Chapter 7

114 6 2
                                    

Astrid's POV

"Hoy, Dylan! Saan ka pupunta, ha?! Mag uusap pa tayo!" sigaw ko habang hinahabol siya pero patuloy lang siya sa pag lalakad na parang walang naririnig.

Nandito parin kami sa park, at wala akong balak tantanan siya hangga't wala akong naririnig na paliwanag mula sa kanya about sa nangyari kanina. Seriously?! Girlfriend?! He must be insane!

I would never ever be his girlfriend kahit pa kunwari lang!

"Dylan, ano ba!" sigaw ko ulit but this time huminto siya at hinarap ako. Thank God, nakakapagod din mag habol ah.

I was catching my breath nang lumapit siya sakin. "Ano bang gusto mong marinig sakin?" nakapamulsang tanong niya.

Sarkastiko naman akong natawa. Talaga bang hindi niya alam o nag mamaang maangan lang siya?

"Bakit mo ginawa yon?" tanong ko habang pilit na pinapakalma ang sarili ko.

"What? The girlfriend thingy? Is that it?" tanong niya na parang wala lang sa kanya.

Pano niya nagagawa yon? Ang maging kalmado pagkatapos ng lahat? Hindi niya ba naiisip ang mga consequences ng pinasok niya? Ang malala, damay ako.

"Oo! Bakit ka nag sinungaling? That isn't part of our deal! Bukas na bukas din sasabihin ko sa kanila na hindi talaga tayo!"

Nag iba ang expresyon ng mukha niya na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. "No, you can't do that." he said in an authoritative voice.

"Oh yes, I can."

Sino ba siya sa tingin niya? The boss of me? He just can't go telling me around what to do and what not. As I said, he's not the boss of me.

He looked at me sternly, clearly pissed off at my stubborness. "I said no, Astrid. I won't let you. You'll just ruin it all. Hindi mo ba nakikita? Little by little we're getting involve in their business, you just can't see it yet."

"Pero Dylan, pretend to be your girlfriend? Hindi pwede!"

What if malaman ni kuya 'to? Siguradong mag hyhysterical yun. Besides, pano ko mababawi si Josh kung ang pag kakaalam niya ay kami ni Dylan? Ano yun pagsasabayin ko sila? See? It doesn't make any sense at all.

"Why? Are you afraid that you might find yourself falling for me?" he asked, a playful smirk plastered on his face.

Wow.

Just wow. Can you believe this guy? Ang lakas ng bilib sa sarili. Feeling niya ba lahat ng babae mag kakagusto sa kanya? Well, ibahin niya ko.

"Excuse me? Ako mahuhulog sayo? Duh, Josh is way better than you. Wala kang binatbat sa kanya. Tignan mo si Sabrina, sa tagal tagal niyong mag kakilala nagustuhan ka ba niya?"

Take that, Dylan. Ang problema kasi sayo masyado kang bilib sa sarili mo. Mas maganda nang bawasan natin habang maaga pa.

I saw him clench his jaw and stared at me coldly. The next thing I knew, he was leaving.

"Hey! Dylan, wait!" sigaw ko.

Iiwan ako dito? Seriously?! Hindi man lang ba niya ko ihahatid sa bahay?! Wth?

I ran as fast as I could when I saw him getting inside his car, he's really leaving!

"Dylan, buksan mo 'to! Dylan!" I knocked a couple of times on his car window pero kahit anong katok ko hindi niya ko pinansin at mabilis na pinaharurot ang kotse niya.

Great, that's what you get for hitting a nerve Astrid.

Now what?

I put out my phone from my pocket and called Cara. After a few rings she finally picked up.

"Hello, Astrid?" she said on the other line.

"Hello, Cara? Can you pick me up? I'm here at central park. Yung bag ko kasi nawawala, lahat pa naman ng pera ko nandon." medyo naluluha kong sabi sa kanya.

