BNP15: Maaabot na Kita

2.5K 89 7
                                    


CISSY'S POV:

        Kahit anong gawin ko, hindi talaga ako mapanatag sa pagsali ni Janna sa banda. Magiging public figure siya at against ako do'n. Kahit na ba malinis ang records ni Marcy na pinagdudahan ko, hindi pa rin ako mapalagay. Ewan ko ba. Kaya napili kong samahan muna si Janna. Alamin ang bagong dagdag na mundo para sa kanya.

       Umiinom ako ng juice nang dumating si Janna. "Hi!" bati niya sabay upo sa tapat ko. Nanibago ako dahil hindi siya humalik sa pisngi ko. Okay, I got it. Baka may makakita gano'n? Hindi ko na lang siya pinansin.

        "Kumain ka na ba? Sasaluhan mo ba ako?" tanong ko sa kanya.

        "O naman, I still have one hour. Naka order ka na ba?"

       "Hindi pa, wait lang," at tinawag ko ang waiter. Habang kumakain ay di ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan siya. Ang aking si Janna.

         "Babe, sana kahit ano'ng makita mo, sa bahay na lang natin pag-usapan ha. Kahit kasi ako, hindi ko alam ang mga mangyayari. Hindi naman ako celebrity. Andyan naman ang bandmates ko para alalayan ako."

       "Don't worry much baby, para maging maganda ang performance mo mamaya. Kahit anong isagot mo do'n, basta alam kong mahal mo ako," sagot ko na pilit pinatatatag ang boses ko.

       "Ciss, I know. I know you're worried about me. I just need you to stand by okay? Kung hindi ko naman kakayanin, I promise...ako mismo bibitaw, okay?"

       "Okay sige. Mamaya, tingnan mo na lang kung saan ko uupo sa loob. Ando'n lang ako. Just be yourself, prove your worth and show them your talent okay?"

       "Okay baby, I love you."

------------------

       Hindi ako sanay sa mga bar, sa maingay, sa gimik at sa usok. Sobrang bago sa akin ang pagpasok dito sa Hardrock Cafe. Naunang lumabas sa akin si Janna dahil nakita ko ng nasa labas ng DAD's ang bandmates niya. Mga guwaping lahat.

       Thirty minutes ay nagsimulang pumasok ang mga press at kanya-kanyang dala ng camera at recorder. Mabilis ang make up artist nila at nang makita ko si Jannang umupo sa gilid ay natabunan ang simple nyang mukha. Pero hindi maitago na na-enhance pa ang kanyang kagandahan.

       Tahimik lang akong naupo at umorder ng drinks. Dumadagundong ang mga beat ng musika sa loob ng bar at kaliwa't-kanan ang bulung-bulungan. Narining ko ang komento sa kabilang table.

        "Yan ba 'yung papalit sa drummer? Ang chix ah! Okay din gumimik 'tong sina Primo!"

     Wow! Napaka epic. Ganito din kami noon nung college. Marami syang taga-hanga at marami akong kalaban. Hawak pa siya ni Tanya noon. Biglang tumibok ang puso ko ng maalala ko si Tanya at ang mga panahong 'yon.

       Kunyari akong naging abala sa cellphone ko dahil nararamdaman kong nakatitig ang ilang kalalakihan sa direksiyon ko.

         Nagsimula ang programa. Nasisilaw ako sa mga flashes ng camera. Nakita kong tense si Janna at sinenyasan kong smile lang siya at relax. Siyempre, sa isang part ko naman ay proud ako sa kanya.

       May isang lalaki na tumayo sa harap. Kung hindi ko pa napansin ang maliit na umbok sa dibdib niya, hindi ko malalamang butch siya. Nagpakilala siya bilang Jowy, not with an 'e'. Binato siya ng ilang safe questions ng mga press. Some critical questions naman ay nahandle din niya ng maayos.

        Nakita ko si Jannang panay ang inom ng tubig.  Until one media eyed Janna.

         "Miss Janna, ano po bang ma-eexpect ng mga fans ng Primegroove ngayong kumpleto na ulit sila? Hindi kaya, iiwan mo rin sila?"

Bulong ng Puso (She Holds the Key: Book 2)CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon