BNP5: Visions

3K 106 4
                                    

JANNA'S POV:

        GISING pa ang diwa ko ng bumulong si Cissy. Naramdaman ko na in a way, nabother siya sa mga inarte ko. Yun naman ang ginagawa ko diba? Ang mag hold on?

        Sumunod ako sa kanya, sa lahat ng alam kong ikabubuti namin. Mahal ko si Cissy, and I am willing to do everything to keep our love alive.

        "Good mooorniing babe," nakasmile na bati sa akin ni Cissy ng puntahan ko siya sa kitchen.

        Nandito pa rin kami sa hotel dahil ako naman ang may meeting sa JLC. Nilapitan ko siya at niyakap mula sa likuran. Nakatalikod siya sa may sink at naghuhugas ng kutsara. 

         "Uhhmmm....bango ah.." sabi ko.
         "Alin?"
         "Yung bacon?"
         "Yung bacon lang? Ako hinde?"

         Kinagat ko ng pino ang balikat niya. "Mas mabango ka hon, mabango na, yummy pa." 

          Humarap si Cissy sa akin at kinurot ang magkabila kong pisngi. "Umhmmmp..ang chutchut mooo..."

       Dinikit ko ang noo ko sa noo niya at malagkit siyang tinitigan. Kumawit ang braso niya sa leeg ko.

        "I love you," mahina kong sabi.

       "Janna Marie...I love you more po," sagot niya tapos kintalan ng marahang halik ang labi ko. 

        "Nag brush ka ba ng teeth?"

        "Bakit Ciss, pag matanda na ako, tamad na ko mag brush, di mo na ako love?"

         "Hahaha! Mahal pa rin kita Janna kahit ako pa magpalit ng diaper mo."

         "Kumain na nga tayo, aga-aga ang kulit mo."

        Niyakap niya ako ng mahigpit at kinurot kurot ang beywang ko bago siya umupo.

         "Tara na ng maaga tayo sa meeting at makapag bonding pa bago lumuwas bukas."
         "Maaga pa ba?"
         "Two hours?"
          "Puwede maligo kasama ka?"
          "Ay naku Janna! Maligo ka ng mabilis. Taas ng libido mo, baka walang patunguhan ang araw nating ngayong araw."

        "Nood tayong sine mamaya?"

         "I'm not sure hon, may lakad kami ni Luis mamayang gabi, remember?"

        Kumuha ako ng bacon at sumubo. Tumusok ako ng hotdog pagkatapos ay sinubo ko sa kanya.

         "Baka naman matapos ang endless meeting mo kay Luis, eh..'hotdog' na ang gustuhin mo?"

       "Nagpapatawa ka?"

        Humigop ako ng kape tsaka tumingin sa kanya. "Bakit? Hindi malayong mangyari diba?"

         "Janna, don't start please?"

Silence.

         "Janna, look, huwag ka ng magselos okay? Alam mong kinakaharap ng kompanya ngayon."

         "Malay ko, hindi mo naman sinasabi sa akin ang lahat eh."

        "Masyadong kumplikado.

        "See...you don't trust me that much.  Pero okay lang."

        Hindi ko alam bakit ako nagiging ganito ngayon sa amin ni Cissy. "You know it isn't true honey."

         "I'm sorry to upset you babe, di ko mean. Sige kain na  tayo."

         After breakfast, si Cissy na ang naghugas ng pinggan. Matagal daw ako maligo kaya pinauna na ako.
Binuksan ko ang shower at hinayaang lumagaslas ang tubig sa hubad kong katawan.

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon