Chapter 8

125 7 1
                                    

A/N: Hi guys! Sorry for the long wait, pumunta kasi kaming Tarlac at sinamahan si Lola sa bahay. Wala siyang kasama kasi si lolo nasa hospital. So ayun, sana maintindihan niyo ko. Enjoy reading!

P.S

Picture nga pala ni Astrid sa media.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Astrid's POV

It's Sunday, kakasimba palang namin ni Cara nang may makita akong nakaparada na pamilyar na itim na kotse sa harapan ng bahay namin.

I blinked like a couple of times para masiguradong hindi ako namamalik mata.

Kotse niya ba talaga yun?

Hindi naman siguro...

Una sa lahat, hindi niya naman alam ang address namin. Pangalawa, may natitirang hiya pa naman siguro siya sa katawan para hindi mag pakita pagkatapos ng ginawa niya.

"May bisita kayo?" tanong ni Cara nang mapansin din niya ang itim na kotse na nakaparada sa tapat ng bahay namin.

I shrugged. "Ewan ko." sagot ko. Wala naman kasi kaming ineexpect na bisita ngayon. Usually pag Sunday, sila mommy at daddy lang kasi ang umuuwi. Pero since tumawag sila kahapon at sinabing next week pa sila makakauwi dahil busy sila ngayon sa business namin, siguradong hindi sila yan.

Sabay na kaming bumaba ni Cara sa sasakyan at pumasok sa bahay. Pag pasok namin, si lola Sonia agad ang bumungad sa amin.

"Oh Astrid, mabuti naman at nandiyan ka na. Kanina ka pa hinihintay ng bisita mo." medyo kinikilig na wika ni lola Sonia.

"Sino daw po?" tanong ko na medyo nakakunot ang noo, kakaiba kasi ang inaakto ni lola Sonia, hindi naman siya usually ganyan and I just find it weird.

"Nandoon siya sa sala, kasama ng kuya mo."

Tumingin ako sa likod ni lola Sonia at nakita ang isang ulo ng lalaking naka upo sa sofa. Yun siguro ang ang sinasabing bisita ko ni lola Sonia. Sa kabilang upuan naman, nakita ko si kuya Zack na kung makatingin sa di kilalang lalaki eh akala mo mortal niyang kaaway.

"Taray beh! Tumatanggap ka na ba ulit ng mga manliligaw?" bulong sa akin ni Cara sa aking gilid. Muntikan ko nang makalimutan na nandito pa pala siya.

"Sira! Manliligaw ka diyan, busita nga di ba?" pag putol ko sa pagpapantasya niya.

Laking gulat namin ni Cara nang makita namin ang bisita, it was Josh. Kulang nalang lumabas ang mga mata namin sa sobrang gulat.

What is he doing here?

"Josh?" tanong ko sabay upo sa tabi niya.

Wala naman talaga akong balak na umupo sa tabi niya, pero eto kasing si Cara inunahan ba naman ako sa isa pang single chair na katapat ni kuya.

Bale ang pwesto namin ganito, Si cara sa left, si kuya sa right at kami naman ni Josh sa gitna, katapat ang table at tv.

Okay, this is awkward. It was all sudden and I didn't expect this at all. Natyempuhan pa naman kung kailan maraming tao, dun pa siya pumasyal dito sa bahay.

"Hey Astrid, I just dropped by to return this you..."

Pag kasabi niya non, dun ko lang napansin na may hawak hawak pala siyang isang bag...

It was my bag actually.

"Pano naman napunta to sayo?" tanong ko pagkakuha ko sa kanya ng bag. Ang natatandaan ko kasi, sa kotse ni Dylan ko 'to naiwan at hindi sa kanya.

The DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon