Darkness Ten: Can't

39.5K 1.5K 237
                                    


Dedicated to erikamarishclaveria

~•~×~•~×~•~×~•~×~•~


Naputol yata yung last chapter? I'm not sure po, ito yung kadugtong nung sigaw ni Vixius. Maikli lang naman yung nawala. Aeon's POV parin.

Nakita kong isinarado na ni Summer ng napaka diin ang kanyang nakatapat na palad kay Vixius. Matapos ay umalingawngaw ang higit na malakas nitong sigaw.

“AAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!”

Sinabayan iyon ng malakas na puting liwanag mula sa bibig at mata ng lalaki, matapos ay dilat syang bumagsak sa lupa. Pero ang kaibahan ay … walang itim ang mga mata nya. Sa tingin ko ay patay na sya.

(A/n: Alam nyo po yung itsura ng mga taong ineexorcise na sinaniban ng demonyo? Ganon po ang nangyari kay Vixius.)

Tiningnan ko si Summer na dahan dahang ibinaba ang kamay at lumingon sa gawi ko.

“Tapos na. Patay na sya”

Nakangiting bigkas nya, isang ngiting ngayon ko lang nakita sa kanya. Di sinasadyang natitigan ko ang mga mata nya na ang kulay ay purong itim at agad akong nakaramdam ng matinding takot … takot na sa buong buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman. At sa mga matang iyon … nakita ko ang kamatayan.

~×~•~×~•~×~•~×~•~×~•~×~•~

“ Darkness Ten ”

Summer Diarhney's POV


Nagmulat ako ng mga mata at napabangon kaagad sa hinihigaan ko.

“Aww” hinawakan ko ang ulo ko at napasabunot pa dito, my head hurts like hell. Tanda ko ganito rin yung pakiramdam ko kapag nalalasing ako ng sobra, pakiramdam ko isang drum ng beer ang natungga ko.

Inikot ko ang paningin sa buong kwarto ng mapansing hindi ito ang dorm ko, puro puti kasi ang kulay.
Wait... bakit ako nandito?

Sinubukan kong alalahanin ang mga huling nangyari . . .

Kidnapping …

Lay …

Vampires …

Wolves …

Vixius …

Oh shit! N-na-nakapatay ako?!

“Oh my gosh!” Napasigaw talaga ako ng bongga dahil sa mga naalala ko. I became ruthless. Oh no scratch that, I became a demon! Nakapatay ako ng bampira, pero ang tanong “Paano ko nagawa yon?”

“Summer! Gising ka na!” napaigtad pa ako ng marinig ko ang sigaw ni West sa pinto
“West”
“Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? May kailangan ka ba? May gusto kang ipakuha? Sabihin mo, kukuhanin ko para sa'yo.” aligagang sabi nya na nakaupo na sa kama at nakaharap sa akin

Pagkakitang pagkakita ko kay West ay naiyak na kaagad ako. I remembered myself killing Vixius, and I also remembered Vixius killing Lay in front of me. Tandang tanda ko kung paano nya binali ang leeg ng best friend ko, tandang tanda ko kung paano bumagsak ang walang buhay na katawan nya sa lupa. Tandang tanda ko lahat.

“Si Lay” kaagad kong dinamba ng yakap si West habang umiiyak “Waaaaahh! Pinatay nila si Lay! Huhuhuhu si Lay!!”

“Sandali Summer, tungkol jan--”
“Napakasasama nila! Pati si Lay pinatay nila!”
“Hindi Summer, makinig ka--”
“Ano nalang ang sasabihin natin sa parents ni Lay?! Na pinatay ng bampira ang anak nila? Hindi yun makatarungan!”
“Hindi nama--”
“Hindi sila maniniwala! Sasabihin nila baliw tayo, ipapakulong nila tayo dahil aakalain nilang tayo ang pumatay kay Lay. Or worse, dadalhin nila tayo sa mental!”
“Ganito kasi yu--”
“Waaaahhhh West ayokong mapu--” naputol na ang pagsasalita ko dahil sa isang taong nagsalita sa pinto

Facing Darkness | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon