Noong mga panahong yun kailangan ko nalang siguro tanggapin na hanggang panaginip nalang siya.
Ang pagiging curious ko sa kanya ay kailangan ko na muna kalimutan.
Alam ko at alam niyo rin na nagmumukha akong tanga sa lahat ng aking ginagawa.
Lahat ng ginagawa ko para hanapin siya?
Kahit sinong tao alam ko pagtatawanan ako.Pero wala eh nagbaka sakali akong magkakaroon ako ng pagasa na yung taong minahal ko eh nasa mundo rin ng realidad.
Noong mga panahong yun isa lang ang pumasok sa isip ko eh kundi yung isa sa quotations ni Winston S. Churchill "It is not enough that we do our best; sometimes we must do what is required."
Kailangan ko siguro tumigil sa pagpapantasya sa kanya dahil alam ko yun ang nararapat kong dapat gawin.Favorite line yan ni Mr. Professor Tres hahahaha kaya huwag na kayo magtaka kung kada salita ay akma at tanda ko pa.
Kailangan ko nanaman pumasok sa aming paaralan kung saan makakasalamuha ko ang brutal na Professor namin sa pisika.
Si Professor Tres.
Papasok na kami nila Jared at James kaya nang dating gawi.
''Guys ayan na si Prof. Tres humanda kayong maging mabait ha.''Ang sabi ko sa kanilang dalawa.
''Ayay! Captain!.''Sabay na pagkasabi nila.
''Magandang buhay Professor Tres!''Sigaw naming tatlo sa Propesor naming mahilig magsulat ng tres.
''Walang maganda sa buhay ngayon dahil kailangan niyo makabuo ng isang banda para sa gagawin na event ngayon.Isa kayo sa isinalpak kong entry dahil napakinggan ko ang inyong mga talento nung nakaraang founders.Galingan niyo kapag kahiya hiya ang inyong pinakita sa harap ng entablado huwag kayo umasa na makakakuha kayo ng tres mula sakin ha? Rehearsal na sa Thursday.''
''Thursday Prof.? Anong araw na ngayon tuesday tas ieexpect mo na magiging maganda lahat yun ? Pero sige bahala na Professor Tres.'' Pabalik na sinabi ko kay Professor Tres.
''Kapag nagandahan ka Professor Tres hindi mo na kami bibigyan ng tres na grades ha.Thank you Sir Tres! '' Pabirong sabi ni James kay Professor Tres.
''Baka nga uno pa ang ibigay ko sa inyo.At dahil sa thursday na ang rehearsal,excuse muna kayo sa classes ko hanggang rehearsal.Magpractice kayo ng mabuti.'' Magandang balita ni Professor Tres.
Habang nagiisip isip at naglalakad nakaisip na ko ng aming kakantahin para sa event.
''Guys kantahin nalang natin yung kinanta ng Callalily na magbalik ha ? Kailangan ko narin umalis para makapagensayo.Aralin niyo ang piyesa niyo ha.Ikaw Jared ikaw ang magsisilbing pampagana ng banda,Ikaw ang hahawak ng Drum Stick.Ikaw naman James ikaw ang magbabass guitar at ako naman magiging vocalist kagaya ng dating line up natin.''
''Diba kailangan kakaiba din ? Pagnapractice na natin yan magsalpak tayo ng kakaiba para pumatok naman sa marami.'' Sabi ni Jared sa akin pagkatapos ko magsalita.
''Okay sige mauna na ko sa inyo.''
Naglalakad lakad ako at iniisip ko ang bawat nota ng kantang binibigkas ko.
Habang may nakita akong isang babae na nakaupo at nakasuot ng headset ngunit isang pares lang tila nakasuot sa kanyang mga tenga.
Napansin ko din na tila may binabasa siya sa kanyang hawak na cellphone.
''Teka teka siya ba si Justine ? Justine De Guzman? Yung sikat na sikat sa campus ? Ugh. Totoo nga napakaganda niya sa personal pero mas maganda padin si Jinx hahaha ano paba ieexpect mo syempre sa panaginip lahat maganda.Woah.Hahahahahaha.''
BINABASA MO ANG
Finding The Girl In My Lucid Dreams
Jugendliteratur"It might take a year,It might take a day,It might take forever, but what's meant to be will always find it's way. Kaya hahanapin kita Ms.Jinx Park!" -Dean Elijah Sebastian. Siya si Dean. Dean Elijah Sebastian. Isang mag-aaral na may simpleng pamumu...