Darkness Seven: Ganda Problems

39.9K 1.8K 436
                                    


Dedicated to coolet_13

~•~•~•~•~•~




Papasok na ako. Yeah, I'm so excited! Ano kayang pinagaaralan nila dito? Waaaaahhhhh! Bakit ba ang tagal mag seven? All dress na ako eh, nakakain na rin... well medyo. Kasi cup noodles lang kinain ko, hindi ako sanay magluto! Medyo nagulat pa nga ako kasi kagabi pagka uwi ko ay may laman ng sandamakmak na damit yung walk-in closet ko, kumpleto mula uniform hanggang pangbahay. Pati yung kitchen ko ay kumpleto rin ng laman, kung gugustuhin mo ay makakapag luto ka na ng maraming putahe. Kaya lang ang problema, hindi ako sanay magluto. Kawawa naman ako. Kaya nga mamaya sasabihin ko kay West na makikikain nalang ako lagi sa kanya, alangang puro ako cup noodles. Oh kaya kung masipag sya ay punta sya rito at ipagluto nya ako, ginawang chef.haha Masarap kasi talaga magluto yung nilalang na yun.

Maganda rin yung uniform dito, long sleeves na white na may black na vest, black palda na above the knee then isang black shoes na may mababang heels.

*toktoktok

"Finally!" I said as i get into the door

Sabi kasi ni West sabay sabay daw kaming papasok na apat, kakatok nalang daw sya sa akin.

"West buti nama--- oh, Night?" Yeah si Night, Sya yung kumatok.
"Ahh ano, pinatawag ni Headmaster si Aeon, tapos si West nauna na sa class room natin" alangang sabi nya
"At?"
"Wala akong kasabay papunta sa room... tapos naisip ko baka hindi mo alam yung papunta doon kaya... kaya pinuntahan kita para sumabay sa akin" explain nya
"So, gusto mo akong kasabay?"
"Oo, ay hindi! Naisip ko lang baka maligaw ka tapos malate ka, ako pa masisi. Tara na" tumalikod na sya at naglakad

Pasimple pa sya, gusto nya lang ako kasabay eh! Hihi grabe, ang gondo ko tologo!
Sumunod na rin ako sa kanya at sumabay sa paglalakad, patingin tingin pa nga ako sa kanya habang sya ay umiiwas naman. Bakit naman kaya nya naisip na maliligaw ako? Eh halos katabi lang naman ng building ng mga dorm yung building ng mga classroom. Di ko tuloy maiwasang mapangiti tuwing naiisip ko na gusto nya akong kasabay, ayy grabe kung kiligin Summer, elementary lang?

Sumakay na kami ng elevator at bumaba ng first floor, then deretso na sa kabilang building. Patuloy lang ako sa pagpapantasya sa Night ko, oo Night KO kasi akin sya sa isip ko haha, ng may madanggil akong babae.

"Ouch / Aray" sabay na sabi namin nung babae, nagkabangga kasi kami ng balikat

"Ayos ka lang, Summer?" Agad na tanong ni Night
"Yeah"

"So you're Summer? Yung anak ni Headmaster Dylan?" Taas kilay na sabi nung babae... na mukhang espasol. Dapat ko pa bang iexplain kung bakit espasol? Well, hindi naman sya pangit, may mukha naman. Napasobra lang talaga sya sa make-up, lalo na sa foundation. Tempura haha.

Tumango nalang ako bilang tugon. Napa singhap pa sya na parang hindi makapaniwala.

"I can't believe na nakapasok ka sa Elite Circle, knowing na ngayon ka palang nakarating sa Mundo namin. Do you even know how to use magic?" May paturo turo pang sabi nya

Napaatras ako dahil doon. Yuck kaya yung nails nya, ang haba tapos kulay violet pa. What if matusok ako? Sensitive kaya ang skin ko.

"Lia, stop it."-night

"Why? Bakit ako hihinto if I'm telling the truth? Hindi sya dapat sa Elite Circle, she's not good enough for it!" Sigaw nung Lia

Facing Darkness | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon