BNP33: Tests

2.1K 95 19
                                    

Cissy's POV:

HINDI naging madali ang pagbubuntis ko dahil sa thyroid problem ko. Noon pa man ay alam ko ng magiging delikado ito para sa akin at sa sanggol pero eversince naman ay alam niyong gustung-gusto ni Janna na magka-anak. Then I took the risk, whatever the outcome is.

Sometimes I can not control my moods. Mainit sa pakiramdam at parang lagi akong naiirita. I am thankful na rin kasi Janna has the longest patience I've known. Kahit na nahihirapan siya, tinitiis niya at lagi niyang pinagagaan ang kalooban ko. Mahal na mahal ko si Janna.

I promise myself to love her and now I'm becoming inlove too with our twins. Ayun nga lang, critical ang lagay ng isa sa kambal. At first noong nagsisimula palang ng malaman kong buntis ako, alam kong maaapektuhan yon dahil sa insidente noon kay Tanya. Sobra akong na-stress no'n.

I was at the peak of my panic when Janna is missing. Naging abnormal ang pintig ng puso ko nang makitang nasa panganib si Lianna. When I knew the condition of the baby, nagalit ako. Nagalit ako kay Tanya dahil hanggang sa huli, naapektuhan niya ang magiging pamilya ko. Pero ando'n na 'yon. I decided not to be imprisoned by the past since Janna is there trying to be firm and strong for me and for the babies.

--------
Check up namin ngayon sa clinic ni Dr. Beduya. Nasa seventh month na ako ng pregnancy ko.

"Babe, ang laki na ng tyan mo, kain ka pa ng kain," sita sa akin ni Janna. Kumakain kasi ako ng chocolate mousse.

"Hon, diba sabi nga ni Dok kahit buong cake puwede pa kasi normal ang sugar ko so don't worry."

Hinimas-himas ni Janna ang tyan ko. "Babies, huwag niyo pahirapan ang mommy Cissy ha, huwag kayong magulo dyan sa loob. Konting tulog na lang, makakarga ko na kayong dalawa."

Hinagod ko ang ulo ni Janna sa tyan ko. O, ang mahal kong si Janna.

"Hon, dumating na si Dok, tara na."

"Ah nandyan na ba? Sumipa si Junior eh. Nagpe-playitme na naman siguro."

Pumasok kami sa clinic at binati kami ni Doktora. Then again, an ultrasound was perfomed. Ngayon na malalaman ang gender ng mga bata. Last week kasi ay pareho silang nagtatago kaya hindi naman malaman.

"Janna, Cissy, here's the result," at inabot sa 'ming dalawa ang negative ng ultrasound. Napa-iyak ako sa nabasa ko.

Lumapit sa akin si Janna at niyakap ako. "Sssshh...babe," saway niya sa akin. "Sorry doc, iyakin po talaga itong asawa ko. He!he!"

Ngumiti lang ang doktora. "Its okay, natural 'yan. Congratulations."

"Hon, I'm so happy. Excited na akong makita sila."

"Ako rin eh! Sino kayang magiging kamukha ni Baby boy Junior at ni Baby Girl?"

Nang humupa na ang excitement namin ay muli kaming kinausap ni Doc.

"As you two know na medyo delicate ang pagbubuntis mo Cissy. The hard part of this is that...the babies need to come out as early as next week. Ang heart rate ni baby girl ay hindi gumaganda ang kalagayan. Mas delikado kung aabot pa ng eight months to nine months. Kailangan natin siyang ilabas para mas matingnan. Surely, they will be incubated. Walang dapat ipag-alala. "

Napahwak si Janna sa bibig niya. Gulat man sa balita pero nagpakita siya ng katatagan. Tinapik ko ang hita niya.

"Malalagpasan natin 'to hon, alam ko. Diba Doc?"

--------------

Dumaan kami ng department store para kumpletuhin ang mga gamit ng kambal. Wala silang nursery dahil sa iisang room kami matutulog. Kasama rin namin sina Lianna at Ate Gli.

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon