Astrid's POV
"Hi guys, mind if we join you?"
Napalingon ako sa taong nag mamay ari ng pamilyar na boses na 'yun at nagulat nang makita ko sila Josh at Sabrina sa likod ng kinauupuan ko na mukhang kararating lang.
"No, not at all. Come, join us." sagot ni Dylan.
Great.
Talk about good timing people.
Pano ko pa niyan makukulit si Dylan pumunta sa bahay namin ngayong nandito sila?
"Astrid, right?" baling sa akin ni Sabrina habang paupo siya sa tabi ni Dylan habang naupo naman sa tabi ko si Josh. Bale ang pwesto namin, si Josh, Ako, Sabrina, at Dylan. Pero dahil pabilog ang lamesa, magkatabi rin sila Josh at Dylan.
Sobrang awkward ng feeling ko, nagkataon pa kasing nasa gitna ako nila Sabrina at Josh, feeling ko tuloy ang laki kong hadlang sa kanila. Gustuhin ko mang lumipat ng pwesto, hindi ko magawa dahil nakaupo na kaming lahat. Nakakahiya naman kasi kung patatayuin ko pa ang isa sa kanila para makipag palit ng pwesto sa akin.
"A-Ah, oo... Ako nga yun." sagot ko kay Sabrina na medyo nauutal sabay ngiti.
Damn. I badly wanted to get out of this place. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil nakakahiya. Isipin pa nila na may problema ako sa kanila... Actually kay Josh meron...
ex ko siya for crying out loud. Pero kay Sabrina, wala. Hindi ko lang maiwasang pagselosan siya dahil siya ang bagong girlfriend ni Josh."Hi, I'm Sabrina and this is my boyfriend, Josh. Sorry kung medyo late na namin na introduce ang sarili namin... Dapat nung sa park pa kami nag pakilala sayo."
Umiling naman ako. "Ano ka ba, okay lang yun. No big-"
"Actually babe, we already know each other..." Josh butted in.
Omy golly, don't tell me sasabihin niya ngayon sa harapan naming lahat na ex niya ko? I was thinking of cutting him off when he suddenly spoke.
"She's actually a good friend of mine..." sabay tingin niya sa akin ng makahulugan.
Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya.
Friend?
Seriously?
God knows we were more than friends back then...
"Really?" tanong ni Sabrina. "Babe, how come you've never mentioned it to me before?" medyo nagtatampo na sabi ni Sabrina kay Josh.
"That was way back then in highschool..." pag rarason ni Josh.
"Ah ganon ba?" tanong ni Sabrina at nag nod naman si Josh.
"Anyway, Dylan pano mo naman nakilala si Astrid? You haven't told me the story yet. Ako pa naman ang naturingan mong best friend simula bata palang tayo." pag iiba ng topic ni Sabrina.
Best friend?
Wow. I didn't expect Dylan to be the type of guy who goes best friend-ing girls.
I actually thought he's a player.
"Well, I first saw her at the mall... I approached her at hiningi ang number niya. And just like the other girls, she fell for my charms and gave me her number without any hesitation. Then we-"
I cut him off before he could say anything. How dare him! Parang ang easy to get ko namang babae sa kinukwento niya! Gagawa nalang siyang kwento, ganyan pa. Let me show him what a real story is.
"It wasn't really my number guys. Hula hula ko lang yon... Hindi ko binibigay number ko sa isang lalaki na kakakilala ko palang."
Pagkasabi ko non, tinignan ako ni Dylan na para bang sinasabing 'what the hell are you saying' pero hindi ko lang siya pinansin at nag patuloy sa pagkwekwento.
"He was so persistent... Hindi ko alam pano niya nagawa pero one day bigla ko nalang nakita na inadd as a friend niya ko sa facebook..."
"Really?" hindi makapaniwala na tanong ni Sabrina. "Well that's a first. Hindi kasi si Dylan ang naghabol sa mga babae, I mean ever. Usually kasi ang mga babae mismo ang lumalapit sa kanya."
"He was like a stalker! He badly wanted to meet me... So I said to myself 'hey why not give this guy a chance'? So ayun, I accepted his friend request kasi naawa ako sakanya and he was so desperate."
Napangiti ako sa ganda ng kwento ko. Pero pagtingin ko sa gawi ni Dylan, mukhang hindi niya nagustuhan ang kinwento ko. Parang nababalot ng kaitiman ang aura niya.
Uh-oh.
"Wow, ikaw lang ang babaeng nakilala kong hinabol nang ganyan ni Dylan... He must have seen something really special in you..." seryosong sabi ni Sabrina. Hindi ko alam pero parang may bakas ng pagkalungkot sa boses niya. Pero bakit naman siya malulungkot?
Silence was slowly creeping in siguro dahil wala na din kaming mapagkwentuhan when Josh suddenly spoke. "Should we order?"
Sinenyasan ni Josh ang waiter na lumapit sa amin at isa isa naming sinabi ang mga order namin. Espresso kay Dylan, Americano kay Josh, Macchiato sa akin, at Café latte naman kay Sabrina.
Wala na ako sa sarili ko nang si Sabrina na ang nag kukuwento tungkol sa kanila ni Josh. Sinasadya kong hindi makinig sa mga kwento niya dahil alam kong masasaktan lang ako. Pero itong si Dylan kahit kanina pa nakikinig, hindi mo man makikitaan ng bahid ng pagseselos o sakit sa mga kinukwento ni Sabrina. Pano niya kaya nagagawa yun?
Matapos naming maubos ang mga inumin namin, napag desisyunan na naming umuwi. Nagpaalam na sila Josh saamin at nagpaalam na din kami sa kanila.
Papunta kami ngayon sa kotse ni Dylan, ihahatid niya kasi ako pauwi. Syempre boyfriend "kuno" duties. Mahirap na at baka mag duda sila Josh kung bakit hindi ako ihahatid pauwi ni Dylan gayong siya ang boyfriend ko.
"So... Stalker pala ha?" he asked out of nowhere then laughed sarcastically.
"Bakit? Higit na mas maganda naman yun sa kwento mo. Ginawa mo kong easy to get!"
"Hindi kita ginawang easy to get. That's just how courting is done nowadays, text lang ayos na."
Ano daw?
Sa text lang? Akala niya ba madadaan niya ako sa text lang?
Hindi niya na ako hinintay maka sagot at pumasok na sa loob ng kotse niya. Sumunod naman ako at agad na pumasok sa passenger's seat. I wasn't planning to drop that topic yet. Ibahin niya ko, hindi ako yung klase ng babaeng nadadaan sa text. Syempre gusto ko parin yung old way ng panliligaw. Hindi naman yung mag iigib ng tubig or pag puputulin ng kahoy yung guy. Basta kailangan mag effort nang lalaki at syempre dapat patunayan niyang seryoso siya sakin.
"Dylan, for your information hindi ako nadadaan sa text text lang na yan. Hard to get ata ako." I said with pride. Aba, nung si Josh, 1 year and 6 months niya ako niligawan. Talagang pinahirapan ko muna siya bago ko siya sinagot.
"Yeah right, kaya pala wala pa mang one month or even a week girlfriend na kita."
Excuse me?
"Hoy, hindi mo ko girlfriend. Nag papanggap lang tayo." paglilinaw ko sa kanya. Feeling niya no. Kaya lang naman ako nandito at kasama siya dahil sa deal.
"Muntikan ko nang makalimutan... Ano? Pupunta ka ba sa bahay o hindi?" pag iiba ko ng topic.
Hininto niya ang kotse nang biglang naging pula ang stoplight saka sumagot. "Okay..."
"Okay? You mean pupunta ka?" masayang tanong ko.
"In one condition."
BINABASA MO ANG
The Deal
Novela JuvenilSa dalawang taong nagmamahalan. Dalawang puso ang lihim na nasasaktan. Isang kasunduan ang binuo na paghiwalayin ang dalawa, magtagumpay kaya?