Chapter 9

89 5 6
                                    

Astrid's POV

Nandito ako ngayon sa coffee shop kung saan kami magkikita ni Dylan. Pag pasok ko, agad kong inikot ang paningin ko sa buong lugar pero wala akong nakita ni anino niya.

Mabuti naman at mukhang nauna ako ng dating sa kanya. Nakakahiya naman kasi kung late nanaman ako tulad nang huli naming pagkikita dito. Yun yung pumunta kami ng park... Grabe, hindi ko talaga makakalimutan 'yun. I really felt guilty that time for making him wait for how many hours. I just felt like I should make up for it kaya naman inagahan ko talaga ang pag punta ko dito.

"Ma'am may I take your order?" Biglang sulpot ng lalaking waiter sa harapan ng table ko habang nakatingin sa maliit na pulang notebook kung saan niya isinusulat ang mga order ng customers nila.

Well obviously, alangan naman listahan ng utang yun di ba? As if naman nag papautang ang mga coffee shops.

"Pwedeng mamaya nalang? May hinihintay pa kasi ako." pag dadahilan ko. Pero ang totoo hindi ko lang talaga feel mag kape or kumain ng cake ngayon. Busog pa kasi ako. Isa pa, hindi ko naman alam ang gusto ni Dylan kaya hindi ko rin siya mapapang order.

"Ganon po ba?" tanong niya nang nagkakamot ng ulo.

Binalik niya ang ballpen at notebook niya sa bulsa ng itim niyang pantalon saka ngumiti. "Sige tawagin niyo nalang po ako kung may order na sila."

Pagka alis ng waiter, naiwan nanaman akong mag isa at walang kasama. Feeling ko loner ako. Halos kasi lahat ng tao sa shop may kasama at makikita mong masayang nakikipagkwentuhan. Ako lang ata ang makikita mong walang kasama at mag isa.

Ano kayang oras darating ang lalaking yun? Hindi niya naman siguro ako balak indyanin diba?

I shrugged off the thought at nag desisyong mag laro na lang ng color switch sa phone para kahit papaano maaliw ako at di ma-bored sa paghihintay kay Dylan.

After which seems like a thousand of trials, when I was finally just about to beat my old highscore, bigla nalang may dumaan sa gilid ng upuan ko at tinakpan ang mata ko na para bang nang iinis.

"What the-"

Na-out ako sa color switch, all thanks to the guy who's sitting right in front of me.

Sadya bang wala nang magawang matino ang lalaking 'to sa buhay niya kundi ang inisin ako?

Sinasakal ko na siya sa isip ko nang bigla siyang mag salita that caused me to go back to reality.

"Bakit mo ba ako pinapunta dito?" bored niyang tanong.

Pag kasabi niya non, bigla ko nalang naalala na may favor nga pala akong hihingin sa kanya kaya kinalimutan ko na muna ang tungkol sa color switch at pilit na nginitian siya ng matamis bago sumagot.

"Ah ayaw mo bang mag order muna? My treat." bait-baitan ko sa kanya sabay abot sa kanya ng menu. Pero kung wala lang akong kailangan sa kanya, nahampas ko na siguro ang menu sa ulo niya. Atsaka libre niya mukha niya! May pera siya at kaya naman niyang bilhan ang sarili niya ng kape at ng kahit anong gusto niya. Hindi ko na siya kailangang i-libre.

Tinabig niya ang menu at nag crossed arms.

Bastusan lang?

"Nagmamadali ako, so go and say what you have to. I don't have the luxury of time to be siting and drinking coffee here with you."

I composed myself saka umupo ng maayos. Ayaw ko na ding mag paligoy ligoy. Habang lalo kasing tumatagal na kasama ko 'tong lalaking to, nas-stress at umiinit lang ang ulo ko. So okay, didiretsuhin ko na siya...

The DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon