BNP 29: Deep In My Soul

2K 93 16
                                    

CISSY'S POV:

           "Wella wait! Buntis ako ano ba!" 
            "Ay oo nga pala!" 
            "Ano ba nangyare?"

            "Nasa kanya raw cp mo kaya ako tinawagan. At nasa 'yo naman daw ang wallet niya. Wala raw siyang pera at nagagalit na raw 'yung mga nakapila sa store."

         "Sus maryosep! Akala ko kung ano ng nangyari. Ikaw na lang sumunod do'n."

          "Ay naku, halika na! Isang floor lang naman pababa, mag stairs na tayo."

         Naghagdan nga kami ni Wella. Pero ang alam ko, ang floor sa baba ay walang convenience store. Bigla akong kinabahan.

         "Sa'n ba tayo pupunta?" 

        Hindi siya kumibo hanggang nasa harap na kami ng isa sa mga function room ng hotel. Natigilan ako ng makita ko ang tarpaulin sa labas, picture namin ni Janna at naka print ang VERDADERO-VARGAS NUPTIAL.

         "Wella wait…ano'ng ibig sabihin nito?"
         "Obvious ba? It's your wedding day honey. C'mon, at kanina pa nag-aantay ang mga bisita niyo."
        "Bisita?"

        Hindi siya sumagot bagkus ay lumingon siya sa likod at may sinenyasang lalaki. Naiyak ako ng makilala ko ang lalaking papalapit na halos siyam na taon kong hindi nakita. 

          "Kuya?!" 

          Nakalahad ang kamay niya habang papalapit sa akin. "Hi Baby Sister? Sorry ngayon lang ako nagpakita. Don't cry now, it's your big day. Ako ang maghahatid sa 'yo." 

         Ang higpit ng yakap ko sa kuya ko. Siya na lang ang pamilyang natitira para sa akin. Nang mag-asawa ang Papa ng bago ay nangibang bansa na rin siya agad. Naputol ang communication namin kaya hindi ko na rin alam ang kalagayan niya.

        "Ang pogi mo pa rin kuya…" pahikbi-hikbi ko pang sabi. Pinahid niya ang luha sa pisngi ko. Nawala si Wella sa paningin ko. 

        Pinakapit niya ako sa braso niya, Bahala na. Pakana na naman ni Janna ito at kasabwat si Wella for sure naman. Pinakalma ko ang sarili ko at tumapat na kami sa pinto. 
Ilang minuto rin kaming  nakatayo at kinakabahan. I know by the time the door opens, it will be my grand entrance. Ano ba ang magaganap sa loob? Sino ang mga nando'n?

       Isang buntung-hininga at sabay bukas ng pinto. Sabya-sabay ang flash ng mga camera at pumaibabaw ang boses ng…...choir? 

         "Let's go baby," bulong ni Kuya. Parang ayaw gumalaw ng mga paa ko pero nadala na ako sa paglakad niya.
Naluha ako ng muli kong marinig ang kantang naging bahagi ng buhay namin ni Janna. 

****

      Ilang ulit mo bang, itinatanong sa'kin kung hanggang saan?

      ♪Hanggang saan, hanggang kailan. Hanggang kailan magtatagal ang aking pagmamahal.

♪Hanggang may himig pa akong naririnig, dito sa 'king daigdig ♪
♪Hanggang may musika akong tinataglay, Ika'y Iniibig... 

       Ilang hakbang sa isle ay nadaanan ng mata ko ang madrasta ko, katabi si Ate Gli at Lianna. Akala ko ba'y nasa Hongkong Disneyland sila?!
 Kumaway at nakangiti lang si Lianna na nakahawak sa kamay ng tita, na nanay niya. They  look perfectly together - ang tunay na mag-ina. 

      I smiled back at them at tuloy ang paglakad ko habang naririnig ang wedding song ko by a violin. Sobrang nakakalunod. 

♪Giliw 'wag mo sanang isipin, Ika'y aking lilisanin
♪♪ Diko magagawang lumayo sa 'yong piling.
♪ At nais mong malaman mo kung ga'no kita kamahal.♪

       Sunod kong nakita ang magkasintahan na Louie at Audie. Pano sila napadpad sa New York gayo'ng alam ko'y mamanhikan sila ngayon sa Cebu? They just both smiled at me when I passed by them.
Mas nagulat ako ng makita na katabi nila sina Myles at CJ na karga ang nine months old son nila na si Elai.

       Tumalas ang tahip ng dibdib ko. Nanaginip ba ako? Napaka-gandang panaginip. Napahigpit ang kapit ko sa braso  ni Kuya. That is the only thing I love in weddings, family reunion  and friendships.

Hanggang may puso akong marunong mag-mahal ♪
♪Na ang sinisigaw ay lagi ng IKAW

♪ Hanggang saan, hanggang kailan, Hanggang kailan kita mahal♪
♪ Hanggang ang buhay ko'y kunin ng Maykapal. ♪

        Papalapit ako ng papalapit sa harap. Huli kong nakita sina Wella, asawa niyang si Bryner at ang anak nilang si Bea. Hindi nakaligtas sa paningin ko
na pareho si Bea at Lianna ng tabas ng damit. Oh! They are the flower girls!

        Huling namataan ko si Billy. Ang ama ng dinadala ko. Billy - the humble and noble friend of mine. A selfless friend of all times. Hindi ko napigilang umiyak. Until may isang mukha akong hinahanap. Nasaan si Janna? 

       Huminto ang choir sa pagkanta at naging instrumental lang ang namayani. May isang lalaki akong nakitang nakatayo sa unahan. Pamilyar siya, alam kong kilala ko siya. Pumikit ako saglit at hinanap sa isip ko ang imahe ng lalaki. Oh my! Papa siya ni Janna!! The old man smiled at me as my Kuya took away her arms from me at nakipagkamay sa matanda.

Kuya stepped backward then a sweet voice flew into the air as she sings the last part of the song. 

Giliw huwag mo sanang isipin, Ika'y aking lilisanin♪
Di ko magagawang lumayo sa 'yong piling.♪

         I closed my eyes for a while. It was Janna who is singing. Then when I opened up my eyes, out of nowhere, there is Janna standing in front of me. The love of my life. She looked straight into my eyes as if she can look deep down into my soul.

At nais mong malaman mo kung ga'no kita kamahaaaaal.♪

Tears flow from my eyes as I see tears forming too in her eyes. Niyakap niya ako ng mahigpit at bumulong.

         "I know babe you hate surprises but I still wanna do this. For you and  for the ones who loves us both. I love you so much Cissy."

*************************

Thank you for reading...
Vote and leave your comments.

Shan nov. 24, 2016

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon