Astrid's POV
"Baby girl?"
"Baby girl, gising... Nasa bahay na tayo..."
"Mmmm..." kinusot kusot ko ang aking mga mata at inikot ang aking paningin. Nasa kotse parin ako ni kuya Zack, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa byahe sa dami ng mga iniisip ko.
"Kuya, anong oras na?" tanong ko nang mapansin kong medyo madilim na pala.
He glanced at his watch and turned to look at me. "7 o'clock." maikli niyang sagot.
"7 o'clock na?" paninigurado ko, bakit ang tagal ata naming bumyahe?
"Sorry ginabi tayo, may dinaanan pa kasi akong isang kaibigan." paliwanag ni kuya Zack.
"Ahh..."
"Sinong kaibigan naman?" tanong ko.
"Wala, hindi mo kilala..." sagot niya habang iniiwasan ako ng tingin.
Lumabas siya ng kotse pagkatapos at pumasok sa bahay nang hindi man lang ako hinihintay.
Anong nangyari dun? Bakit bigla nalang siya nagka ganon? Nag away kaya sila ng kaibigan niya?
Lumabas na din ako ng kotse at pumasok sa bahay.
Grabe gutom na ko. I wonder what's for dinner.
* * *
"O Astrid, bakit ginabi na kayo ng uwi?" bungad sa akin ni lola Sonia pag pasok ko sa bahay. Siya ang pinaka kaclose ko sa lahat ng katulong namin. Magmula nung bata pa lang kami ni kuya Zack, siya na ang nag aalaga sa amin.
"Si kuya Zack po kasi may dinaanan pang kaibigan." sagot ko. Speaking of kuya Zack... "Asaan po pala siya?" tanong ko nang hindi ko siya nakita sa dinning table.
"Ah, hindi daw kakain. Busog pa raw siya." sagot ni lola Sonia. "Halika na, kumain ka na. Niluto ko ang paborito mong ulam."
"Talaga po? Kaya tumataba ako lola Sonia eh." biro ko. Bahagyang tumawa naman si lola Sonia at kinuha ang mga gamit ko saka inakyat sa kwarto. Hindi nag tagal, bumaba na din siya at sinaluhan ako sa pagkain.
Habang kumakain, hindi ko mapigilang isipin si kuya. Hindi ba talaga nagugutom yun? Kung badtrip siya dapat hindi niya dinadamay ang pagkain, magka ulcer pa siya sa alam niya.
"Oh para kanino yan?" tanong ni lola Sonia nang mapansin niyang sumasandok ako ng panibagong kanin at ulam ganong kakatapos lang namin kumain.
"Ah para kay kuya po. Aakyatan ko lang siya ng pagkain para if ever mafeel niya na gutom siya pwede siyang kumain." sagot ko. "Isa pa po, hindi magandang nag lalaktaw ng meals di ba?"
Nakita kong napangiti si lola Sonia. Yung klaseng ngiti na abot hanggang mata. "Naku ang sweet niyo talagang mag kapatid. Sige mabuti pa nga't i-akyat mo na yan. Ako nang bahalang mag ligpit ng pinagkainan natin dito." wika niya.
"Sige po. Salamat lola." Binuhat ko ang tray na nag lalaman ng isang plato ng kanin with ulam at isang baso ng juice saka umakyat sa kwarto ni kuya Zack.
Matapos ang ilang katok, pinag buksan niya rin ako ng pintuan.
"Oh, ano yan?" tanong niya nang makita niyang may hawak akong tray ng pagkain.
"Duh? Pagkain?" sarkastiko kong sagot. "Ayaw kasi kitang magutom kaya dinalhan na kita."
I pushed him a little aside using the tray and barged in his room.
BINABASA MO ANG
The Deal
أدب المراهقينSa dalawang taong nagmamahalan. Dalawang puso ang lihim na nasasaktan. Isang kasunduan ang binuo na paghiwalayin ang dalawa, magtagumpay kaya?