Eto na sinakto ko na 10:00 PM ang pag publish ng Chapter 11. Enjoy Readings guys :)
Lumipas ang gabi at naantala ang kanilang kalungkutan bagkos napalitan ito ng masasayang pangyayari.Gumigising sila ng may kalakip na kasiyahan.
Sila ay naguusap usap tungkol sa gusto nilang mangyari pag dumating na ang panahon.Marami silang plano sa darating na panahon pero sa susunod na kabanata ay malalaman natin kung mapagtatagumpayan nila iyon.
Alam rin nating maraming hadlang sa mga pangarap natin at tayo mismo ang gumagawa ng paraan para lusutan o resulbahan lahat ng iyon.
Dean's POV
Ngayong gabi na pala magpeperform ang aming banda na "One Of The Girls" kung saan nagpeperform ang mga iniidolo naming banda.
Isang lugar kung saan nakatungtong at nakatapak ang mga paa ng mga sikat na tao sa mundo.
May section ang kada upuan at may mga tickets din dito.
VIP,Gen Ad,Lower Box,Upper Box at Diamond.
Marami ang nageexpect noong mga panahong yun na maganda ang iprepresent namin na performance.
At sa hindi inaasahang pag kakataon...
Ako ay nagising.
''Ang saya nangangarap nanaman ako hahaha.''
Pagkamulat ng aking mga mata ay iyan agad ang lumabas sa aking bibig.
Humikab ako at kinusot ko ang aking mga mata.Pagkalipas ng ilang minuto ay tumayo na ako.
Pero kung dati naiinis ako kapag may nauudlot na pangyayari sa panaginip ko, ngayon thankful ako kasi kahit isa lang ang nahatak ko sa panaginip ko papuntang realidad at yun si Jinx.
''Ay pambihira wala manlang gumising sakin sa pagudlot ng panaginip ko.
Yung alarm clock?
Sigaw ni Inay?Tiktilaok ng manok?
Ay wait rehearsal pala namin mamaya para sa gaganaping event mamaya din.''Kailangan na ni Dean mag madali upang makapag ensayo na para sa gagawing event mamaya.
Syempre excited silang lahat dahil manonood ang mga magagandang binibini na kanilang napupusuan.
Papasok si Dean sa Unibersidad na pinapasukan niya at papunta ito sa kanyang banda.
''Nako bro ang tagal mo naman.Ineexpect namin kayo na dumating ng umaga tas ganyan.'' Padabog na sinabi ni James sa akin.
''Kayo? Ha? Asan na si Justine?'' Sabi ko sa kanila na tila nagtataka.
''Mukha ba kaming hanapan ng nawawalang Justine?'' Sabi naman ni James.''Speaking of Justine bro......'' Hirit ni Jared.
Palakad si Justine na tila nagmamadali.
''Im sorry guys please forgive me for being late.'' Sabi ni Justine.
''Forgiven.Late narin naman na ako.So guys let's start.''
''Teka wala pa nga tayong kakantahin.Ano nga ba kakantahin natin Dean for tonight?''
''Aha! May naisip na ako! Tonight ang kakantahin natin by FM Static.''
''Osige Dean and Justine magpractice na kayo diyan,Kami naman ni Jared ipagbleblend na namin yung tutugtugin namin mamaya.''
BINABASA MO ANG
Finding The Girl In My Lucid Dreams
Novela Juvenil"It might take a year,It might take a day,It might take forever, but what's meant to be will always find it's way. Kaya hahanapin kita Ms.Jinx Park!" -Dean Elijah Sebastian. Siya si Dean. Dean Elijah Sebastian. Isang mag-aaral na may simpleng pamumu...