Darkness Thirty: Traitor

24.4K 983 272
                                    


"Anong mukha yan?"-lay
"Mukha ng Dyosa! Hahah"
"Saya mo eh no?"

Napangiti nalang ako, obvious ba masyado na masaya ako? Ihhhhhhh~ kenekeleg peren eke! Waaaaaaaahhh! And I can't take this feeling anymore~! Yaahh kailangan kong ilabas yung kilig ko, baka kung saan pa lumabas to.

"Kyaaaaaaaahhhhh! Kasi naman Lay! Waaaaaaaahhhh!"
"Nangyari sayo? Adik ka ba?"
"Kagabi kasi Lay …"

At ikinwento ko sa kanya lahat ng nangyari kagabi, as in lahat! Hihi

"A-ahh, so kayo na?"
"Hmm I don't know. But one thing's for sure, we're feeling the same way." I said dreamingly
"Same nga ba? Baka naman one sided lang?"
"Ano ba! Asar to, kontrabida mode lang? Parang dati, kapag nagkukwento ako tungkol samin ni Night, mas nauuna ka pang kiligin."

Nagkibit balikat lang sya bago naunang lumabas ng kwarto. Seriously. Anong nangyayari kay Lay? She's acting weird simula pa nung magpunta kami dito. Sobrang tahimik nya, at seryoso, parang ang lalim ng iniisip nya, parang ang daming laman ng isip nya. Malayong malayo sa Lay na kilala ko, madalang na nga syang nakasabay sa kalokohan ko eh.

Kaysa mamatay sa kaiisip ay isinantabi ko nalang yon at muling inalala yung nangyari kagabi. Yieeeeeehh. Me is so kilig!

Makalabas na nga rin ng makita ko na si Night my labs! Magpupunta daw kami sa morgue kasama si Radii, may ipapakita daw kasi sya samin. Then pupunta kami sa pamilya ng mga biktima para magtanong tanong.

Malakas kasi ang kutob ko, palagay ko sya ang kalaban namin ngayon.

"Summer"

Paglabas ko palang ng kwarto ay nandoon na si Night, nakangiti habang nakatingin sa akin. Nakasandal sya sa pader at super gwapo nya as always sa suot nyang pangwinter.

"H-hi" nakangiting sabi ko
"Tara? Naghihintay na sila sa labas."
"Sige"

Shems. Yung chan ko, hindi lang yata butterfly ang laman, buong jungle na yata, sinama pa si Tarzan!

Paglabas namin ay deretso na kami sa morgue. Ayoko nga sanang sumama kasi, you know, puro deds ang nandon. Kaya lang baka sabihin naman nila, ang arte arte ko, hindi nalang siguro ako titingin.

"I want you to look at this."-radii

Kakasabi lang na hindi titingin, pinapatingin naman. Life nga naman, parang buhay.

"This is a dead body. But the weird thing is, may maliit na enerhiya paring nanggagaling dito."-radii

Sinubukan kong pakiramdaman ang paligid at may nasesense nga akong kakaunting enerhiya na nanggagaling sa katawan.

"Impossible. Patay na sya, wala na dapat ang kapangyarihan nya."-west
"Yan mismo ang ipinagtataka ko."-radii

Naglakad ako palapit sa bangkay at hinawakan ang mukha nya gamit ang dalawang daliri ko, malamig sya, patay na talaga.

"Gaano katagal na syang patay?"
"Pitong araw na ngayon."-radii

Napakunot ang noo ko at itinapat ang palad ko sa gawi ng puso nya, sa parte kung saan ko pinaka nararamdaman ang kakaunting enerhiya na natitira sa katawan nya.

Napasmirk ako ng may maalala. I knew it.

"Namamatay ang puso kasabay ng katawan sa normal na paraan. Pero kung kinuha ang kaluluwa ng katawan bago pa man ang pagkamatay, mananatiling buhay ang puso, ngunit hindi na ito titibok." Pansin ko ang pagkalito sa nga mata nila dahil sa sinabi ko
"Dahil ang puso … ay ang may pinakamalakas na mahika, gayunpaman ang kaluluwa ang syang pinagmumulan ng control sa lakas nito."
"Anong ibig mong sabihin?"-west
"Sa madaling salita, patay na katawan, plus nawawalang kaluluwa, plus buhay na puso, plus kapangyarihan, equals Zombie!"

Facing Darkness | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon