TAM:Chapter 2

59 2 0
                                    

Chapter # 2

[Liza's POV]

Nakabusangot ako habang nakaupo sa upuan ko.

Sino naman kasi matutuwa kung bigyan kayo ng teacher niyo ng isang project and worst kami lang bagsak sa kanya ang gagawa nun.

"So, what now? "Ela asked na nakaupo din sa upuan katabi ko.

Nandito kami ngayon a canteen together with mark, Marie, Carla, Trey, Sab, arlene at Cristel.

Most of them ay babae. How pathetic. Naiinis talaga ako sa Matanda na yun. How dare her na bigyan kami ng project na alam naman niyang hindi namin kayang gawin.

"According to Mrs. Samtiago. We will pass it at the end of the month. So, we only have 3 weeks and 5 days para gawin yun.  "Carla said.

"So what's the plan? Kailan tayo gagawa? "Bored na sabi ni Mark.

"Movie ang gagawin natin diba? "Ela asked.

"Ofcourse, Movie lang ang Pinakamadali no kesa sa Thesis.  "I said.

"Uhm I suggest if camping ang gagawin natin. "Ela said.

"Papanong camping yan aber? "Mataray na sabi ni Carla.

"Suggestion ko lang yun. hindi ko hinihingi ang opinyon ng malanding katulad mo. "Ella said saka umirap kay Carla.

"You bitch! "Akmang tatayo si carla at susugudin na si Ela ng pigilan siya ni Trey.

"Babe easy lang. Huwag masyadong High blood. "Pagpapakalma sa kanya ni trey.

"Pwede ba? Walang mangyayari kung mag-aaway kayo. " Cristel said kaya tumigil na sila.

Sino ba naman kasi di matatakot sa kanya ehh. Siya ang class president namin at the same time leader ng mga bully sa school pero mas matino naman siya kesa sa iba.

"Kelan natin to gagawin? "Arlene asked.

"Uhm tomorrow nalang total Friday ngayon and saturday bukas kaya walang pasok. "Marie said.

"Ako magdadala ng Cam Recorder. "Sabi ko.

"Wait Camping ang gagawin natin right? Saan tayo pupunta para magshooting. " Mark asked.

"Wag kayo mag-alala guys may alam akong lugar. "Ela said.

"So, it's settled. Camping ang gagawin nating movie. Si Ela bahala sa destination. Si liza sa Cam recorder at ako naman sa Van na sasakyan natin bukas. "Cristel said.

Tumango lang kami bilag pangsang-ayon sa kaniya.

"Tomorrow 8:00 am sharp magkita-kita tayo sa gate ng school bye! "Cristel said saka umalis na.

Hay! How i wish na sana matapos na ang project na to.

***

[Jameela's POV]

Uwian na.

Habang naglalakad sa hallway ay may tumawag sa'kin.

"Jameela! "She shout kaya napahinto ako at tumingin sa kanya.

Oh it's cristel ang class president namin. Bakit kaya niya ko tinawag?

"Ah bakit po"I asked.

"8:00 am tomorrow! Sa gate ng school gagawin na natin yung project! "She shout.

Tumango lang ako kaya umalis na siya at bumalik sa classroom namin.

Nagsimula na ulit akong maglakad ng may sumabay sa'kin.

"May project kayong gagawin bukas? "He asked.

Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya.

"Sama ko. "He said.

"Hindi pwede baka pagalitan ako ni cristel baka sabihin nagdagdag pa ako ng basurang isasama. "I said to him.

"Basura? Ako? Tss basta sasama ako bukas! Bye. "He said saka tumakbo na paalis.

Ako eto naiwan at naglalakd na papuntang gate ng school.

Ba't kasi ang layo ng school  building namin sa gate. Nakakapagod kayang maglakad.

***

Pagkauwi ko sa'min. Agad ko ng inimpake ang aking gamit na gagamitin para bukas.

Dinaminahan ko na para incase na magtagal kami dun.

Pagkatapos ay pumunta ako sa kusina upang magluto nang ulam.

Pumunta ako sa refrogerator ngunit napatagil ako sa nakita.

Ang picture namin nila papa at mama. Di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.

How i wish na sana bumalik ang dati na masaya pa kami at buong pamilya pero di na mangyayari yun.

Bakit kasi Bumalik ang sakit ni papa. Bakit kung kelan maayos na ang lahat saka nagka-ganito?

Lumaki akong walang kinikilalang ama.

Napatigil ako ng tumunog ang telepono kaya pumunta ako sa sala at sinagot ito.

"Hello? "I said habang pinupunasan ang luha ko.

"Kamusta ka na 'nak?  "Tanong ni tita na nasa ibang bansa.

"Okay lang naman po Tita. Kayo po kamusta na? "I asked.

"Teka umiyak ka ba? "Tanong niya.

"Ah hindi po sinisinok lang. "Sabi ko saka suminok kunwari.

"Ah ganun ba? Uminom ka ng maraming tubig anak ah? Sige ibaba ko na. Ingat always. I love you. "Sabi niya na ikinangiti ko.

"Sige po tita.  I love you.  Kayo rin po ingat palagi. "I said saka binaba na ang tawag.

Napabuntong-hininga ako saka pumunta na sa kusina para magluto ng kakaimin ko.

***

A/N: Vote and Comment.  :)




The Axe MassacreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon