Chapter 11

68 5 1
                                    

Astrid's POV

"Wait..."

"Dylan, this is not the way to our house..." sabi ko nang bigla kong mapansin na hindi na papuntang bahay ang dinadaanan namin.

Sinabi ko na sa kanya ang address namin. And by now, alam niya na dapat puntahan ito dahil malinaw naman ang direksyon na binigay ko.

"I know." maikling sagot niya at patuloy parin sa pag d-drive tungo sa kung saan hindi ko alam.

Okay, so mabuti naman pala at hindi kami naliligaw. Akala ko kasi naliligaw na talaga kami. Anyway...

"Saan ba tayo pupunta?" curious na tanong ko.

Ang alam ko lang kasi ihahatid niya dapat ako pauwi. Maliban sa bahay ko, wala na akong maisip na pupuntahan namin.

I was staring out of the window at pinagmamasdan ang mga street lights na nadadaanan namin nang sumagot siya.

"Sa condo ko."

Pagkasabi niya nun, agad akong napatingin sa kanya at kinabahan sa hindi ko maintindihang rason.


Condo?!

Bigla kong naalala ang sinabi niyang condition bago siya pumayag na pumunta sa bahay para makilala nila kuya Zack.

Eto na kaya yung sinasabi niyang condition?

Don't tell me, Vcard ko pala ang hinihingi niyang kapalit ng pag punta niya sa bahay?


Hell, no!

Hindi ko napansin na nakatingin pa pala ako sa kanya nang bigla ulit siyang mag salita. "Hey, it's not what your dirty mind think it is." then he chuckled.

Namula ako sa sinabi niya. Pano niya naman nalaman ang iniisip ko? Is he some kind of a mind reader?

"Wala akong iniisip na kung ano no!" pagdedeny ko. Tama Astrid, deny ka lang. Hindi niya naman talaga alam ang nasa isip mo, nanghuhula lang yan.

"Yeah, right. Kaya pala ganon nalang ang reaction mo nung sinabi kong papunta tayo sa condo ko." he mockingly said. "You should have seen your face."

Tinakpan ko nalang ang tenga ko at sumigaw. "Shut up!"

Tumawa lang siya sa inakto ko at nag patuloy sa pag d-drive. Matapos pa ang ilang minuto, mukhang nakarating na din kami sa destinasyon namin dahil huminto ang sasakyan sa isang malaking condominium.

Naunang bumaba sa kotse si Dylan at sumunod naman ako. Binati niya ang guard na nagbabantay at dirediretsong nag lakad tungo sa elevator. Napalunok ako nang pindutin niya ang 16th floor, I think I'm going to feel sick. Ayaw na ayaw ko kasing sumasakay sa elevator, nahihilo at nasusuka kasi ako everytime na sumasakay ako.

"Ang laki pala ng condominium na 'to." sabi ko, trying to make a conversation with him. Ang awkward kasi, napaka tahimik sa loob. Malamang kaming dalawa lang kasi ang tao sa elevator.

"Yeah." he dryly said. Ayun, EOC agad. Ang ganda niyang kausap diba? Tss.

"Ano bang gagawin natin dito?" pag oopen up ko nanaman ng bagong topic. Hopeful na tumagal ang conversation namin compared kanina.

Tinignan niya ako at ngumiti ng parang may masamang binabalak. "Why? You feeling excited, babe?" mapang akit niyang tanong dahilan para kilabutan ako.

"W-What?! Hindi no!" sagot ko sabay tulak sakanya papalayo. "Pwede ba sagutin mo nalang yung tanong ko?"

He straightened his shirt na medyo nagulo sa pagkakatulak ko sakanya at tumingin sa taas kung saan makikita kung anong floor na kami at nag salita. "I'll tell you when we get there." then he winked at me.

Kasabay ng pag kindat niya ang pag bukas ng pintuan ng elevator. Bumilis ang tibok ng puso ko nang lumabas siya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at naiwang nagdadalawang isip kung susunod ba ako o hindi. But then nilingon niya ako and gestured me to follow him.

Huminga ako ng malalim saka naglakad papalapit sakanya.

"What's the matter?" kunot noong tanong niya. Maybe he noticed that I'm acting a little bit weird.

"W-Wala." sagot ko nang iniiwasan ang titig niya.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at inutusang tignan ko siya nang diretso sa mga mata.

"Look, I won't do anything bad to you. Trust me, okay?"

Unti-unting nawala ang kaba na nararamdaman ko kanina dahil sa ginawa niya. He seems really sincere when he said that. Ngayon sigurado na akong wala talaga siyang balak na masama sa akin.

Nag nod ako na para bang sinasabing 'okay' na ikinangiti niya.

"Good, let's go."

Nag patuloy kami sa paglalakad at hindi nagtagal huminto sa harap ng isang pinto. Eto na siguro yung condo niya...

He took his keys from his pocket and unlocked the door. I was so excited to see the inside of it. Ang ganda kasi ng building kaya malamang maganda rin yung loob...


Pag bukas ng pinto, hindi ko inexpect ang nakita ko...


Ang dumi! Tao ba talaga nakatira dito?!

"Are you sure, we're in the right room Dylan?" tanong ko.

"Of course. Now, about the condition..."

I roam my eyes around the room and gulped.

"Let me guess, you want me to clean all of this mess?" I asked silently hoping na mali ako. I hate cleaning! Kung kwarto ko nga di ko malinis, condo pa kaya ng iba?


No, please. Anything but cleaning!

"Nope."


Biglang nag liwanag ang lahat at nagsikantahan ang mga anghel nang malaman kong hindi niya ko pag lilinisin.

"Thank goodness! Alleluia! Praise the Lord!" pagpapasalamat at puri ko kay God.

"So, ano yung condition mo?" tanong ko.

Pumasok siya sa loob at umupo sa sofa sabay taas ng paa niya sa table.

Okay, that was rude. Hello, I was talking to him!

"I was kidding. Your guess was right. You'll clean."

"What the hell?!"

"You can start."

The DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon