Darkness Twenty: Lost Students

27.6K 1.1K 268
                                    

Summer Diarnhey's POV

Mulat-mulat-pikit-mulat-pikit

Mulat-pikit-tulogpamore

Repeat after me …

Wait? Waaaaaaaahhhhh

Napabangon ako ng may maalala. Sheeeet! Naglaban nga pala kami ni Aeon. Anong nangyari? Nasaan na ako?

"Oyy Summer! Anong sinisigaw mo jan? Magpatulog ka nga!"

Napatingin ako sa gilid ko at natagpuan si Lay sa kabilang kama, ang dami nyang bandages sa katawan.

"Lay?"
"Sino pa ba?"-lay
"Bakit tayo nandito? Anyare sayo?"
"Duh? Tulog ka pa ba? Kakagaling lang natin sa Enchanted Forest at nandito tayo sa Healer's building"-lay
"Ikaw Summer? Anong nangyari sayo? Sinong nakalaban mo sa second round? Natapos ang laban namin bago magumpisa yung sayo eh"

Biglang bangon naman si West na nandoon sa kabilang gilid ni Lay. Wow huh? Lakas maka zombie ng pagbangon nya.

"Ako ang nakalaban nya"

May nagsalita nanaman at this time nasa harap na naming tatlo, bigla ring bumangon si Aeon mula sa pagkakahiga.

"Oh sinong nanalo? Kanino napunta ang itlog?"-lay
"Kay Aeon / Summer" sabay na sabi namin
"Ikaw ang panalo" sabay ulit namin
"Hindi ikaw" sabay nanaman
"Sino ba talagang nanalo? Gulo nyo ah"-west

"Tie sila" mula sa katabing higaan ni Aeon ay may bumangon nanamang tao, si Night

"Tie?!" Sabay na sigaw namin ni Aeon
"Oo, pinanood ko ang laban nyo. Ang bilis nga eh. At … kung hindi kayo pinigilan ni Headmaster, baka nagka patayan na kayo"-night

Woah. Nagkapatayan? Medyo ang hirap nga ng naging laban namin, ramdam ko parin hanggang ngayon yung pagod. At kawalan ng enerhiya.

"Paano yon? Edi walang makakakuha nung itlog?"-lay
"Sayang, gusto ko pa naman makuha yung itlog" bulong ko

"Hindi rin. Kailangan ng itlog ng tagapangalaga kaya siguradong mamimili sila sa ating dalawa" pahayag ni Aeon habang tumatayo
"Oh saan ka pupunta?"-west

"Uhh. Kay Headmaster lang, itatanong ko yung tungkol sa itlog. Kahit na sigurado naman na saakin yun mapupunta" mayabang na sabi nito at nagsimula ng maglakad papunta sa pinto
"In your dreams. Akin ang itlog!" Asar na sigaw ko sa kanya

Gusto ko talaga yung itlog na yun, gusto kong makakita ng newly born dragon, gusto kong magpalaki ng dragon, gusto kong sumakay sa dragon. Gustong gusto ko talaga yung itlog!

Tumingin pa muna sya ng masama sa akin bago tuluyang isara ng padabog ang pinto.

Bumalik nalang ako sa pagkakahiga ko dahil sobrang sakit ng katawan ko, feeling ko may pitong elepanteng nakapatong sa akin. Yung parang inapakan ka ng tatlong mammoth? Exag pero ganon. You won't know the feeling unless you experience it. Hanga nga ako kay Aeon at nagawa nya pang maglakad, pumapapak siguro ng sandamakmak na vitamins at galon galong energy drink yon.

"Buti nalang Vampire ako. Tingnan nyo oh, wala na yung mga sugat ko"-lay

Tinagilid ko ng konti ang ulo para tingnan sya. Tinatanggal na nya yung mga bandages nya at wala na nga ni konting bahid ng sugat.

"Pati mg bali ko, wala na"-lay
"Buti ka pa mabilis maka recover. Eh ako sariwang sariwa parin yung mga sugat na ginawa mo!"-west
"Ano ba kasing laban ang ginawa nyo at ganyan ang nangyari?"

Grabe kasi yung sugat ni West. Ang daming cuts at pasa, may cast sa kaliwang braso, may bandage na nakabalot sa ulo. Ganyan din ang itsura ni Lay kanina eh, parang konting ihip nalang ibuburol na.

Facing Darkness | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon