Darkness Thirty Four: Godly Blood

20.9K 855 275
                                    

Flashback

"Summer." Someone called, isang napaka gandang boses, sa sobrang ganda nito ay para bang anumang sabihin nya ay gagawin ko.

Nagdilat ako ng mata, only to found myself sitting on a wooden bench. Seriously? Nakatulog ako ng nakaupo?

"Hindi ka nakatulog, Summer, you just died."

Napabaling ako sa gilid ko, only to see a gorgeous blonde guy with blue piercing eyes na nakatingin sakin. His eyes were just so beautiful and hypnotizing. But what caught my attention was his words.

"I died?" Di makapaniwalang tanong ko
"Yes. The man you fought earlier has extreme level of poison, but you withstand it using your own. The problem is, kapag nasobrahan ka ng gamit sa lason, maaapektuhan maging ang sarili mong katawan. Oo nalabanan mo ang lason nya, pero hindi yun nagtagal kaya ng lisanin ng sin of wrath ang katawan mo, nagumpisa ka ng maapektuhan, at mabilisang namatay."

Oo nga pala, ang Katana ni Akame. One tiny cut and the poison spreads to your heart and kills you instantly. It's also said that there's no antidote for the poison. The worst thing is that also affects its owner. So ganito pala katindi ang affect na sinasabi? Kamatayan agad?

"I can't die."
"But you are already."

Sinamaan ko sya ng tingin. Paano na sina Lay? Si Papa? Ang Sky? Hindi ito ang nasa isip kong katapusan.

"So ano ka? Anghel?" Sarkastikong sabi ko
"No dear. Wala naman akong pakpak." Iniharap pa nya sa akin bahagya ang likod nya. "See?"

"You know what? Dapat sa mga oras na to, nasa Acheron River ka na, traveling with Charon papuntang Underworld to meet Hades, the one who'll decide where you'll go. You see, ang Underworld na tinutukoy ko ay yung pinupuntahan ng namamatay, hindi yung kalaban nyong kaharian." Bahagya syang natawa rito. "But I can't let you die, not now."

Tumayo sya at naglakad na sinundan ko naman, sandali lang ay narating namin ang isang puting kama, and there lies a man. Kamukha sya ng kasama ko ngayon.

"Let me introduce myself Summer, I am Morpheus, the God of dreams. And that is my brother Hypnos, the God of sleep." Lumapit sya sa akin at tiningnan ako ng seryoso. "I know what you need, ibibigay ko yon sayo, ibabalik ko rin maging ang buhay mo ... Sa isang kondisyon."

Morpheus? Hypnos? Greek Gods sila diba? Then it means, maibibigay nya nga ang kailangan ko. Ichor.

"Anong kailangan mo?"
"Gisingin mo sya." Turo nya kay Hypnos
"Yun lang?"
"Di yon ganon kadali. He was cursed in an eternal slumber, I found a way to break it. Pero isang mortal lang ang makagagawa nito, will you accept it?"
"Kung yan ba ang paraan para mabuhay ako, why not?"

This is a do or die situation. Wala na akong ibang choice, I must return.

"If that's the case. I will make you sleep and enter his dreams, habang nandon ka convince him to wake up. I just want to remind you that if you fail, you'll stay in his dreams forever."
"Kaya ko." I said to convince him, or more like to convince myself.

Ngumiti sya sa akin ng payak bago hawakan ang ulo ko, matapos non ay nawalan na ako ng malay at nakatulog.

End of Flashback

- - -

Hindi ko na maalala pa ang nangyari pagkatapos non, basta paggising ko mukha na ni Aeon ang tumambad sakin. Pilitin ko man hindi ko talaga maalala kung nagawa ko bang gisingin si Hypnos, pero ... buhay naman ako kaya, sa tingin ko oo? Kung hindi, bakit ako nandito dala ang Ichor diba?

"I just want to say. Be careful, the Fates has a thing on you, they want you out of the game. Nababahala sila sa pagiging Soul Stealer mo, may mga bagay ka kasing nagugulo. Just be careful, ito na ang ikalawang buhay mo, and I'm sorry dahil hindi yan magtatagal."

Facing Darkness | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon