Astrid's POV
"Astrid!"
"Astrid!"
Nakarinig ako ng mga yapak papanik at nagulat nalang nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at nakita si Cara na mukhang alalang-alala.
"Oh, Cara anong prob-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap.
"Astrid! Buti naman buhay ka pa! Akala ko nagpa tiwakal ka na!" sabi niya mula sa likod ko.
Medyo natawa at napakunot-noo ako sa sinabi niya. Ano nanaman bang nakain niya at naisipan niyang gagawin ko yun? Kahit papaano mahal ko pa naman ang buhay ko at may takot ako sa Diyos no.
Inalis niya ang pagkakayap sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Hindi ka ba nag check ng facebook kahapon?" tanong niya sakin habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
Umiling ako. Oo nga pala hindi ako nakapag facebook, agad kasi akong nakatulog kahapon.
"Teka, bakit mo naman natanong?" tanong ko.
Umupo siya sa kama at yumuko na para bang may tinitignan sa sahig. Biglang naging seryoso ang aura niya.
"Beh, may bagong girlfriend na si Josh..." mahina niyang sabi pero sakto lang para marinig ko.
Nagulat ako. Ano daw? May bago nang girlfriend si Josh?
Biglang nanikip ang aking dibdib sa narinig ko. Apektadong apektado parin talaga ako pagdating sakanya. Ilang taon na nga ba kaming break? Three. Fucking 3 years. Dapat nakamove on na ko eh, pero wala sobrang minahal at hanggang ngayon mahal ko parin siya. Masakit malaman na may bago na siyang girlfriend dahil umaasa parin ako na magkakabalikan kami, na mahal niya parin ako pero ngayon alam kong malabo nang mangyari yon.
"S-Sino daw?" tanong ko na medyo nanginginig ang boses.
Shit wag kang iiyak Astrid please.
Tumingala sa akin si Cara at hinawakan ang dalawa kong kamay na para bang hinahanda ako sa maaari kong marinig.
"Si Sabrina..."
"Sabrina? As in Sabrina Guevarra?" paninigurado ko. Hindi ko siya kilala pero naririnig ko ang pangalan niya. Isa kasi siya sa mga sikat sa school namin. Maganda, matalino at mabait. Hindi na ko magtataka kung pati si Josh magkakagusto sa kanya. Pero sana naman hindi totoo ang lahat ng ito. Ano nalang laban ko kung siya nga yung ipinalit sakin ni Josh diba?
"Oo... Siya nga." sagot ni Cara.
Pero pano naman nangyari yon? Bakit sa dami ng nagkakagusto kay Sabrina si Josh pa pinili niya? Hindi naman sa hindi kagusto-gusto si Josh, sa totoo nga sikat din ang boyfriend ko-Ay, ex na nga pala. Gwapo, matalino, mayaman at basketball player pa. Pero bakit siya? Bakit sa dinami-rami ng mga lalaki na nanliligaw kay Sabrina nagkataong si Josh pa natipuhan niya?
"Sigurado ka ba? Baka naman tsismis lang yan..." sabi ko kay Cara. Ayaw ko paring paniwalaan ang sinasabi niya. Siguro dahil na rin sa hindi ko matanggap na wala nalang ako kay Josh, na may iba na siyang mahal.
"Beh hindi, si Josh pa nga mismo nag iba ng status niya from single to in a relationship with Sabrina Guevarra..."
Ano? Kaya pala kanina tinatanong niya kung nag fb ako kahapon. Now it made sense.
Kinuha ko ang phone ko sa side table ng kama at tinignan ang profile ni Josh. At doon nakita ko na totoo nga ang sinasabi ni Cara. Fuck. Ang sakit lang.
BINABASA MO ANG
The Deal
Teen FictionSa dalawang taong nagmamahalan. Dalawang puso ang lihim na nasasaktan. Isang kasunduan ang binuo na paghiwalayin ang dalawa, magtagumpay kaya?