BNP 21: Yes it's ME

2.1K 87 9
                                    

     Cissy's P0v:

        Tahimik lang akong naupo sa unang row after ng mga VIP seats. Naghihiyawan ang mga tao sa sobrang excitement. Ako nama'y parang nahahawa sa pagiging sobrang lively ng paligid. Nag anounce ang voice-over host.

         "Presenting....the most awaited come-back of the Primegroove band is here. Keep still as we give you a breath-taking performance....
Ladies and gentlemen...a big round of applause...PRIMEGROOOOVEEE!!!!!"

        "Whooooooohhhh!!!" Palakpakan ang lahat nang nagsimulang isa-isang bumukas ang neon-lights sa bawat kanto ng entabaldo. May mga sumisigaw, may pumapadyak at may tumatalon-talon pa sa sobrang excitement.

        Inunang finocus ang ilaw kina Primo as Bass, George on guitar. Sunod sa pianist at sa vocalist na mas tinilian ng mga kababaihan. Walang humpay ang ingay at halos dumagundong ang buong coliseum. Then the lights danced for a while until mafocus kay Janna.

        Mas malakas ang tilihan ng crowd. I just wonder bakit tinitilian si Janna. Maaaring naku! Maraming mga les at straight guys and girls ang halong nagsisisigaw.

         Nagsimula na silang  tumugtog at medyo nabawasan na ang ingay sa loob. Doon lang ako napanatag. Ang mata ko ay sa iisang tao lang nakatingin, kay Janna Ang suot niyang simpleng jeans na hapit sa kanya at shirt na maluwag na ang style ay nilabas ng bahagya ang makinis niyang balikat ay kahali-halina. Ang sarap isipin na ang pinag-papantasyahan ngayon ng marami ay AKIN at Akin Lang.

        Hinaplos ko ang aking tiyan. "Hear baby? Your Mommy is so good at what she does. When you grow up, I want you to be like her."

        Nagsimula na silang tumugtog. Bawat awit ay nakaka-indak. Panaka-nakang nagtatama ang paningin namin ni Janna at lihim akong kumakaway sa kanya. Nasanay na rin ako sa maingay na ambiance. Isip ko, ngayon gabi lang alam kong maaaring ipag-patuloy ni Janna ang career niya as a drummer, at hindi ko na pipigilan 'yon.

       Natapos ang concert. Alam kong may get-together pa sila after no'n kayat lumabas na ako ng coliseum bago pa man sila mag-paalam sa audience. Aware din ako sa gimik nila na matapos magpaalam ay may isa pa silang naka-handang awit kapag sumigaw ang audience ng More! More! Doon na ako lumabas.

         Nagpunta muna ako sa 711 para bumili ng juice. Parang namalat din yata ako sa buong concert. Busog naman ako ng umalis. Nakasilent ang phone ko kaya hindi ko nakita ang mga missed-calls.

       Alam naman nina Louie at Ate Gli na nasa concert ako. Until I saw Lianna's number appeared. Alas syete ang oras. Naku, mangungulit lang pihado. After thirty minutes ng call niya ang text naman niya. " I want to go to the concert :( "  -  at marunong pang mag-emoticon ang bata. Napansin ko ang isang missed call at alas-onse na. Si Lianna pa rin. Natutuwa siguro sa cellphone niya.

        Inubos ko ang juice sa loob ng  711. In-scan ko ulit ang mga missed-calls. Alas diyes at si Lianna pa rin. Hindi pa siya tulog? Ano kayang ginagawa no'n at nilalaro ang cellphone. Papunta na ako ng parking ng si Janna naman ang nagtext.

        "We're on our way sa Pirates Wave Bar, a few blocks from here, hope you could come :)"

        "How I love to sweetie pero walang kasama si Lianna sa bahay at kanina pa ako tinatawagan. I will just wait for you when and where?"
        "Bukas na ako uuwi, sa pad muna kaming lahat. How do find our performance?"
        "Ikaw lang ang magaling! Hahaha!"
        "Promise?"
         "Yes dear. O sige na, papasok na ako ng kotse."
         "Okay, I love you and please  kiss me to our little baby on your tummy, I love you."

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon