Chapter 13

105 5 5
                                    

Astrid's POV


"Jesus Christ!" gulat na sigaw ni Dylan na para bang nakakita ng multo sa expression ng mukha niya nang madatnan niya ako sa sala nang condo niyang nakaupo sa sofa.


Oo, nandito parin ako sa condo niya. It wasn't my choice to stay, I got stranded. Even if I badly wanted to get home and rest, ayaw akong paalisin ng pesteng ulan na 'yan.


"OA mo ha." sabi ko sabay ismid. Badtrip na nga ako, napagkamalan pang multo? Nasan ang hustisya?


"Astrid?" tanong niya na para bang hindi makapaniwala sabay kusot sa mga mata niya. Siguro dahil nanlalabo pa ang paningin niya since kagigising niya lang.


"Why are you still here? Didn't you said that you already left?" he lazily asked.


"Huh?" I asked in confusion. May sinabi ba ko sakanya?


"You left me a note, right?"


"Ahh, yes the note..." pagkakaalala ko sa maliit na dilaw na papel na iniwan ko sa side table malapit sa kama niya.


"Nagmamadali kasi akong umalis nung narinig kong umulan, kaso bumalik rin ako kasi wala palang sakayan dito plus wala akong payong. Hindi ko na naretrieve yung note dahil nakalimutan kong nag leave pala ako ng note in the first place."


"Bakit di mo ko ginising?" he asked sounded a little bit pissed sabay tingin sa wall clock ng living room niya.


"It's fuckin' late. Ihahatid na kita sa inyo." he offered.


He went back in his room and when he got out, his car keys was already with him.


Nagmamadali naman akong sumunod sa kanya papalabas ng condo dahil oras na and we need to move fast. Medyo may kalayuan pa naman din ang condo niya sa bahay namin and worst, baka traffic pa.


As soon as we got out of the building in a haste, agad agad kaming sumakay sa kotse at umalis.


As expected, traffic nga. We heard from other drivers na pinagtanungan namin ni Dylan na may nag banggaan daw kaya traffic. Uso daw talaga ang aksidente tuwing maulan tulad ngayon dahil madilim at madulas ang daan.


Pero shit lang. Anong oras kaya ako makakauwi nito?


Please, please, please sana mawala na yung traffic.


Pero makalipas ang isang oras, ganon parin. Hindi humupa ng kahit konti ang traffic. Grumabe pa nga actually.


Hindi na ako nag bother kausapin si Dylan since mukhang mainit ang ulo niya dahil sa traffic.


Dahil bored ako, at walang makausap, kinuha ko nalang ang earphones ko at nakinig ng music sa phone ko. I think I heard Dylan say something pero hindi ko masyadong narinig since naka earphones nga ako. Baka nagrereklamo or nag mumura lang naman yon sa sobrang traffic.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon