CISSY'S POV:
THAT night, Janna slept in my room. I felt so satisfied. Our body and souls unite once again during the night. I can't get enough of her.
Gusto kong sulitin ang mga panahong nagkahiwalay kami at sa mga araw na halos ikamatay ko ng malamang nasa peligro siya noon.Sobra akong nagpasalamat na ibinigay pa rin siya sa 'kin ng buo at buhay. Sa totoo lang ay naaaliw ako sa ginawa ni Janna. For me, hindi na need gawin kasi nagsasama naman na kami eh. Pero in way, may point siya na gusto niyang dumaan sa mga steps to settle down.
And that is from friendship, courtship, being lovers, engaged, get married and have kids to make a family. Iyon nga lang ay super fast forward ang ginawa ni Janna. But admit it or not, what she did was so sweet. It warmed my heart at halos makakatulog ako sa init na haplos niyon sa puso ko.
Kinabukasan ay medyo mabigat ang pakiramdam ko. Gumaan na lang ng makita ko ang nakangiting mukha ni Janna na nakatunghay sa akin.
"Good morning," bati ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya.
"Morning Princess," bati rin niya sabay kurot naman sa ilong ko. "Hon lumalaki ilong mo."
"Ano? Matangos naman talaga 'yan, hindi malaki. Ba't ang-aga mong nagising?"
"Di ako makatulog sa excitement eh. Daming pumapasok sa isip ko."
"Like?"
"Celebrations. I'm thinking to celebrate our freedom, our engagement and Lianna's seventh birthday, remember?"
"Oo nga pala, that would be three weeks from now. Tsk, how could I forget!"
"Just leave it to me, akong bahala."
"Haaay baby! Aakuin mo na naman lahat, let me help you okay? Dalawa tayo lagi."
"Ay basta!"
"Ano'ng plan natin for today? Weekend?"
"Just at home, marami akong aasikasuhin at napabyaan ko ang JLC. Dadaan si Geela mamaya ha."
"Siyanga pala, tumawag si Wella kahapon sa office. Next week ay uuwi sila."
"Ah tamang-tama!"
"Bakit?"
"Wala lang, eh di masaya, reunion."Nauna ng bumangon si Janna. Parang hinahatak pa kasi ako ng kama. "Sunod ako hon, cr lang ako," sabi ko.
Few minutes ay lumabas na rin siya at tumulong kay Ate Gli sa breakfast preparation. Nasa loob na ako ng banyo na parang umiikot ang sikmura ko. U.mupo ako ng bowl pero wala namang lumalabas. Maya-maya ay para akong nahihilo. Tumayo ako dahil alam kong low-blood ako, baka kulang na naman ako sa dugo.
Kinuha ko ang toothbrush ko nang bigla akong parang naduwal. Then I thought I lost my period at isang linggo na akong delay. Nade-delay naman talaga ako kapag stress pero hindi ganito.
Nagduduwal ako sa sink at para akong nanlalamig. Inayos ko ang sarili ko at kumuha na ng pregnancy test dahil hinanda ko na rin naman 'yon. Kumakabog ang dibdib ko habang inaabangan ang resulta ng test.
Ilang minuto pa ay ito na….dalawang linya. Positive! I'm pregnant. I'm carrying Janna's baby, our baby. Kahit masama ang pakiramdam ko ay hindi nawala ang ngiti sa labi ko. Hinagud-hagod ko ang tyan ko.
"Oh Baby, diyan ka lang ha. Mahal na mahal ka namin. Kapit lang."
Nagshower na ako pagkatapos. Kahit parang hinahatak na naman ako sa kama ay pinilit ko ng gumayak at bumaba. Pagdulog ko sa hapag ay nakatingin silang lahat sa akin. "Oh why?"
"Iba aura mo Cissy, parang blooming na blooming ka," sabi ni Ate Gli. "Hala, upo na, kain na."
"Masaya lang ako at sama-sama tayo, just that. Diba honey?" Baling ko kay Lianna na sumusubo ng bacon. Hinalikan ko ang ulo niya, nasa tabi ko siya.
BINABASA MO ANG
Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)Completed
RomantikMarch 2016 ~ Dec. 22, 2016 Book2 of She Holds the Key