Darkness 26.2: Defeating War

24.5K 1.1K 105
                                    


"Sorry, I-I can't explain it, I just got this sudden lust to kill. I don't know what happened. I'm really sorry." He said
"It's okay, at least now I know kung anong pinaghuhugutan mo. Kuya pala kita" nakangiting sabi ko

Yeah right. At ngayon alam ko na rin na sa galit nga rin humuhugot ang kalaban, matitigil ang lahat ng to kung mawawala ang galit ng mga tao rito. Which is impossible, mahirap tanggalin ang galit na matagal ng kinimkim sa loob mo. Kay Renze nga lang nahirapan na ako, sa daan daang tao pa kaya? Ngayon, ang kailangan kong gawin ay hanapin ang may gawa nito … at mukhang alam ko na kung sino.

"Renze, anak ayos ka lang ba?" Nakita ko sa di kalayuan na paparating si Reema

Kaagad nitong niyakap ang anak.

"Ayos lang ako 'ma, salamat kay Summer" pagkatapos ay tiningnan nya ako at ngumiti
"Paano mo nagawa yon iha? Nakita naming naapektuhan na rin si Renze ng ilusyon ng kalaban. Paano mo nagawang ibalik sya sa katinuan?"-Shuu

"Ieexplain ko, pero bumalik na muna tayo sa kuta nyo"

Kailangan ko lang makasiguro na sya nga ang may gawa nito, malalaman ko yon kapag nakumpirma ko na kay Renze yung nakita nya ng gabi bago mangyari ang lahat ng ito.

“May ideya ka na sa nangyayari, hindi ba?”

Narinig ko ang boses ni Akane sa isip ko. Woah, pati ba silang mga spirit nababahala na rin sa mga ganap sa islang ito?

Oo, I just have to make sure of it. Pero kung tama ako, malaking problema ito.”
“Why is that? Natatakot ka ba sa kanya?”
“Of course not, sya dapat ang matakot sa akin”
Dapat lang. Ikaw ang may gawa nyan, solusyunan mo

After that ay wala na akong narinig na iba pa. She's right. I am the reason behind all of these, kaya ako rin ang aayos nito.

On our way back ay tinanong ko na kay Renze yung tungkol sa itim na bulalakaw daw na nakita nya.

"Ah oo, nakita ko lang yon mula sa bubong ng bahay namin, mahilig kasi akong mag star gazing. Akala ko normal na shooting star lang, pero nakita kong lumiko yon at bumagsak dito sa isla namin. Sinundan ko kaagad yung binagsakan non dahil sa curiosity, pero pagdating ko sa may taniman sa 15th street, sa eksaktong pinagbaksakan non,  wala naman akong nakitang kahit na ano kaya umuwi nalang ako" pagkwento nya

"Paano ka nakasiguro na doon talaga bumagsak yon?"
"Super speed, power ko"
"Super speed … gaano katagal bago ka nakarating doon?"
"Minuto lang"
"Ano ba yung eksaktong nakita mo? Mukha lang ba talagang shooting star?"
"Hindi kasi, paano ko ba ieexplain? Diba yung normal na bulalakaw gawa sa bato na nagaapoy? Pero yung nakita ko, parang …"

Natagalan pa sya ng konti bago sumagot na parang hindi sure sa sasabihin. lumapit sya sakin at bumulong.
"… parang dark energy, black smoke o shadow na nag gglitter?"

Dark energy, black smoke o shadow na nag gglitter? Sheeeeet! Confirmed! Sya nga ang kalaban!

"Aminin mo Summer, may alam ka na ba sa nangyayari?"-shuu

Pagkarating sa hide out ay tinanong kaagad yan sa akin ni Shuu

"Hindi pa ako sigurado" simpleng sagot ko
"Talaga?" Puno ng pagdududang tanong ni Shuu

"May itatanong ako sayo Shuu"
Nagtataka syang tumingin sa akin, kahit yung iba ay napapatingin na rin sa amin.

"Nung gabi bago mangyari ang lahat ng ito, nandoon ka ba sa taniman sa 15th street?"
"Anong sinasabi mo? Nasa bahay ako noon, sa 14th street"

Facing Darkness | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon