TAM:Chapter 10

50 2 1
                                    

Chapter # 10

Pagkarating nila sa Ayala Hotel ay bumaba na sila Jameela at Jean.

"Thanks for the ride. "Nakangiting sabi ni Jam kay keyton.

"It's okay. Bye"Sabi ni keyton at ngumiti pabalik sa dalaga.

"Don't worry Jam. Isusumbong namin sa Police yung nangyari. "Pahabol na sabi ni zein bago umalis yung kotse.

Natawa nalang ang dalawang dalaga.
Tumingin si Jean kay Jameela.

"Tara na? "Nakangiti nitong sabi.

"Sige. "Ngumiti si Jam at sabay na silang pumasok sa loob ng hotel.

Pagkapasok nila ay agad silang pumuntang elevator.

"Uhm pwede bang maki Sleep Over sa Condo mo? "Nakangiting sabi ni Jean sa dalaga.

"Haha okay tara. "Sabi ni Jam kasabay ng pagbukas ng elevator.

Lumabas na sila sa elevator at pumunta sa condo ni Jameela.

Pagkarating nila doon ay namangha si Jean sa sobrang organize ng mga gamit sa condo ni Jam.

"Wow Simple but beauty. Ang ganda ng condo mo Bess. "Natutuwang sabi ni Jean.

"Bess? "Tanong ni Jameela.

"Yep Bess. Mag Bestfriend na tayo simula ngayon ah? "Nakangiting sabi nito.

"Uhm gusto mo. Magluto tayo ng dinner. Tulungan mo ko. "Nakangiting sabi ni Jameela.

"Ay gusto ko yan. Tara na! "Ani ni Jean saka hinila si Jameela papuntang Kusina.

Sabay silang nagluto ng kanilang kakainin sa dinner. Masaya si Jameela sapagkat matapos ng lahat ng masamang mangyari sa kaniya ay nakahanap naman siya ng kaibigang magpapangiti sa kaniya.

Habang nagluluto ng dinner ang dalawang dalaga ay tiningnan ni Jam ang rice cooker upang tingnan kung may natira pang kanin ngunit wala na.

Napahawak ito sa kaniyang noo ng maalalang wala narin siyang stock ng bigas kaya no choice kundi ay bumili sa kalapit na tindahan.

"Ah Jean Bibili lang ako ng Bigas ah? Maiwan muna kita dito. "Pagpapaalam ni Jam sa dalaga.

"Okay Jam. Pakibilisan lang. Malapit na kasi itong maluto. "Sagot ni Jean saka ipinagpatuloy ang pagluluto.

"Okay ilolock ko yung pinto ah? "Sabi ni jam saka sinuot ang kaniyang tsinelas.

"Sige lang bess. "Sagot ni jean.

Lumabas na ng condo si jameela at sinarado ang pinto saka pumunta sa elavator. Pinindot niya ang button at naghintay saglit hanggang sa bumukas na ang metal door.

Pumasok siya doon at pinindot ang down button. Nakatingin lang ang dalaga sa papasaradong metal door ng elavator ng my mahagip ang kaniyang mata.

Isang taong nakangiti sa kaniya habang hawak ang palakol nito Nanlaki ng mata ng dalaga ng masilayan kung sino yun.

Napailing ang dalaga at humawak sa sintido nito saka pilit sinasabi sa sarili na hindi totoo ang kaniyang nakita.

'Namamalikmata ka lang Jam. Paano siya makakasunod dito eh tulog sila nung iniwan mo dun. ' bulong nito sa kaniyang sarili.

Bumuntong-hininga ang dalaga kasabay ng Pagbukas ng elavator. Lumabas na siya ng Hotel at pumunta sa kalapit na tindahan.

"Pabili nga po ng bigas. Alung yoleng. "Nakangiting sabi nito sa tindera.

"Ilang kilo ba nak? "Tanong nito sa dalaga.

"1 kilo lang po. Aling yoleng. Pang ngayong gabi lang. "Sagot ng dalaga.

Naghintay saglit si Jam ng ibigay na ng tindera ang bigas kasabay nito ang pagabot niya ng bayad sa tindera.

Bumalik na siya sa hotel ngunit napatigil ito ng makita ang pamilyar na van na nakapark sa harapan ng hotel.

Napakunot-noo ito saka ipinagpatuloy na ang paglalakad papasok sa hotel.

Pagkapasok ng hotel ay agad siyang pumunta sa kaniyang condo. Pagkarating niya sa pintuan ng kaniyang condo ay Kumatok ito ng tatlong beses.

"Bess? Pakibuksan naman. "Medyo may kalakasang sabi nito upang marinig ng kaibigan ngunit makalipas ng ilang sandali ay wala pa ring nagbubukas kaya kinuha niya ang susi mula sa kaniyang bulsa.

Pinasak niya ang susi sa doorknob at bubuksan sana ito ngunit ng oinihit niya ang door knob ay bumukas ang pinto na labis niyang ikinipagtaka dahil sinarado niya ito kanina bago umalis.

Pumasok siya sa loob ng condo saka sinarado ang pintuan.

"Jean?! Nasaan ka?! "Kinakabahan nitong sabi saka pumunta ng kusina.

Pagkarating niya doon ay wala ang kaibigan ngunit bukas pa ang kalan at kumukulo na ang nilulutong sinigang na baboy.

Pumunta siya doon saka pinatay na ang kalan at gasul. Kinuha niya ang sandok saka hinalo ang sabaw.

Napakunot-noo ito ng makitang may lumulutang sa sabaw. Sinandok niya ito.

Nanlaki ang kaniyang mata at nabitawan ang hawak na sandok ng makitang mata iyon ng tao.

Napahawak siya sa kaniyang bibig saka tumalikod na upang lumabas ng kusina ngunit bigla itong natisod sa kung anong bagay sa ilalim ng lamesa.

Napaupo siya sa sahig. Tiningnan niya ang kung anong bagay na nakatisod sa kaniya.

"J-Jean. "Paputol-putol nitong sabi ng makita ang kaibigan na nasa ilim ng lamesa.

Lalo pa tong nagulantang na patay na ito at patuloy na dumadaloy ang dugo sa kaniyang mata na ngayon ay wala na.

Napahawak siya sa kaniyang bibig saka tumayo na at tumakbo papuntang pintuan palabas ng condo.

Pagkabukas niya ng pinto ay nabigla siya ng nandoon si Mark at nakangisi sa kaniya.

"Dapat hindi ka na tumakas. Nagalit siya sayo. " seryoso nitong sabi saka ngumisi sa dalaga.

"K-kuya ahh! "Nauutal nitong sabi na napalitan ng sigaw ng bigla siyang sugudin ni mark saka siya sinakal.

"Ah-mark! P-Pakawalan mo ko! "Hirap na sabi ng dalaga habang pilit na kumakawala sa pagkakasakal sa kaniya ng binata.

Hindi sumagot si mark sa halip ay tinulak niya ang dalaga ng marahan na nagpabagsak kay Jam sa sahig.

Lumapit ito sa dalaga saka lumuhod at hinawakan ang mukha nito.

"Argh! Ah-ah-ah. "Paputol-putol na sigaw ng dalaga ng iuntog ng binata ang ulo nito sa sahig ng maraming beses.

***

Sa isang banda naman ay huminto ang kotse ni keyton sa harap ng hotel.

"Ang tanga naman kasi ng babaeng iyon. Cellphone nalang iniwan pa. "Naiinis na sabi ni keyton.

"Grabe ka naman bro kay Jean. Tara na nga at makauwi narin tayo. "Sabi ni zein saka lumabas na ng kotse.

Napa-tss lang si Keyton saka lumabas narin ng kotse. Walang kamalay-malay ang dalaga na nasa panganib na ang buhay ni Jam.

***

A/N: hanggang dito po muna. Btw ang chapter na ito ay dedicated kay dark_sky_11 salamat sa votes and comment xD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Axe MassacreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon