Astrid's POV
Desidido na nga akong makuha si Josh. Babawiin ko ang dating akin. I wouldn't kill anyone, I'll just make him fall for me again and Dylan's help would surely be useful.
"Dylan payag na ko." seryosong sabi ko sa harapan niya.
I saw his lips curled into a smile. He seems happy right now, nakuha niya na kasi ang gusto niya sakin, ang sagot ko.
"So we have a deal?" he asked sabay lahad ng kanang kamay niya.
I was having second thoughts, but there was certainly no backing out. Hinawakan ko ito at nag shake hands kami.
"Deal." sabi ko.
Sana nga tama yung desisyon ko. Sana hindi darating yung panahon na pagsisisihan ko ito. Wala naman sigurong mangyayaring masama diba? Wala naman akong dapat katakutan o pangambahan as long as hindi malalaman nila Josh at Sabrina ang tungkol dito.
Babawiin ko na sana ang kamay ko nang bigla niya akong hinila that made me lose my balance and crash in to him. "You won't regret it." He whispered in my ear that send chills all over my body.
Ano bang ginagawa niya?
Tinulak ko siya papalayo, at inirapan. Pano nalang kung may makakita samin? Mapagkamalan pa kaming may ginagawang masama. We're still alone in a dark room after all. Ang mga tao pa naman ngayon kung makapag judge eh akala mo kung sinong perpekto.
"I better get going." paalam ko sa kanya nang bigla kong maalala na susunduin pala ako ni kuya Zack. Baka kasi naghihintay na yun sa labas at kailangan ko pang mag sauli at kumuha ng mga libro sa locker ko.
"Alright. Expect that we'll see each other more often, Astrid. We still have a lot of talking and scheming to do." sabi niya habang nakasandal parin sa teacher's table.
I nodded in response. I'm perfectly aware of that matter, kung gusto naming makuha ang kanya-kanyang gusto namin, kailangan naming pag planuhan ng maigi ang mga gagawin namin.
BINABASA MO ANG
The Deal
Teen FictionSa dalawang taong nagmamahalan. Dalawang puso ang lihim na nasasaktan. Isang kasunduan ang binuo na paghiwalayin ang dalawa, magtagumpay kaya?