Darkness Two: Sir Dylan

53K 2.1K 387
                                    


Dedicated to mirazy21

~~~~~•~~~~~


"Haaaaaaayy such a tiring day" sabi ni Lay habang naguunat
"Yeah right, ang sakit sa ulo" reklamo ko
"Hindi lang sa ulo, pati sa kamay!"

Kakagaling lang kasi namin sa faculty office para maipasa ang mga dapat ipasa, kasalukuyan na kaming naglalakad papuntang parking lot para makauwi na.
Ang sakit ng ulo ko dahil sa mga subjects na yon lalo na ang math na sinabayan pa ng science. Juice colored!

"Summer, hindi ka ba nagtataka sa ikinilos ni West kanina? Ang weird nya" panimula ni Lay habang nagdadrive ako paalis sa school
"Masyado lang sigurong nagmamadali, emergency nga daw diba?" Tugon ko

"Family emergency? Eh never nga nagpakilala ng pamilya sa atin yun eh. Remember, tuwing nagpupunta tayo sa kanila walang ibang tao. Parang ikaw yun, ang laki ng bahay wala namang laman"

Sandali akong napatahimik dahil sa mga huling sinabi nya. She's right, ang laki ng bahay ko, marami akong pera, sikat ako... pero magisa lang ako. I mean, not literally but emotionally I really feel alone. It felt empty, parang laging may kulang sa akin. Maybe it is my parents? Sila naman kasi, sana manlang nagpakilala sila sa akin bago sila mawala. *sigh*

"Hey Summer. Na offend ba kita? I'm sorry, I didn't mean it"
"No no I'm okay, your just over thinking" sabi ko ng nakangiti "Back to the topic, baka naman may dumating na kamag anak si West? Diba sabi nya nasa ibang bansa yung parents nya?" Natatandaan ko nung tinanong ko sya noon kung bakot sya magisa, ang sabi nya pa nga 'Nasa ibang bansa sila, sa Far Far Away!' He saod that with disgust written all over his face. Far Far Away talaga noh? Shrek lang?

"Well maybe, pero bakit ganon yung expression nya kanina? Parang may sinabi yung nasa kabilang linya na kahindik hindik!"
"Kahindik hindik? What a word! Alam mo, OA ka lang talaga"

"Hmph! Just saying! Malay mo ex girl pala ni West yung tumawag, then sabi ni girl buntis sya at si West ang ama? My gosh! Kawawa naman si West! Magiging batang ama sya, tapos aalilain sya ni girl, tapos mamaltratuhin sya, tapos isasalvage sya sa sarili nyang bahay! Tapos---"

"Lay! Ano ba? Ang lawak ng imagination mo. Don't worry, never pang nagka girlfriend yang West mo" i said giving emphasis to the word 'mo' . Yan kasing babaeng yan ay matagal ng may lihim kay West, lihim na pagnanasa! Haha

"Ihhhhh Summer naman!"
"Tama na ngang kaartehan! Ayan ng bahay mo oh, layas na"
"Oo na lang, tse!" Sabi nya na may kasama pang roll eyes

Pagkasarang pagkasara nya ay pinaharurot ko na agad ang kotse leaving her there full of smokes, I wonder kung anong litanya nya sa akin bukas. I'm sure galit na galit yun sa pagpapaligo ko sa kanya ng usok.xD

After just 5 minutes ay narating ko na agad ang bahay, me and Lay is on the same village lang kaya malapit talaga ang bahay namin.

"Manang Lillia, I'm home!" Sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ko

I was on my way going up stairs pero may narinig akong mga boses ng lalaki sa kitchen kaya doon ako dumiretso. Dahan dahan pa ang lakad ko para hindi nila ako marinig. My gosh, paano pala kung magnanakaw ito at itinali nila si manang sa kitchen? Oh my! What to do? Baka patayin nila kami or worst, baka rape-in ako! Nanlaki ang mata ko on the thought of it, my oh-so-gorgeous body! Kaagad ko namang nasampal ng mahina ang pisngi ko dahil sa mga pinagiisip ko. Ang OA ko, nahahawa na yata ako kay Lay. Imagine, sa higpit ng security ng village na to may makakapasok pa? Plus the security system of my house, bago pa may makapasok I'm really sure na maaalarm na ang mga kapit bahay. OA lang talaga ako.

Facing Darkness | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon