Chapter # 6
Habang naglalakad ang natitirang kabataan sa gitna ng kadiliman ng kagubatan.
"Ayoko na dito! It's so creepy! "Naiiyak ng sabi ni Ella habang patuloy parin sila sa paglakad.
"Tahan na Ella. Walang magagawa ang kakaiyak mo Jan. "Sabi ni cristel at lumapit sa dalaga.
Napahinto muna sila sa pagkalakad at tumingin kay ella na ngayon ay tuluyan ng umiyak habang nakayakap kay cristel.
"Mabuti pa. Tumuloy na tayo baka maabutan pa tayo ng mamamatay tao na yun. "Sabi ni Mark na ikinatango ng dalawa.
Nagpatuloy na sila sa paglakad ng biglang natapakan ni Liza ang isang Bear trap na natatabunan ng mga dahon.
"Ahh! "Daing niya habang nakaupo at iniinda ang sakit.
Agad namang lumapit sa kaniya ang kaniyang mga kasamahan.
"Oh my God! Liza! "Sigaw ni Cristel at lumapit kay liza.
Lumapit narin ng iba sa kanya. Makikita sa mga mukha nito at pagkaawa sa dalaga.
"Please. Tanggalin niyo. "Nagmamakaawang sabi ni liza habang hawak ang binti nito.
Bumaon ang patalim ng bear trab sa kanyang binti.
Pinagtulungan itong tanggalin ni Mark at Alex habang sila cristel naman ay tahimik lang sa isang tabi.
Pagkatanggal nito ay agad inabot ni Cristel ang Damit niya mula sa kanyang bag.
Ginamit nila itong pantakip sa sugat ni liza. Tahimik na umiiyak si liza habang nakasandal sa puno.
"Tara na! Gusto ko ng makaalis sa lugar na to. "Naiinis na sabi Ni Ella.
"Pwede ba? Tumahimik ka. "Cold na sabi ni arlene sa kanya na ikinatahimik nito.
"Bubuhatin ko nalang siya. "Request ni mark saka binigay kay cristel yung flash light.
Umupo ito sa harapan ni liza. Saka ito binuhat.
"Tara na. "Sabi ni cristel saka sila nagsimulang muli maglakad.
Ilang saglit pa ay nakita nila ang isang bahay na gawa sa kahoy.
Pumunta sila doon at kumatok ngunit wala man lang nagbukas.
Hinawakan ni Alex ang Doorknob ng pinto at itinulak.
"Bukas naman pala. Tara na. "Ani nito saka hinila si Jameela papasok sa loob. Sumunod narin ang iba.
Huling pumasok ay si arlene at sinarado niya ang pinto.
Binaba muna ni mark si liza sa upuan sa kusina saka umupo katabi nito.
Sumunod naman sa kanila si Cristel at Ella upang tingnan kung mayroong makakain sa drawer.
Habang si Jameela at Alex ay tiningnan ang mga kuwarto.
Pumasok sila sa isang kuwarto kasunod si arlene.
Nilibot ni Jameela ang kaniyang paningin sa buong kuwarto ng may isang bagay ang napagtuunan niya ng pansin.
Isang study table. Lumapit siya doon at tiningnan ang picture na nakakabit sa desk.
Nanlaki ang mata niya ng picture nila yun. Picture nila ng kaniyang ama at ina.
'Paanong napunta to dito? 'Tanong niya sa kaniyang isipan.
Papalabas na sana sila ng pumasok sila Mark sa loob saka sinarado ang pinto.
"Anong meron? "Takang tanong ni trey.
"May taong paparating. Tumahimik lang kayo. "Ani ni Mark na ikinatahimik nila.
Pinaparamdaman lang nila ang paligid ng marinig nila ang pagbukas ng pinto at pagkaladkad ng anong mabigat na bagay.
"We need to hide. "Kinakabahang bulong ni Ella.
hinawakan ni Mark ang braso ni Cristel at pumunta sila sa cabinet upang magtago doon.
Sila Jameela naman at alex ay nagtago sa ilalim ng kama dahil may kalakihan din ito.
Pumunta sila Ella at Arlene sa isang cabinet na may kalakihan din at doon nagtago.
"Guys! What about me? "Kinakabahang sabi ni liza habang naka upo sa kama.
Hindi ito makalakad dahil sa sugat nito. Lalabas sana si Mark para tulungan ito ng may pumasok sa kuwarto.
"Ahh! "Sigaw ni Liza ng makita ang taong pumasok na yun.
Agad naman itong lumapit sa dalaga at sinakal.
"A-ahh! G-get your hands off me! "Sigaw ni liza saka nabitawan ang cam recorder sa kamay nito. Bumaksak ito sa sahig.
Nanlaki ang mata ni Liza ng hinugot ng taong iyon mula sa likod ang isang kutsilyo. Nabigla na lamang siya ng itarak ito ng taong iyon sa kanyang leeg.
"Ack! "
Sa ilalim naman ng kama ay tinakpan ni alex gamit ang kaniyang kamay ang bibig ni Jameela para hindi makasigaw ang dalaga.
Nanlaki ang mata ng dalaga ng makitang may tumutulong dugo sa sahig kasabay nito ang pagbagsak ng ulo ni liza na nakaharap sa kaniya na nakanganga.
Napapikit nalang ang dalaga at pinigilan ang mapasigaw dahil baka mahuli sila ng halimaw na may gawa nito kay liza.
Lumabas na ang taong yun habang hila-hila ang bangkay ni Liza.
Gusto ng maiyak ni Jameela dahil sa nakita. Sobra ang takot na kaniyang nadarama.
Nanatili lang sila sa kanilang pinatataguan. Pawang kabado ang lahat sa maaring mangyari sa kanila.
Tumingin si Jameela sa Cam recorder na nahulog ni Liza kanina dahan-dahan niyang kinuha iyon.
Nilabas niya ang kaniyang kamay upang maabot ang Camera ngunit nabigla siya ng biglang pumasok ang Isang tao sa kuwarto.
Nagulat at nanlaki ang mata ni Jameela dahil sa biglaang pagpasok ng taong pumatay kay liza.
Agad namang nakita ng taong yun ang nakalabas na kamay mula sa ilalim ng higaan kaya't agad niya itong hinawakan at hinila palabas.
"Ahh! "Sigaw ni Jameela habang hinihila siya ng taong yun.
Agad namang niyakap ni alex ng mahigpit si Jameela upang hindi niya ito tuluyang mahila.
Lumabas na sa cabinet si Mark at agad sumugod sa taong humihila kay jameela. Sinuntok niya ito kaya nabitawan nito ang kamay ng dalaga.
Lumabas narin sa kanilang pinagtataguan sila Ella, Arlene at Cristel.
"Takbo! Lumabas na kayo! "Sigaw ni Mark habang sinusuntok ang Mamatay taong iyon.
Agad naman silang tumakbo papalabas ng bahay.
Habang dahan-dahang lumabas si Jameela habang umiiyak sa ilalim ng kama. Kasunod nito si Alex.
Tumingin ang dalawa kila Mark at nabigla ang mga ito ng sinasakal nang taong iyon si mark at sinandal sa pader.
"A-ack! T-tumakbo na kayo! "Nahihirapang sabi nito sa dalawa.
"L-let's go! "Ani ni alex at hinawakan ang kamay ng dalaga saka hinila papalabas ng bahay.
"Ahh! "Rinig nilang sigaw ni Mark sa loob kaya nagsitakbo na sila para makalayo na sa lugar na iyon.
Hindi na nila alam kung nasaan sila cristel dahil nauna itong lumabas.
Takbo lang ng takbo ang dalawa upang makalayo sa lugar na iyon.
Ang tanging nasa isip lang ay makatakas sa taong iyon at makauwi ng buhay.
***
A/N: salamat po sa mga nagbabasa. Kamsahamnida. :)