BNP 32: KAPIT LANG

2.1K 103 1
                                    

JANNA'S POV:

After a week ay umuwi na kami ng Pilipinas. Mas maganda pa rin ang kasama sila Ate Gli para matulungan akong mag-alaga kay Cissy. My love is at her second month now.

"Babe, please don't pretend na okay ka. Huwag mo akong alalahanin okay? Asawa mo ako, sa hirap at ginhawa, huwag mong isiping pabigat ka."

"Jan, ayaw ko lang huminto ang buhay mo dahil buntis ako. Kaya ko."

"Pero maselan ang pagbubuntis mo diba? Kaya nga bedrest ka, kasi delikado."

"Inip na inip na ako dito sa Batangas. Hindi ako ito na hindi kumikilos."

"Babe," hinawakan ko ang kamay niya. Andito kami sa terrace ng rest house niya sa Batangas. Sa kanya na ito pinangalan ni Louie.

"For once babe, huwag mo muna isipin ang mga negosyo. Ako ang bahala sa JLC. It's doing good. Anyway, bukas pupunta tayo sa Manila para sa check-up mo."

"O sige na, inaantok na ako hon, tulog muna ako."

Tinabihan ko si Cissy habang natutulog. Pinagmasdan ko ang maganda niyang mukha. Bumalik na naman sa ala-ala ko ang mga nakaraan namin habang hinihilot ko ang noo niya.

The day we met, the petty fights, the cuddling, the sweetness, the trials...everything. Nasa harap ko si Cissy at parang kaharap ko na ang buong mundo. Kung ako, routine ko na ang mag pa executive check up, si Cissy ay hindi. Ngayong nagbuntis siya, atsaka lang nalaman na may thyroid problem siya. Definitely, she will give birth thru CS.

The next morning ay maaga kami nag-biyahe pa Maynila. Nagpahinga muna siya sa room niya.

"Lianna baby, medyo tired si Ate Cissy ha, hayaan muna natin. Asa'n si Ate Gli?"
"Sa garden po."
"O sige, manood ka muna ng tv, puntahan ko lang si Ate."

Nadatnan kong nagdidilig ng mga halaman si Ate Gli. "Oh Janna, kamusta ang biyahe? Si Cissy?"

Niyakap ko siya at napa-iyak. "Ssssh...ganyan talaga Janna. Konting tiis lang."

"Nakakapagod pala Ate. Kung normal lang sana ang pag-bubuntis ni Cissy. Para na akong nauupos na kandila. Ayaw kong ipakitang minsan nanghihina na ako."

"Tsk! Kaya natin 'yan. Mas siya ang hirap dahil siya ang nagdadala ng bata at bed rest pa siya."

After an hour ay pinuntahan ko na si Cissy sa room niya.

"Babe, gising na. Time na, punta na tayo ng doktor. Kamusta pakiramdam mo?"

"Puwede ba Janna, huwag niyo akong ituring na inutil! Buntis lang ako okay?! Kaya ko, okay ako!"

Minsan nasasanay na ako na ganitong masungit si Cissy. Unawa, unawa, unawa.

"Oh sige, iiwan muna kita dito. In an hour, babalik ako. Hindi ka puwedeng bumabang mag-isa."

Inirapan niya lang ako. Bumagsak ang luha ko ng tumalikod ako. Huminga ako ng malalim. Si Cissy ang buhay ko. Lahat ng tiisin, ibibigay ko, lahat ng akin.

Ako ang nagdrive ng kotse papuntang Asian Hospital. Si Ate Gli sa harap at nasa likod siya.

"Babe, kain muna tayo ha. Ano'ng gusto mong kainin? Tara?"

"Kahit saan na lang, wala akong gana."

"You need to eat, si baby natin magugutom."

"Yes, it's always been the baby eversince! Ako? Nawala na sa eksena, lagi na lang 'yung baby." Mahina pero padaskol niyang sagot.

Hinawakan ni Ate Gli ang hita ko na nagsasabing pagpasensyahan ko na lang ulit, buntis eh. Iba ang init at timpla ng katawan. Sobrang moody. Unawa ulit. Binilhan ko na lang ng siopao asado, paborito niya at orange juice. Mamaya na lang daw kami kumain.

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon