Darkness Nine: Real Power

46.8K 1.8K 494
                                    

Dedicated to SaphireFlame27

~•~×~•~×~•~×~•~×~•~


"Si Lay, West. Kinuha nila si Lay"

Hindi ko malaman kung anong gagawin ko nang sabihin nya ang mga yan, ibinigay nya pa yung picture na tinitingnan nya kanina kaya mas lalong nablangko ang utak ko. It was a picture of Lay, sitting at one corner covered with blood. Hindi masyadong kita ang mukha nya dahil naka tungo sya pero sigurado akong sya yun, yung uniform nya kasi na suot, sira sira man yun at maraming mantsa ng dugo sigurado parin akong uniform yun ng school ni Summer. Dinukot nila si Lay. Anong gagawin ko?

"Patingin" nabalik ako sa kasalukuyan ng tapikin ako ni Aeon sa balikat at hingin itong picture, ibinigay ko naman yon.

Nagpunta kaming apat sa living room at doon nagisip ng dapat gawin.
Katabi ko si Summer na sa kabutihan palad ay tumahan na, si Aeon naman ay nakatingin parin doon sa picture habang si Night ay hawak yung papel na hawak ni Summer kanina.

"Odin Woods, 12 midnight"-night
"Odin Woods?" Gulat na tanong ko
"Ito siguro yung lugar kung saan ikinulong yung Lay, alam nyo ba ito?"-night
"Sa Edulas yan, tama ba West?"-aeon
"O-oo, pero kung nanjan nga si Lay--"

Hindi ko maituloy yung sasabihin ko dahil binalot nanaman ako ng sobrang takot, takot para sa aming apat lalo na kay Lay. Kung nandoon nga talaga sya sa Odin, sobrang delikado.

"Ano?"-summer
"Delikado. Ang Odin Woods ang pinakakinatatakutang lugar ng mga taga Edulas. Kung dito sa Sky, Underworld ang kalaban nyo, kami sa Edulas mga taga Odin ang kalaban namin" napabuntung hininga ako pagkasabi ko nun, Odin Woods ang pinakahuling lugar na naiisip kong puntahan. Kahit yata wala na akong mapuntahang iba hindi parin ako maliligaw doon. Sa Edulas kasi, kahit na hindi kami magkaintindihan ng mga taga Odin ay hindi naman nagkakaroon ng digmaang kagaya dito sa Sky. Kaya hangga't hindi nagpapakialaman ang magkabilang panig ay hindi magkakaroon ng gulo.

"Ang lugar na yun kasi ay pinamamahayan ng mga masasamang nilalang, sa kabutihang palad ay nagagawa naman ng Hari namin na kontrolin sila kahit papaano" kaya nga nagtataka ako kung bakit nila kukunin si Lay, para saan? "Karamihan ng mga nakatira doon ay Bamipira at Wolves" ang lahi nila ang pinakadelikado sa lahat, nangangain kasi sila. Nakakatakot.

"Kung ganon dapat na nating iligtas si Lay! Kita nyo naman yung itsura nya jan sa picture diba? Baka patayin sya"-summer
"Di mo ba narinig yung sinabi ni West? Delikado. Hindi tayo pupunta"-aeon
"What? Anong gusto mong gawin ko? Tumanga habang ganyan ang lagay ng BESTFRIEND ko?! Nagpapataw ka ba?" Galit na sigaw ni Summer
"Sasabihin ko kay Papa ang nagyari, sila ng bahala" mahinahong saad ni Aeon

"I think that's not a good idea" night na nakatitig parin dun sa papel "May kasunod pang nakasulat, Huwag kang magkamaling magsama ng iba Sylvan, yun ay kung guato mo pang makita na buhay ang kaibigan mo."

"Kung ganon pupunta ako, ako lang"-summer
"Sasama ako" imik ni Night
"A-ako din" sabat ko
"What?! Hindi pwede! It's obvious na gusto lang nila na makuha si Summer, hindi natin sya pwedeng ibigay!"-aeon

"Sino bang may sabi na ibibigay natin sya? Kukunin lang natin yung kaibigan nila then babalik na tayo"-night
"You actually think na ibibigay nila sa atin yung Lay ng ganon nalang kadali?"-aeon
"Of course not. I've got a plan" ngumiti ng kakaiba si Night kaya tumindig ang mga balahibo ko "We'll kill them all" Hindi maganda ito

— — — — —

Aeon's POV

"Gets mo na ba Summer?"-west
"Oo" simpleng sagot ni Summer

Facing Darkness | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon