Paula's POV
Hi ako nga pala si Paula Noreen Agustin, isa akong college student sa University of the East.Ako ay simpleng babae na maraming pangarap sa buhay.
Nais kong iangat sa hirap ang mga mahal ko sa buhay.
Nais kong matuldukan ang lahat ng problema sa aming pamilya.
Nais ko bigyan ng solusyon ang lahat ng aking problema.
Nais ko din makatagpo ng mga kaibigang poprotektahan ako sa panganib.
Nais kong makatagpo ng magtatanggol sa mga mambubully sa akin.
Iba kasi ako sa karaniwang babae.
I tend to be alone kasi mas gusto ko talaga mapag isa lalo't na hindi ko kaibigan yung kasama ko.
Mas gusto ko ding humawak ng cellphone kesa makipag usap sa kanila.
Mas gusto ko mag solve ng math kesa pag aralan ang history ng Philippines.
Sa tingin ko kapag ginagawa ko yun nakakalimutan ko na nasa realidad ako.
Nililibang ko ang aking sarili para makawala panandalian sa realidad.
Gumawa rin ako ng account sa social media kung saan walang makakakilala sa akin para makapaglabas ako ng sama ng loob.
Jinx Park ang aking pangalan doon.
Sa tuwing iiyak ako eh doon nalang ako maglalabas ng sama ng loob.
Blanko ang akong profile picture dahil ayokong may makapansin sa akin.
Pero bukod pa doon may isa pa akong madalas ginagawa para makatakas sa realidad.
Yun ay ang pagpikit ng aking mata at pumasok sa mundo ng panaginip.
Kapag nananaginip ako wala akong iniintindi sa realidad ko.
Nagfofocus ako sa mga masasayang bagay na nangyayari sakin.
Lahat ng luhang pumapatak sa mga mata ko pag nasa realidad ako napapalitan naman ng tuwa't saya sa mundo ng panaginip.
Speaking of panaginip....
Naipikit ko ang aking mata sa klase dahil ang tagal dumating ni Professor Juan T (T stands for tamad,Juan Tamad kasi tamad magbigay ng uno sa grades kahit deserving yung estudyante.)
Nagising ako sa mundo ng panaginip at may nakita akong isang lalaki na may kasamang kaibigan.
Hindi ko marinig ang kanilang pinaguusapan basta ang alam ko ay may pinagtatalunan silang bagay.
Napatingin ako sa lalaking iyon at hindi maalis sa mukha ko ang ngiti.
Nakatingin lang ako sa kanyang mukha hanggang napansin niya rin ako.
Nakita ko sa kanyang mukha na tila hindi makapaniwala at napanganga sa sobrang ganda ko hahaha biro lang.
Agad agad tinaas ng kasama niya iyon para hindi nakakahiya.
BINABASA MO ANG
Finding The Girl In My Lucid Dreams
Teen Fiction"It might take a year,It might take a day,It might take forever, but what's meant to be will always find it's way. Kaya hahanapin kita Ms.Jinx Park!" -Dean Elijah Sebastian. Siya si Dean. Dean Elijah Sebastian. Isang mag-aaral na may simpleng pamumu...