BNP4: THOUGHTS ~ Meeting Myles and CJ

3.2K 118 8
                                    

A/N:

Dadaan lang po saglit sa scene na 'to ang mag anak na Myles, CJ at ang kanilang cute na baby na si Elai.

        When Minsan Kitang Inibig had ended, (Nov. 2015). Elai is one month, so by now he is five months old. ( April 2016 )

         Sa CIE-REE-NA naman po minsang nababanggit sina Janna at Cissy. Gusto ko lang kasi maalala ang ibang characters ko sa mga book na tapos na.

       Hope you're all enjoying. Salamat sa pagtitiyaga...heheheh! :)

***************************

JANNA'S POV:

        WALANG sampung minuto nang makaalis si Cissy ay bumalik siya sa hotel.

       "Oh Tart? Bakit ka bumalik?" tanong ko.

       "Bihis ka By, nagcancel 'yung kausap ko. Tas nag try makipag kita si Ms. Myles Villavicencio tonight. Sama ka na."

        "Ano ba naman 'yang kausap mo? Bigla bigla magcancel?"

       "Baby sometimes emergency really happens, okay?"

        Nakadapa ako sa kama at nag cc-coc. Tinapik niya ang puwet ko. "Huy! Kilos na, sige na babe...please, it won't be stressful, promise."

       "Okay okay, semi casual puwede na?"

        "A simple dress would do, baby. Lahat naman bagay at sexy ka."

          Tumayo ako. "Sus! Nambola ka pa! Kundi lang kita namiss agad...."

        "Acchuuussss..."

        Ganito ako kay Cissy, isang simpleng hiling lang niya, lagi akong napapasunod. Isang taon na kaming nagsasama, binabawi ang mga nawalang taon. Isang taon ay hindi pa sapat katumbas ng limang taon na hindi kami nagkita.

         Pagdating ng hotel ay saglit kaming naghintay sa lobby.

        "Ano na bang progress sa deal niyo ni Ms. Villavicencio?"tanong ko.

        "They are considering my proposal na ioutsource ang ilan sa mga trabahador at humanap ng mas murang agency para makatipid."

        "Nakita mo na ba 'yung lugar nila?"

        "Oo, medyo kailangan lang ng konting touch para mamodernize. Sayang naman kasi kung malaki ang space para maoccupy pa ng ilang turista. At the same time, mangangailangan sila ng additional employee, puwede tayong magrefer ng mga kilala natin na need ng work diba?"

       Sasagot na sana ako ng mapansin niyang parating ang isang babae papunta sa direksiyon namin. The woman is young to be a business woman.

      Ang kuwento ni Cissy ay pareho daw sila na namana ang mga business. Dangan lamang, siya galing kay Gonzalo, at si Myles ay galing sa mga lolo't lola na kompanya. Myles Villavicencio is such a woman with grace. The way she smiles and her body acts, parang aral na aral. Full of so much confidence and substance. Pero hindi naman papatalo ang Cissy ko. Cissy is such an extra ordinary woman in her own way. I love Cissy, not to mention that she was and is my life.

          Nang makita kong okay na sila sa upuan nila ay tsaka ako nag punta sa dessert buffet. Pag magkakaro'n ako, gusto lagi matamis. :) Pag punta ko sa may buffet ay marami pang nakapila kaya umupo ulit ako sa lobby bandang corner.

       Kumuha muna ako ng magazine sa table. Wala pang limang minuto ay may umupo sa kabilang dulo ng sofa na kinauupuan ko. Isang yaya na kalong ang isang baby boy na cute na cute.

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon