakaunang maging kaibigan siya. Ako ang una niyang ginusto kahit hindi minahal. Ako ang unang nakahawak at nakahalik sa kanya. Ako lang.
Alam ko, kaya walang nagtagal na relasyon sa akin, dahil si Janna lang ang para sa akin. At uuwi ako ng Pilipinas para KUNIN ang nararapat.
Come hell or high water!
*********
TY FOR READING....
Salamat muna pala sa mga sumubaybay ng SHTK...tnx gals!
para sa inyong lahat ito...;)
Shan
BINABASA MO ANG
Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)Completed
RomanceMarch 2016 ~ Dec. 22, 2016 Book2 of She Holds the Key