Ang totoo, hindi naman nawawala ang bag ko. I accidentally left it inside that heartless bastard's car. Ang sama sama niya. Pano niya nagawa yun? Hindi niya man lang naisip kung paano ako makakauwi. It's my first time to ever feel this way, yung parang di mo alam ang gagawin mo dahil wala kang pera. Mabuti nalang at nasa akin ang phone ko or else mag papalaboy laboy siguro ako sa park na 'to.

"What? Osige sige, papunta na ko diyan. Hintayin mo nalang ako." nag mamadaling sambit ni Cara.

Pinunasan ko ang konting luha sa mata ko at napangiti. Thank God, I have a friend like her to count on in times like this.

"Sige, I'll be just right here." I pressed the end call button at nag hanap ng mauupuang bench.

Habang nag hihintay kay Cara, may nakita akong isang matandang babae. Poor old lady, she was all alone. Nasaan kaya ang mga anak niya or mga apo niya? Bakit pinapabayaan nilang palaboy laboy siya? Bigla kong inalis ang tingin ko sa kanya nang biglang lumingon siya sa direksyon ko. Baka kasi mainis siya sakin at tanungin ako kung anong tinitingin tingin ko or worst, pag papaluin niya ako sa tungkod niya.

Nagulat na lang ako nang makita kong katabi ko na pala siya. "Iha, bakit mag isa ka lang? Nasaan ang boyfriend mo?" tanong niya nang nanginginig ang boses sa sobrang katandaan.

"Ho? Naku lola wala akong boyfriend sa ngayon, dati lang..." medyo malungkot na sagot ko, naalala ko nanaman kasi si Josh.

Hinawakan naman ni lola ang kamay ko at hinimas himas para mapagaan ang nararamdaman ko. "Pasensya ka na iha, madalas kasing nag pupunta rito halos mga mag shota kaya napag kamalan kong may boypren ka na..."

"Wala po yun, lola. Ayos lang sakin yun." wika ko sabay ngiti. "Ano po palang ginagawa niyo dito at nasaan na po ang pamilya niyo?" sunod-sunod na tanong ko.

Bigla namang tumuro si lola sa gawi ng isang pamilya na nagpipicnic. "Hayun sila, gusto ko lang mag lakad lakad sandali kaya iniwan ko muna sila."

Ahhh... So hindi naman talaga siya mag isa. Mabuti naman kung ganon, kahit papaano gumaan ang loob kong malaman na may nag aalaga pa naman sa kanya.

Naputol ang usapan namin ni lola nang biglang makita ko si Cara na kumakaway sa gawi ko. Nag paalam ako kay lola na kailangan ko nang umalis at tumango naman ito saka ngumiti ng pagka aliwalas. Hindi ko alam pero ang gaan gaan ng loob ko sa matanda, siguro naaalala ko sa kanya si lola Sonia? Siguro nga ganon.

Pinuntahan ko na si Cara at sumakay sa kotse nila, as usual si mang Caloy ang driver. Tumingin ako sa bintana sa labas para tignan ulit ang matanda pero nakita kong wala na ito sa bench na inuupuan namin.

"Sinong tinitignan mo diyan?" tanong ni Cara sabay lapit ng mukha niya sa bintana.

"Wala, yung matanda." sagot ko.

"Sinong matanda?" kunot noong tanong ni Cara.

"May nakausap kasi akong matanda habang hinihintay ka. Basta ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. Tapos ang aliwalas pa ng mukha niya." sagot ko.

"Ahhh..." walang interest na sabi ni Cara pero kung lalaki lang siguro ang nakausap ko tiyak na atat na atat siyang mag kwento ako.

"Nga pala, saan mo naman nawala yung bag mo? Baka kung saan saan mo siguro iniwan." pag iiba niya ng topic.

Bigla ko nanamang naalala ang pangyayari kanina. "Wag na natin pag usapan yun, makarma sana kung nakanino man yung bag ko."

Nagtaka naman si Cara sa biglaang pag iiba ng mood ko. Mabuti na lang at hindi na siya nag tanong pagkatapos non. Nasense niya siguro na bad trip ako ngayon. And its all because of...


Dylan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: Hi guys! Don't forget to vote, comment and share!

BTW, photo of Dylan on media. ❤️❤️❤️❤️

The DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon