TAM:Chapter 9

41 2 4
                                    

Chapter # 9

Kinuha ng dalaga ang kutsara na nasa gilid lang ng plato at sinimulan ng kainin ang pagkaing nakahain sa kaniya.

Pagkasubo niya ay agad siyang naduwal kaya dali siyang pumunta sa lababo upang isuka ang kaniyang nakain.

Napatigil naman ang mag-ama sa inakto ng dalaga.

"May problema ba? "Seryosong tanong ng kaniyang ama.

Kinabahan siya sa pagtanong nito dahil hindi niya alam ang isaagot.

"Wala yan Daddy baka naninibago lang sa pagkain. "Sabi ni mark.

". Mauna na po ako sa kuwarto. "Tanging nasabi ng dalaga saka nagtungo na papuntang kuwarto.

Pagkapasok niya ay agad niyang sinarado ang pinto.

Umupo siya at sumandal doon saka nagsimulang umiyak.

Hindi niya kayang mamuhay ng ganito. Hindi niya kayang kumain ng kapwa tao.

Ilang saglit pa ay nabuo ang isang plano sa kaniyang isipan. Tatakas siya sa poder ng kaniyang ama.

Kilangan niyang makaalis sa lugar na hindi siya nababagay.

***

Gabi na ngunit nanatiling gising ang dalaga. Naghantay pa siya ng ilang oras bago isagawa ang pagtakas.

Sisiguraduhin muna niyang tulog ang kaniyang ama at kuya upang hindi siya mahuli nito.

Makalipas ng ilang sandali ay sumilip muna sa pinto ang dalaga upang masigurong wala ang kaniyang ama at kuya sa labas ng silid.

Dahan-dahan siyang lumabas ng kuwarto st sinarado ang pinto.

Pumunta agad siya sa Front door at binuksan iyon saka lumabas.

Pagkalabas niya ay dali-dali siyang tumakbo papalayo sa lugar na iyon.

Habang tumatakbo ay siyang pagbuhos ng kaniyang luha.

Taimtim siyang nagdarasal habang tumatakbo na sana'y makatakas siya at makaligtas sa kamay ng kaniyang ama.

ilang sandali pa'y nahanap na niya ang kalsada kung kaya't dali-dali siyang pumunta doon.

Sobra ang pasasalamat niya ng makitang may kotseng padaan mula sa kinatatayuan niya.

Agad siyang humarang sa daan kasabay nito ang maingay na pagpreno ng sasakyan.

Napapikit nalang si Jameela dahil bka magtuloy-tuloy lang ang sasakyan. Ma hit and run pa siya.

Napadilat ang dalaga ng huminto ang kotse at lumabas doon ang dalawang lalaki at isang babae.

"Magpapakamatay ka ba ah?! "Bulyaw ni Keyton kay Jameela.

"Brad wag mo ngang sigawan yung babae. "Sabi ni Zein  at lumapit sa dalaga. "Okay ka lang ba miss? "Tanong nito.

Umiling ang dalaga bilang sagot. Maya pa'y bigla nalang itong nahimatay.

Dali naman siyang binuhat ni Zein at pinasok sa Kotse.

"Is she okay? Ano nangyari? "Nag-aalalang tanong ni Jean.

"I don't know. Nahimatay siya eh. "Sagot ni zein.

"Get in the  car. aalis na tayo."Utos ni Keyton saka pumasok sa driver seat.

Sumunod sa kaniya si Zein habang si Jean ay pumasok na rin sa kotse.

"So, what now? Anong gagawin natin sa babae? "Tanong ni Zein.

"Nothing. Pagkagising niya. Papaalisin ko na siya sa kotse ko. Bahala siyang umuwi mag-isa niya. "Seryosong sagot ni keyton.

The Axe MassacreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon