TAM:Chapter 7

33 2 0
                                    

Chapter # 7

Habang tumatakbo sila cristel ay nahulog sa isang hukay si Arlene.

"Ahh! *tug* "sigaw ni arlene ng tuluyan ng mahulog sa butas.

Agad naman lumapit sila cristel at Ella sa hukay.

Napatakip sila ng bibig ng makita si Arlene na nakadilat at patay na dahil sa matutulis na kahoy na nakatusok sa iba't-ibang parte ng  kaniyang katawan.

"Oh God! "Tanging nabigkas ni Ella at naapaupo na sa lupa saka umiyak.

Hindi na kinaya ng dalaga ang lahat ng nangyayari. Lumapit sa kaniya si Cristel at lumuhod saka niyakap si Ella.

"Ano ng gagawin natin? "Umiiyak na tanong ni Ella habang yakap siya ni cristel na ngayon ay umiiyak narin.

"Tumahan ka na Ella. Kailangan na natin mahanap yung daan pabalik sa Kalsada. "Umiiyak nitong sabi.

Sabay silang tumayo saka tumakbo sa daang Hindi alam kung saan papunta.

Habang tumatakbo ay nakatapak si Cristel ng tali at hinila siya nito patiwarik.

"Ahh! "Sigaw ni cristel.

Nagulat naman si ella habang nakatulala kay cristel na nakabitin patiwarik.

"O-oh God! Cristel! "Kabadong abi niya.

"Ahh! Ella ! tulungan mo kong makababa!"Nagmamakaawang sabi ni Cristel.

'Hahaha' tawa ng isang taong papalapit sa kanila na may bitbit na palakol kaya't napatingin sila dun.

Nanlaki ang kanilang mata. Dahan-dahang umatras si Ella habang si Cristel ay nagsimula ng sumigaw at nagmakaawa kay Ella na tulungan siya nito.

"Ella! Please! Help me! Huwag mo kong iwan. "Umiiyak na sabi nito habang nakatiwarik.

Umiling si ella habang umiiyak saka tumakbo papalayo.

"ELLA! "Sigaw ni Cristel.

Natahimik siya at tahimik na umiiyak ng huminto yung mamatay tao at tumingin sa kaniya ng may nabubuong ngisi sa labi.

Nakakatakot ang mukha nito dahil sunog iyon. Pawang isang halimaw na ang nakikita niya dahil sa anyo nito.

Naglakad na paalis yung mamamatay tao upang sundan si ella.

Habang tumatakbo si Ella ay hindi niya namalayang may ugat ng puno sa kaniyang daraanan kaya't nadapa nito.

"Argh! "Daing niya.

Wala siyang tigil sa kakaiyak. Dahan-dahan siyang tumayo saka nagtago sa isang puno.

Nakalapad ang kaniyang likod sa puno habang patuloy sa pag-iyak.

Pagod na pagod na ang dalaga. Gusto na niyang matapos ito. Gusto niya pang mabuhay ngunit hindi niya hawak ang buhay niya ngayon.

Bumuntong-hininga siya saka dahan-dahan sumilip sa kaniyang pinagalingan upang tingnan kung nandoon ba ang halimaw na pumatay sa kaniyang mga kaibigan.

*tsk*

Nanlaki ang kaniyang mata ng makarinig ng tapak ng natuyong dahon mula sa kaniyang tabi.

Dahan-dahan niya itong tiningnan. Nanlaki ang kaniyang mata at sisigaw na dapat ngunit agad na tinaga ng lalaking iyon ang bibig nito.

Napangiti ang lalaki ng makitang patay na ang dalaga. Tinanggal niya ang palakol mula sa pagkabaon sa bibig ng dalaga at hinila ito pabalik sa kinaroroonan ni cristel.

The Axe MassacreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon