Chapter 2

156 8 0
                                    

Cara's POV




"Here you go ma'am." nakangiting sabi sakin ng babaeng cashier.



Agad ko namang kinuha ang supot ng bagong bili kong sapatos saka inikot ang tingin ko. Nasan na ba si Astrid? Bigla nalang kasi siyang nawala nung nasa counter ako. 



Mabuti pa tawagan ko na lang siya. Masakit na kasi ang paa ko. Hindi ko na kayang libutin ang buong mall para hanapin siya.



Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ng aking shorts saka dinial ang number niya. Matapos ang ilang ring sinagot din niya ito.




"Hello, Cara?" she said on the other line.



"Hoy beh nasaan ka?" tanong ko.




"Sorry, pabalik na ko diyan. Hintayin mo nalang ako." sagot niya.



"Sige bilisan mo ah." bilin ko. Ayaw ko kasing naghihintay, alam naman ni Astrid yun. Ako kasi yung tipong ma-inipin. Gusto laging may kasama at kausap.



"Oo sige-sige, bye."



"Bye." I pressed the end call button at umupo sa pinaka malapit na upuan sa shoe corner para naman mabawasan kahit papano ang pagkangalay ng binti ko. Wala kasi kaming ibang ginawa ni Astrid kundi maglakad at tumayo kanina pa.



Makalipas ang ilang minuto dumating na din si Astrid. Mabuti nalang kasi nagsisimula na akong pagtinginan sa pwesto ko. Ewan ko ba, di ata sanay mga tao dito na nakakakita ng maganda. CHOS!



"Saan ka ba nag punta?" tanong ko. Bigla nalang kasi siyang umaalis ng walang paalam. Malay ko ba kung na kidnap na siya or may nangyari nang masama sa kanya. Iba na kasi ang panahon ngayon, delikado kaya mas maganda nang may kasama ka. At least, mapag tatanggol niyo ang isa't isa.



"W-Wala, tumingin lang ako ng ano... ng damit." sagot niya na para bang hindi mapakali. Pero pinag walang bahala ko nalang ito.



Sabi niya tumingin siya ng mga damit. "Oh ano? May nagustuhan ka naman ba?" tanong ko. Ako nalang sana ang bibili para sakanya. Sagot ko naman siya sa araw na ito. Isa pa, wala akong problema pagdating sa pera, mayaman naman kasi ang pamilya namin.

The DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon