Darkness Twenty Four: Operation, Frost

27K 1.2K 456
                                    


"So paano? Susugod lang tayo bigla?"
"Oo, kung gusto mong mapaaga ang meet up nyo ni San Pedro"-west

San Pedro talaga? Di ba pwedeng si Lucifer? Lels. Pero may point sya don, napaka dami kasing bantay ang nagiikot sa napaka laking castle nila. Parang kahit sa bubong ka dumaan eh makikita ka.

"Seryoso kasi West!"
"Shhhhhhh!" Saway nilang lahat sa akin
"Ooops hehe"

Nagtatago nga pala kami sa mga bushes at sa harap lang namin ay may mga kawal kaya bawal ang maingay. Nakatago rin ang mga enerhiya namin para hindi kami maramdaman.

"May naisip ako, magdidisguise tayo" naka smirk na sabi ni Aeon "At a count of three, sabay sabay nating hilahin at patulugin yang mga pangit sa harap"

Naghanda akong sumugod gaya ng sinabi nya. Nga naman, kung naka disguise kami mas mabilis kaming makakapasok sa loob ng hindi napapansin ng iba. Buti't naka cloak ang mga kontrabidang to, mas hindi kami makikilala.

"Ready. Three!"

Pagkasigaw ni Aeon ay halos mabatukan ko na sya. Hindi ba sya nainform na bago ang three ay may two at one pa?! Pero wala rin akong nagawa kundi ang sumugod, takpan ang bibig ng kalaban, hilahin sya sa likod ng mga bushes at bigyan ng isang solid na mega punch sa mukha. Ayun, tulog.

Ang dali naman nun, ganda ko kasi. Ang tumutol isang malaking kulugo na tinubuan ng mukha. Oh, angal pa?

Tinanggal ko na yung cloak sa kalaban. Emeged! Now I know kung bakit sila naka cloak, parang gusto ko na tuloy ibalik itong cloak sa kanya. Ajuju. Isa syang malaking kulugo na tinubuan ng mukha at muscles. Yuck!

"Taena. Mukha ba yan? Buti pa yung semento makinis, mukha mo lubak" rinig kong bulong ni Lay
"Paano bro? Gusto mo palit kayo ng mukha nung bulldog sa kanto? Ay wag pala, lugi yung aso" bulong din ni West habang umiiling pa

Oh diba? Best friends talaga kaming tatlo, pati sa panlalait pareho.

"Tama na yang panlalait nyong tatlo, sa loob na tayo"-aeon
"Oy di ako kasama ah, silang dalawa lang yon!" Pagmamalinis ko. Haha
"Tlaga ba? Parang may narinig akong malaking kulugo na tinubuan ng mukha at muscles kanina"-aeon
"Ah-he-he" nailakas ko pala yung thoughts ko

"Hindi sila nanglalait Aeon, honest lang sila"-night

Emeged da second! Nag joke yata si Night? Ewan, di ko sure. Biruin mo sinabi nya yan ng may napaka seryosong mukha? Ahahahaha Di mawari kung seryoso ba o ano.

"Tara na" aya ni Flame

Isa pa tong seryoso, manang mana kay Night. O baka naman sya ang nawawalang kapatid ni Night? Haha eksdi

Habang naglalakad ay napansin kong parang nawala yung napaka raming bantay na nagiikot dito kanina. Anong meron.

"Nasaan yung mga bantay?"-aeon
"Baka natae, sabay sabay"-west
"RIP sa joke West" pambabara ko
"May naririnig ako sa loob, parang nagkakagulo"-lay
"Bilisan na natin!"-flame

Tatakbo na sana kami kaya lang …

"HOY!"

Emeged da third! Someone noticed us.

"Hoy kayong lima! Ano pang ginagawa nyo jan? Nagkakagulo na sa loob! Sumunod kayo sa amin!" Sigaw nya

Nagkakagulo daw? Imbis na magtanong ay sumunod kami sa kanila papunta daw doon sa 'gulo'. Tumakbo kami ng tumakbo sa napaka habang corridor, sa dami nga ng nilikuan eh feeling ko maliligaw ako dito kapag magisa lang ako. Nang buksan nung parang leader ng mga gwardya yung isang malaking pinto ay nanginig ang mga kalamanan ko.

Facing Darkness | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon