Chapter 12

64 5 1
                                    

A/N: Hi guys! Sorry for the long wait, here's Chapter 12. Don't forget to vote, comment and share! 😘

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Astrid's POV

Okay, let's do this. Kaya mo 'to, Astrid!

Pagche-cheer ko sa sarili ko sa isip ko.

I tied my hair into a bun at nagsimula nang mag pulot ng mga kalat sa sala. Grabe lang, wala bang basurahan ang building na 'to at ginagawang tambakan ng basura ni Dylan ang condo niya?

'Sayang, ang ganda pa naman

...kung malinis.' I thought.

"Nasa kusina pala yung walis at dustpan kung kailangan mo." sabi ni Dylan out of nowhere na busy ngayon sa paglalaro ng xbox.

Well obviously, wala siyang balak tulungan ako sa pag lilinis. Nice diba? Pero hindi na 'ko masyadong nagulat pa 'dun. He's, Dylan Sullivan after all.

Yup, alam ko na ang surname niya. I actually searched him on fb. Hinanap ko siya sa friends ni Josh then bingo! Halos alam ko na ang tungkol sakanya, his birthday, family, friends and all. Pero syempre di ko siya inadd, mag feeling pa 'yun, tsk.

Anyway, back to work. Matapos kong pulitin ang mga malalaking basura gaya ng mga styro, pizza box at kung anu-ano pang balat ng chichirya, kumuha ako ng isang malaking itim na plastic at dun na muna ito inilagay.

Nang maliliit nalang ang mga dumi, tulad ng alikabok at balas, gumamit na ako ng walis at dustpan para mapabilis ang trabaho. Ayoko namang abutin ng siyam-siyam sa pag pupulot at pag lilinis dito.

"Astrid!" sigaw ni Dylan na ikinagulat ko.

Ano nanaman bang problema niya?

"Get out of there, harang harang ka!" utos niya nang nakatayo at palingon lingon sa tv screen na hindi ko namalayang natatakpan ko na pala. Masyado kasi akong nakatuon sa paglilinis. Kinareer ko na kumbaga.

"Oo na... Malapit na 'tong matapos..." I said as I reached for the dusts underneath the television table. At ayun ang dami ngang alikabok. Napaghahalataan na di talaga naglilinis si Dylan.

"Ano ba, Astrid?!"

"AHHHHH!" hiyaw ko sabay bitiw sa walis na hawak ko nang bigla akong makakita ng ipis na gumagapang dito.

Yup takot ako sa ipis. Sino bang hindi?

Nagtatalon ako at mabilis na tumungtong sa unang mataas na bagay na makita ko, ang sofa.

"Dylan, may ipis!"

Pinause niya yung game at tumingin saakin na nakakunot noo. "What the fuck? Ipis lang yan, Astrid hindi ka kakainin niyan."

"Pero takot ako, pwedeng alisin mo nalang please?" medyo naluluha na pag mamakaawa ko sakanya. Takot kasi talaga ako sa ipis.

He frustratedly disheveled his hair and reached for the broom. Pinanood ko siyang walisin papalabas ng condo niya yung ipis.

Nang wala na ito, he shut the door locked and turned to look at me.

"Happy?"

Unti-unti ko nang binaba ang paa ko at nakahinga na ng maluwag.

'Thank God.' I said to myself.

After that scene, bumalik na ulit sa paglalaro si Dylan at bumalik na rin ako sa paglilinis. Mabuti naman at wala na akong naencounter na ipis pagkatapos non...

Hindi counted yung nagsisigaw sigaw si Dylan ng ipis at nag panic nanaman ako. He was just pranking me. Ang sama lang diba?

Speaking of Dylan, ano kayang kinatatakutan non? Well obviously, cockroaches aren't one of them. I wonder... Nang makaganti ako sa oras na di niya inaasahan *insert evil laugh here*.

* * *

After 2 and a half hour of cleaning, natapos na din ako sa paglilinis. Damn, my back is hurting. Feeling ko nag kanda kuba nako sa kakawalis at lampaso ng sahig ng buong condo. Mapa kwarto, kusina nilinis ko talaga lahat. I was surprised to myself. Hindi ko alam na magagawa ko pala yun knowing na sobrang tamad ko sa mga gawaing bahay.

"Dylan?"

"Dylan?"

No answer. Asan na ba yung lalaking yun? Mag papaalam lang ako na tapos na kong mag linis at uuwi na ko.

Hinanap ko siya sa sala hoping na makita ko siyang naglalaro parin ng xbox pero wala akong Dylan na nakita.

Sa kwarto niya kaya?

Kinatok ko siya sa kwarto niya at nang walang sumagot, pinihit ko nalang ang doorknob at dahan-dahang binuksan ang pinto. Just to check wether he's there or hahanapin ko pa siya sa kusina, study room and all.

Pagkabukas ko ng pinto, tumambad saakin ang isang lalaking mahimbing na natutulog sa kama. Nang lapitan ko ito, dun ko lang namalayan na si Dylan pala.

Grabe ibang iba yung mukha niya pag natutulog, ang amo-amo atsaka parang anghel. Sana parati nalang siyang tulog no? Yung tipong hindi na siya magising. Chos, ang bad ko.

Pinaglalaruan ko ang mahahabang pilik mata niya nang bigla siyang mag salita dahilan para mapatigil ako sa ginagawa ko.

"S-Sabrina..."

Talaga nga namang adik din pala 'tong si Dylan kay Sabrina. Pati ba naman sa pag tulog Sabrina parin ang bukang bibig?

Makauwi na nga. Wala akong balak na gisingin pa siya. Mukhang maganda naman kasi yung panaginip niya. I'll just leave him a note saying that I already finished cleaning and left.

Then just like on cue, biglang kumidlat at kumulog ng malakas.

Great.

The DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon